I'm not prepared for this

97 2 2
                                    

Para akong susugod sa gera habang papasok ako sa classroom namin... tapos tumigil ako dun sa center.." CLASSMATES, LISTEN !!!" tinigil lahat ng mga classmates ko yung mga ginagawa nila at tumingin silang lahat sakin..

"BINABAWI KO NA YUNG SINABI KO NA OKAY LANG KAHIT MATALO TAYO SA DARATING NA SPORTSFEST .. NGAYON! KAILANGAN NIYONG GAWIN ANG LAHAT PARA MANALO TAYO.. AT KAPAG NANALO TAYO, SIGE ILILIBRE KO KAYONG LAHAT SA ICHIGO'S RESTAURANT" sabi ko

"YEHEY" kung maka-react parang nanalo na kami...

" Aira, May, Kaye, Kyel, Mike, Van" tawag ko sa mga pinakamatalino sa section namin.. "Kayo ang lalaban sa mind games at kailangang matalo niyo ang section A" pagkasabi na pagkasabi ko non... nanahimik lahat... para ngang maririnig namin yung mga yabag ng mga langgam sa sobrang tahimik.. Biglang natulala  yung mga kaklase ko, lalo na yung mga tinawag ko.. tapos bigla silang tumawa..

" Ano'ng nakakatawa? " tanong ko

" Class president naman oh, mahilig mag-joke.. " sabi ni Aira habang tumatawa..

" Mukha ba kong nakikipagjoke?" ( ̄ー ̄)sabi ko ng seryoso.. tapos tumigil silang lahat sa pagtawa.. tapos natulala sila ulit...

" seryoso ka Miyu? eh kahit yung pang pinakamatalino natin yung ilaban mo sa  pinakabobo nila siguradong matatalo tayo.. wala naman kasing bobo dun eh" sabi ni Aira

" kung gusto mong manalo, sa sports game tayo bumawi " sabi ni Rei

" pero hindi pwede yon! 50-50 yung percent ng mind games at sports games... kung matatalo tayo sa mind games... sobrang liit  na lang ng chance nating manalo" reklamo ko

" Ok lang mangarap Miyu, pero wag kang humingi ng himala.. lahat ng tao sa room na'to.. ay alam kung gaano katalino ang mga Section A"

waah~ bigla kong nasabunot kung buhok ko... tama sila don..

Oo nga! ang liit lang ng chance na mananalo kami..pero hindi ako pwedeng maging slave ng lalaking yon! ok lang sana kung si Zero yun <3 ok na ok pero..--- hindi sa lalaking yun!

Nung pag-uwi.. napag-usapan namin nina Aira na mag-group study kina Van para sa Sportsfest.. kasama ako, kasi isa rin ako sa mga matatalino sa section namin... pero nothing compared sa setion A.. Desidido ako kasi ayokong matalo..

Parehong busy sa trabaho ang parents ni Van kaya mag-isa lang siya sa bahay nila.. Pagdating namin sa living room, inayos na namin yung mga gamit namin.. tapos nag-START na kami..

15 minutes later .. (-_-)zzz

" hello? classmates? WAG KAYONG MATULOG DYAN.. KAILANGAN NATING MANALO" paalala ko

" pero gutom na ko, kain muna tayo.." sabi ni May

" Oo nga" sang-ayon ni Kaye

" Sorry, kakaubos lang ng mga groceries namin eh.. nakalimutan kong bumili kanina bago tayo pumunta dito... medyo malayo rin yung pinakamalapit na store mula dito.. tapos wala pang masyadong sasakyan na dumadaan... mga one hour pa sigurado bago dumating yung driver namin.. mga 15 minutes siguro yung lakaran.. kaya balak ko sanang hintayin na lang yung driver namin" sabi ni Van

" Oh narinig niyo? kaya magreview na muna tayo.."

"pero nagugutom na talaga ako"reklamo ni Kaye

" Uuwi na lang kami para makakain kami.. Magseself-study na lang kami nun' sabi ni May

"Ai Hindi! alam kong wala naman sa bokabularyo nyo ang selfstudy.. siguradong tatamarin kayo" sabi ko

"Eh gutom na kami" sabi ni Mike

" Sige, kung gutom na talaga kayo.. pumili na lang tayo ng bibili.. maglalakad na lang sila" sabi ko

" pero gutom na kami, hindi na namin kayang maglakad ng malayo.."

" Eh, sinong bibili?" tanong ko tapos tumingin lahat sila sakin na para bang may masama silang plano.. B-)

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + 

Haay salamat, nakarating na ko.. Pumasok na ko sa isang fastfood chain at umorder ng mga binilin nilang pagkain.. tapos binayad ko na.. kaso dahil sa layo ng nilakad ko.. naisip kong kumain at uminom muna para magkaroon ako ng energy... hahaha magutom muna sila.. umupo ako dun sa dulong table, mallit lang yung fastfood chain tapos marami pang customer nung time na yon kaya nakishare na lang ako ng table..  isa na lang kasi yung vacant seat..

" Pa-share!" sabi ko kahit nakaupo na ko

Inalis nung lalaki yung tingin niya mula sa binabasa niya tapos tumingin sa kin..  nung nakita ko yung lalaking ka-share ko ng table.. parang gusto kong maglaho na parang bula.. Eh Kasi Naman!! eh kasi naman!! .. yung kasing lalaki! yung kasing lalaking ka-share ko ay walang iba kundi si Zero! Syempre, masaya akong makita siya.. kaso yung kinaiinisan ko.. hindi ako prepared! syempre naglakad ako ng malayo kaya siguradong pawis-pawisan ako.. tapos hindi naman ako nag-ayos bago ako umalis sa bahay nina Van.. kaya baka kung ano yung hitsura ko ngayon... Ang gwapo-gwapo pa man din niya.. lalo na nakangiti pa siya..

" Ikaw yung friend ni Luigi, diba?" tanong ni Zero

" Ha? sinong Luigi?" tanong ko

" Si Luigi, yung binato mo ng trashcan sa meeting room"

Luigi pala yung pangalan ni white rabbit.. pero hindi yun yung mahalaga, ... masaya na sana ako kasi nalaman na ni Zero na nag-eexist ako sa mundo.. kaso.. naalala niya ko bilang friend nung bwisit na stranger, at nagbabato ng trashcan... ingat na ingat pa man din ako sa mga kilos ko dati.. tuwing nakikita ko siya, palagi akong mahinhin kumilos, para kung makita nya ko.. maganda yung image ko sa kanya..tapos ngayon---!

" ah-haha.. "

" Miyu yung pangalan mo diba?" tanong ni Zero... ow, kilig lungs, haha.. alam niya pangalan ko  ( ´∀`)

"oo."

" sa tagal na naming magkaibigan ni Luigi, never niyang nabanggit na may kaibigan siyang Miyu"

"ah, haha.. ah hindi lang siguro siya masyadong vocal"

"siguro nga, .. nabanggit nya rin pala sakin na may deal kayong dalawa sa darating na sportsfest.. Goodluck..," ang bait talaga niya.. di tulad ni white rabbit

"thank you"

"gusto ko sanang tumulong sa inyo kaso ako yung organizer ng event  kaya hindi pwede"

" wag kang mag-alala.., gagalingan ko talaga para sa'yo" o_0Grabe! kapal much... sinabi ko talaga yun sa kanya

"haha.., sige mauna nako..., goodluck ulit" habang nakasmile sya sakin... tapos tumayo niya sya.. tinitigan ko sya hanggang sa makalabas na sya..

Yung feeling na nginitian ka ng crush mo, ang saya-saya\(^o^)/

Mananalo ako para sa'yo :)

Sorry, because I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon