"Amen." sambit ko matapos pamunuan ang dasal sa simula ng klase.
bumalik ako sa kinauupuan ko. nandito ako sa likod katabi ng mga irregular students
dahil hindi naman sila madalas dito at dito lang sa subject na to namin sila kaklase,
hindi ko rin sila madalas nakakausap. maliban na lang kung magtatanong sila sa akin
tungkol sa mga gawain tuwing aabsent sila.
Ang subject ngayon ay literature.
"class nagbasa ba kayo?" si Mam S ang prof namin
"siyempre hindi" sa isip ko lang haha.
mukhang mainit ang ulo ni mam. kaya yung mga hindi nakakasagot ay pinatatayo niya.
ipinagdasal ko na sa lahat ng mga santo at santa pati na kay santa claus na wag sana ko matawag.
magbabasa naman sana ko kagabi. kaya lang nakatulugan ko.
uminom kasi ako ng soya milk at hindi ko alam na may formula palang sangkap na pampatulog ito
hindi manlang nakalagay sa label na "warning causes sleepiness"
active pa naman sana ko parang paniki at natapos ko ang mga recquirements sa major subject
pero nung uminom ako biglang nanghina si batman at bumulagta sa walang hanggang tulog.
haha joke lang XD
kaya ayun di ako nakapagbasa.
sa gitna ng aking pag-iisip, "Mr. Masinag!"
:(
di pinakinggan ni santa claus ang dasal ko. sa mga bata lang yata talaga siya nakikinig.
natawag ako.
Ms. S: "answer the question or else..." si mam.
M: "uhm..."
Ms S: "yes?"
hindi nga kasi ako napagbasa.
pero alam ko napag-aralan ko to nung highschool kaso matagal na.
Ramayana ang topic namin ngayon.
Ms S: "hindi ka rin nagbasa no?"
yumuko na lang ako.
pinaupo na niya yung mga pinatayo niya pati na rin ako.
yes! di ako napatayo ng matagal hehe :).
sermon sermon rin pag may time haha.
sinabi niya na hindi raw namin sineseryoso ang subject niya.
e siya ba sineseryoso niya? kanina nga natapos namin yung Mahabharata ang pinakamahabang epic sa buong daigdig pero trenta minutos lang niya diniscuss.
bibigyan raw niya kami ng novel para sipagin magbasa. short story nga di mabasa-basa novel pa kaya?
uwian na. pero kain muna ko plus tambay.
----------------------
kasama ko ngayon si Peter na kaibigan ko.
P: "pre may ikukwento ko sayo."
M: "ano yun tol? tungkol sa chicks."
P: "oo pre"
M: "sige go"
P: "ganito kasi yun. alam mo ba may bagong classmate kami. balita ko nag enroll daw sa section namin para makilala ako."
M: "hanep lang pre! ang angas mo.
P: tapos eto pa pre, niyaya ko kumain nilibre ko siya tapos ayun nagkakwentuhan.
M: "ayos pala tol."
P: "pre tingin ko nga nagkakaintindihan na kami. :)"
M: "kakakilala pa lang nagkakaintindihan na agad?"
P: "haha. yun nararamdaman ko e. sige tol una na ko."
M: "sige ingat."
akalain mo yun, yung kaibigan ko na yun hinahabol raw ng chicks?
haha natatawa ako na ewan :p
oo aaminin ko medyo nainggit ako. medyo lang naman
weh?
oo na naiinggit na nga.
samantalang ako wala pa yata nagkaka-crush sa akin.
may chismis nung highschool pero chismis lang naman yun na narinig ko.
saka ayoko naman ligawan yung babae dahil lang nalaman kong may gusto siya sakin.
C: "ui Mark :D"
M: "O? Thine di ka pa pala umuuwi."
C: "haha kumain lang kami :)"
M: kami? sino kasama mo? bakit parng masaya ka yata?
C: "may ikukwento ako sayo hihi :)"
ang dami yatang may kwento ngayon haha.
M: "sige kwento mo"
C: "kasi kasabay ko kumain yung crush ko"
M: "sino ba crush mo?"
C: ui di ko sasabihin! naalala mo ba di mo pa sinasabi yung sayo?
M: "haha oo nga e. sige tuloy mo kwento mo."
C: "ayun kumain kami, nagkakwentuhan, tapos andami ko na nalaman tungkol sa kanya."
M: "ayos pala. sige una na ko ha."
C: "sige babye :)"
--------------------
nakauwi na ako sa bahay. palit ng damit at gumawa ng assignments.
nag text ako kay Katie: "Hello Katie kamusta ka na?"
.
.
.
.
lumipas ang isang oras walang reply :(
nalungkot ako. pero inisip ko baka busy lang siya or walang load.
nahiga ako sa kama ko at nag iisip pa rin kung bakit di siya nagrereply
hanggang sa nakatulugan ko na lang.
*tunog ng text message*
si Katie: hi mark. sorry di ako nakareply sayo nakataulog kasi ako sobrang pagod daming schoolworks.
nagreply ako: "okey lang yun. sige next time na lang. goodnight :)"
si Katie: "goodnight rin sayo :)"
BINABASA MO ANG
Do Not Close Your Heart (tagalog story, romance, teen fiction) [Ongoing]
Teen Fictionmatapos ang lahat ng sakit na nararamdaman mo, matapos lahat ng sakripisyo mo at matapos ang lahat ng pinagdaanan mo, mananatili pa rin bang nakabukas ang iyong puso??