Time stops...!

51 1 0
                                    

Pagdilat ko... nakita ko ang maraming dugo galing kay Zero.. " Miyuuu.....okay ka lang ba?.." halos pabulong na sabi ni Zero... nakahiga ako ngayon at nasa taas ko si Zero..parang nakapush-up position siya... kung ganon? kung ganon.. niligtas niya ko... hinarangan niya yung speaker para iligtas ako? " hin....di ko na kaya.." sabi ulit ni Zero..  nakita kong inaalis na nila yung malaking speaker.. may part na glass yung speaker at nakita kong basag yun.. kaya siguro may dugo-dugo si Zero.. .. habang nakikita ko si Zero, ngayon sa harap ko.. nakikita kong nahihirapan siya.. Q_Q.." Sorry, Miyu" pagkasabi ni Zero sa mga salitang yun.., bumagsak na siya sakin..... dugo... andaming dugo... ayoko ng dugo... hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.... 

Pagdilat ko.., nasa isang white room ako.. " Miyu, okay ka na ba? " pagtingin ko sa kaliwa.., nakita ko si Sandy... kung ganon.. nasa university clinic pala ko..isang sikat na university yung school namin kaya kumpleto kami sa gamit..

Bigla akong napaupo ng maalala ko si Zero..." Asan si Zero?"

" wag kang mag-alala Miyu, okay na siya" sabi ni Sandy..

" pwede ko ba siyang makita?"

" Mapipigilan ba kita?"tapos tumayo ako habang inaalalayan ako ni Sandy.. wala naman akong masyadong natamong sugat dahil na rin kay Zero..

Pagpasok namin sa kwarto.., nakita ko si Zero na nakahiga.. lumapit ako sa kanya..hahawakan ko sana siya... ng may bigla akong marinig mula sa pinto..

LUIGI'S POV

Ang bilis ng mga nangyari... Pupuntahan ko sana si Zero ng makita ko si Miyu sa kwarto ni Zero..

" Oh Miyu.., anong tinatayo-tayo mo diyan.. malalate ka na sa laro mo... hindi ba ikaw lang ang ace player ng section niyo.. bilisan mo baka matalo kayo.. hahaha.." pang-aasar ko sa kanya

" tumahimik ka!" pabulong na sabi niya...

" ha? bakit naduduwag ka na ba?... bakit? tanggap mo na bang talo ka?"

" SINABI KO NG TUMAHIMIK KA!" sabi niya.. nabigla ako ng makita ko siyang umiiyak.. "DAHIL SAKIN! DAHIL SAKIN! KAYA NAGKAGANITO SI ZERO! DAHIL SA KATANGAHAN KO! NADAMAY PA SIYA! ... WALA AKONG PAKIALAM SA LINTIK NA DEAL NA IYAN!... MAS MAHALAGA SAKIN SI ZERO!" sabi niya habang umiiyak... nagulat ako... kasi first time ko siyang makitang ganon... parang sobrang halaga sa kanya ni Zero..

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at niyakap ko siya.. parang pakiramdam ko.. wala akong ibang dapat gawin, kundi alisin ang lungkot na nararamdaman niya.. hindi ko alam pero parang tumigil ang oras nung niyakap ko siya.. Nung mga oras na yon.. pakiramdam ko, yun lang ang tamang gawin..

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +

MIYU"S POV

" Ipaglecture mo ko sa notebook ko! kailangan ko na yan mamaya!" 

" YES SIR!" tsk!so, dahil natalo kami... naging slave niya ko... huhuhuhuhu.. kawawa ako..

" Wag ka namang ganyan sa kanya Luigi" pagtatanggol sakin nung prince ko..haha.. kaya kahit papano.. masaya ako.. kasi bestfriend ni Luigi si Zero.. at dahil kailangan kong palaging dumikit kay Luigi.. means palagi ko ring makakasama si ZEro <3... yipee!.. 2 weeks na rin mula ng sports fest at magaling na si Zero... at ako.., parang alalay dito... 

" Hindi...! kailangan niyang matapos yan.. bilisan mo at kailangan mo na ring dalhin ang gamit ko sa classroom namin " utos ni LUIGI.. tsk! tumayo na ko tapos kinuha ko yung bag niya!..

" ASan, tulungan na kita" sabi ni Zero tsaka dinala yung bag ni Luigi.. maglalakad na sana kami kaso biglang kinuha ni Luigi yung bag niya tapos binigay sakin..

" Hindi! siya ang magdadala nito!" tapos binigay pa niya sakin yung dalawang makapal na libro niya.. demonyo talaga tong lalaking to!... tapos hinila niya si Zero para mauna na silang maglakad..

Maglalakad na sana ko ng may biglang mahulog mula sa libro.. nang pinulot ko.. nakita ko yung isang picture na magkasama sina Zero at Luigi.. wow.. ang gwapo talaga ni Zero.. hehe.. wala naman sigurong makakapansin kung kukunin ko yung picture.. kaya naman nilagay ko sa wallet ko yung picture.. tapos naglakad na ko..

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + ++ + + + + + + + ++ 

Dismissal time..

" Iuwi mo na sa bahay ko yung gamit ko" utos ni Luigi

" At sang lupalop ng mundo ka naman nakatira? ano'ng akala mo sakin? manghuhula?"

" Sige.. basta paglabas mo ng gate, kumanan ka.. tapos kaliwa.. tapos may makikita kang daan.. tumawid ka.. tapos maglakad ka ng deretso.. tapos kaliwa.. tapos kanan naman.. tapos diretso ka ulit.. tapos pagmedyo matagal tagal ka ng naglalakad, may makikita kang bahay.. yun na yung bahay ko.."

Miyu ----- > (~_~メ)

" bahay lang yung naintindihan ko.." reklamo ko

" naku naman! ang slow mo talaga.. sige , uwi ka na nga! " 

tapos tumakbo na ko... YES! buti na lang LORD at slow ako..

Pag-uwi ko sa bahay., nagbihis na ko.. tapos nagcomputer then nagpahinga.. buti na lang sabado bukas at walang Luigi na manggugulo sakin..habang nagpapahinga ako.. biglang nagring yung cellphone ko... ibig sabihin may nagtext..

 Pumunta ka bukas sa harap ng Shiniya Station.. 8am sharp.. walang malalate..!

- WHITE RABBIT..

ano to? akala ko pa naman makakapagpahinga na ko bukas...

teka... ano to? DATE?!

Sorry, because I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon