friday the 13th. naturingan na pinakamalas na araw sa kasaysayan ng daigdig. well tingnan natin. kahit naman hindi ganun ang date e minamalas ako.
wala akong pasok ngayon dahil may emergency meeting daw ang mga prof ayon sa text ng class president namin.
masaya na malungkot. masaya dahil hindi ko pa nagagawa ang assignment para sa araw na iyon. malungkot dahil wala akong dahilan para humingi ng baon at istambay na naman ako dito sa bahay.
nag balance inquiry sa aking serivice provider
"you have 20 pesos in your account"
ayos to. ano makaya magandang gawin? text ko si katie?
hindi eh baka busy yun at inaatake na naman ako ng pagiging torpedo
*nokia tune*
haha nabuking tuloy ako na nokia ang gamit ko :P
sorry naman ala akong iphone or galaxy hehe.
*txt message:
K: hi mark :)
...ui si katie
agad kong tinext ang aking service provider upang ipa-unli ang natitirang load.
sucess.
*txt conversation:
M: kumusta na Katie
K: eto mahaba ang vacant period ko mga tatlong oras pa
M: ah e ano ginagawa mo?
K: eto nasa cofee shop, tamabay hehe :)
M: gusto mo samahan kita. ay kaya lang ala nga pala akong pera hehe.
K: bakit nasaan ka ba?
M: nasa bahay wala kasi kaming pasok.
K: ay ganun ba. txt txt na lang tayo wala kasi ako kausap.
M: bakit? nasan mga friends mo?
K: gusto ko muna mapag isa...
M: bakit may problema?
K: ah eh wala naman basta ayun.
M: well okey.
K: Mark pede magtanung?
M: sure, go ahead
K: nagka grilfriend ka na ba?
yan ang mga gusto kong topic hehe :))
M: uhm dati oo.
K: ui share naman :)
M: ah eh mahabang istorya e baka matapos na yung vacant mo nasa chapter one pa lang tayo.
K: ay ganun? hehe sige next time kwento mo pag nagkita tayo ha.
M: okey
K: gusto mo ba magka girlfriend ulit?
ano to? ibig sabihin ba nito nagpiprisinta siya maging gf ko? haha wag kang feeling boy asa ka pa! XD
M: uhm siguro kung may magkakamali ulit sakin haha XD
K: bakit hindi? di ka naman siguro mahirap mahalin.
what the?? wag kang ganyan please haha umaasa ako.
M: weh!?
K: sige kung ayaw mo edi babawiin ko
M: ito naman nagtatanong lang eh :)
K: haha joke lang :) o sige na naalala ko may gagawin pa nga pala ko see you later na lang.
M: okey bye ingat :)
*end of conversation
wooooooo!!! ang gwapo mo tol!
haha feeling ko naman. pero sabi niya di naman raw ako mahirap mahalin
ibig sabihin ba nun mamahalin niya ko?
sana lang. asa mode na naman po tayo.
pero feeling ko ang swerte ko ngayong araw na to.
pero ayoko muna ubusin ang swerte kasi baka wala nang matira para bukas. hehe
![](https://img.wattpad.com/cover/17437070-288-k421546.jpg)
BINABASA MO ANG
Do Not Close Your Heart (tagalog story, romance, teen fiction) [Ongoing]
Teen Fictionmatapos ang lahat ng sakit na nararamdaman mo, matapos lahat ng sakripisyo mo at matapos ang lahat ng pinagdaanan mo, mananatili pa rin bang nakabukas ang iyong puso??