Hanap

1K 13 3
                                    

Umaga pag gising hindi muna ko bumangon medyo tinatamad saka matagal pa naman ang start ng classes maaga lang ang enrollment.

Open muna ng FB. naisipan ko isearch ang pangalan ng babaeng nakilala ko. ano nga ulit yon??? biglang naalala ko ahh. Katie kahit di ko alam ang last name search pa rin.

230 results :(

Sabi ko na e. pero pinilit kong hanapin ang mukha niya sa sandamukal na mga profile sa FB.

merong kahawig, merong ibang-iba ang hitsura at meron walang profile pic. wala di ko mahanap.

Sobrang bilis din naman kasi talaga ng pagdating at pag alis niya, parang bagyo ba.

Pero umaasa ako na magkikita kaming muli gaya ng mga nababasa ko sa pocketbooks at napapanood sa tv.

OO pocketbooks, sabi nila pambabae raw ang pagbabasa ng pocket books pero bakit ba? kanya-kanyang trip lang yan mga bro.

saka kinakapa ko lang naman ang mga pocketbooks sa bahay pag wala na talagang mapag libangan.

Inisip ko bumalik kaya ako sa mall at kumain uli? baka sakaling maki-share ulit siya ng table at magulat na lang ako.

Pero mukhang malabo dahil di ko naman siya madalas nakikita sa araw-araw na pagtambay ko sa mall.

OO araw-araw lalo na pag bakasyon. kilala ko na nga halos lahat ng salesman/lady, service crew,security guard etc. maliban na lang kung nagsara ang shop nila o nalipat sila sa ibang lugar.

Bumaba muna ako para kumain. dahil wednesday ngayon wala si mommy. si daddy nasa trabaho kaya kami lang ni lolo ang nadito sa bahay.

Si lolo andun sa labas hinihimas yung manok niya.

Matapos akong kumain tiningnan ko ang oras. 9:45. Ayos 15 minutes na lang magbubukas na ang Mall.

Naligo ako at nagbihis. Dumeretso sa mall sinimulan ang paghahanap. tingin tingin, lakad-lakad.

naisipan ko ang pinakapaborito kong puntahan. Ang National Bookstore. habang nagtitingin ako ng mga libro sa istante may nakita akong parang pamilyar.

pero nakatalikod. bumilis ang takbo ng puso ko. "Wow ang aga naman sandali pa lang ako naghahanap makikita ko na :))" sabi ko sa sarili ko.

Kahit pa nahihiya at may pag-aalinlangan. lumapit ako sa babaeng nakatalikod. kinalabit ko siya at tinawag ang pangalan na para bang close kami.

"Ui Katie!" tawag ko.

Napalingon ang babae....

siya na nga kaya ito?

Do Not Close Your Heart (tagalog story, romance, teen fiction) [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon