Tayong dalawa dapat

58 2 0
                                    

MIYU'S POV

Andito kami ngayon sa mall ni Zero dahil may bibilhin ako kunwari kaya humiwalay kami kina Sandy at Gino.

" Ano yung bibilhin mo?" napalingon ako kay Zero na kasalukuyang tumitingin dun sa mga keychains.

" ah-ano--ah----keychain, bibili ako ng keychain. May gusto kasi akong pagbigyan ng keychain" lumapit ako kay Zero para makapili din ako ng keychain. Syempre echos lang yung pinagsasabi ko kasi wala naman talaga akong bibilhin pero tutal at andito na rin lang ako kaya bibigyan ko na ng gift si Zero <3

" para kanino ba yung keychain?"

" h-a?" napatingin ako kay Zero na nakatingin din pala sakin

" para ba sa bestfriend mo? boyfriend?or classmate?"

" hmm.. malapit na kaibigan" haha, close na kami ni Zero ngayon

"babae o lalake? para naman matulungan kitang pumili"

" ahmm, lalake"

" ah, sige tingin lang ako banda don parang marami pa don eh" ^_^

"sige" pumunta nga banda don si Zero habang tumitingin naman ako dito

Maraming magagandang keychain pero may pinakanagustuhan ako sa lahat. Yung keychain na style lock na kulay blue at may design na four leaf clover.

" Zero may na-" sasabihin ko sana kay Zero na may nakita na ko pero wala na siya dun sa pinuntahan niya kanina kaya naman pumunta na ko dun sa counter tapos pinalagay ko siya dun sa cute na maliit na paper bag. After kong bayarin yung keychain nakita ko na si Zero na palapit sakin.

" Sorry ah, may nag-call lang. Nakabili ka na?"

" Yup" tinaas ko yung maliit na paper bag para makita niya " tara na"

" Sige" ^__^

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +  + + 

Dumiretso kami ni Zero sa isang fastfood chain para maglunch

" hindi ko inakalang si Gino pala yung boyfriend ni Sandy. Ni hindi ko nga alam na magkakilala sila eh. Ang alam ko kasi si Eihron yung gusto ni Sandy" kwento ko kay Zero habang kumakain kami

" Kahit ako hindi ko rin inexpect na si Sandy yung bagong girlfriend ni Gino pero ganyan naman talaga eh. Madalas kasi magkaiba ang sinasabi ng bibig sa sinasabi ng puso. Natatakot kasi tayong sabihin na mahal natin sila dahil baka hindi nila tayo mahalin tulad ng pagmamahal natin sa kanila " ^__^

" Hindi mo pa ba nasasabi dun sa babaeng mahal mo yung nararamdaman mo sa kanya?" --- o_O teka, ang daldal ko talaga parang gusto kong sabunutan ang sarili ko. Bakit ko tinanong yon kay Zero, naalala ko kasi yung sinabi niyang babaeng mahal niya nung nakasakay kami sa ferris wheel nung kasama namin si Sara. Baka isipin niyang napakapakialamera ko. Sabagay, totoo naman pero kahit na." Ai, hindi mo naman kailangang sa-"

" hindi pa, hindi ko pa nasasabi sa kanya pero plano ko ng sabihin"

" Ah " Pano ka na niyan Miyu, kapag nagtapat siya sa ibang babae, wa-chance ka na

" Marunong ka bang magiceskating?"

" ha? "

" gusto mo bang magiceskating after nating kumain?"

" Ah hindi ako marunong eh, papanuorin na lang kita"

" Tuturuan na lang kita, Oh ano game?"

" hmm, sige"

After naming kumain dumiretso kami sa ice skating rink pero hindi muna kami agad nagiceskating dahil kakatapos lang naming kumain kaya naman nanuod muna kami sa mga nagiiskate.

Sorry, because I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon