Sick Lie

39 2 0
                                    

 " a-a-ayoko .. ayokong maging kaibigan lang kita.."

" ha.. ah.. anong ibig mong sabihin?"

" ah.. eh.. ano... ayokong maging kaibigan lang kita, kasi gusto kong maging bestfriend kita.. oo.. tama..yun nga.. hehehe " tapos tumawa ako na parang tanga

" ah.. ganun ba.... gusto ko rin namang maging bestfriend ka.. so no problem.."

yeah.. no problem.. walang problema na maging BESTFRIEND ng taong mahal mo. What a sick lie.

LUIGI'S POV

Kakatapos ko lang magbadminton, badminton player kasi ako kaya nagprapraktis ako ngayon.Pupunta sana ako dun sa shed para magpahinga ng makita ko sina Zero at Miyu na magkasamang kumakain dun sa mga sheds dun. Normal lang naman saking makita si Miyu,pero bakit tuwing nakikita ko siyang kasama ni Zero. Palagi kong nakikita yung mga ngiti at saya sa mga mata niya na never ko pang nakita tuwing kasama niya ko.

Hindi naman sa insecure ako or what, pero naiinis lang ako. Lalo na these past few days, na mas napapadalas silang magkasama. Kaya mas napapadalas rin yung pag-uutos ko sa kanya. Ok lang naman sakin na kasama ni Miyu si Zero lalo na bestfriend ko naman si Zero. Ok lang naman DAPAT. Pero ewan ko. magulo.

Nakita kong medyo lumungkot yung mukha ni Miyu habang nag-uusap sila ni Zero.Hindi na sana ako lalapit pero ewan ko ba ba't di sumusunod tong mga paa ko. Kaya naman hindi ko namalayan na nakapunta na pala ako sa kanila.

" Oh Luigi, kumain ka na ba?" tanong sakin ni Zero

" hindi pa.Oh Miyu, bilis. tumayo ka na diyan, bili mo na ko ng lunch ko" utos ko kay Miyu

" ah kumakain pa ata si Miyu eh. asan ako na lang ang bibili" alok ni Zero

" hindi. siya ang natalo sa deal namin nung sportsfest at siya yung slave. kaya siya ang bibili" Tumayo na si Miyu ng hindi man lang nagsasalita o nagrereklamo. Aba! anong nakain nito at tumahimik? Matry nga yung lunch niya baka may kung anong chemicals na pampatahimik.

" Bili mo ko gaya nung lunch mo" Dumiretso lang siya ng lakad na parang wala sa sarili. Problema nun.

" May gusto ka ba kay Miyu?"  tanong sakin ni Zero pagkaupo ko dun sa pwesto kanina ni Miyu

"ha? ano'ng pinagsasabi mo  WALA AKONG GUSTO SA KANYA NOH" 

" ah,.,pero bakit parang iba yung trato mo sa kanya. Hindi ka naman ganyan sa ibang mga babae ah"

" ha? nahihibang ka lang. Ano ba yang kinakain mo? tignan mong mabuti baka panis na pala. Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa isip mo" TSK. ako? magkakagusto kay Miyu?

hindi ah.

HINDI.

HINDI.

HINDI PWEDE.!

dahil.....

dahil nararamdaman kong may iba siyang gusto at ...

at hindi ako iyon.

MIYU'S POV

 BESTFRIENDS FOREVER

Bakit kung ano pa ang mahirap ibigay, yun pa ang madalas hilingin.

"MIYU! MIYUUUU!" Narinig kong may tumatatawag sakin kaya napatingin ako sa kung san ko naririnig yung tumatawag saken. Andito nga pala ako sa ----- San ba ko dinala ng mga paa ko ?_? Sa sobrang kakaisip siguro kaya hindi ko namalayang napunta ako dito sa volleyballl court. Naku, kung saan-saan ako napapadpad.

Nakita ko si Sandy na nakaupo dun sa damuhan habang kumakain ng 'chichiria'. Siya pala yung tumatawag sakin kanina. Pinalapit niya ko kaya tinabihan ko siya. Mamaya ko na lang susundin yung utos ni Luigi saken.

Sorry, because I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon