3rd Person P.O.V.
Umaga. Maaliwalas ang paligid. Maaraw ngunit hindi naman maalinsangan. Matatagpuan ang isang binata
na nakahiga ng padapa sa kanyang kama sa loob ng maliit na silid. Nakabaukas ang computer na
malapit sa kama. Tahimik na humihikbi ang lalaki na nakadapa. Basang basa na ang kanyang
unan sa luha.
Ang araw na ito ay napakalungkot sa kanya bukod sa nag-iisa siya sa bahay ay dahil sa
nangyari at nalaman niya ilang araw na ang nakalilipas.
Hindi pa rin matanggal sa isip niya ang babae na labis niyang minahal.
Araw at gabi siyang nakatulala at paminsan-minsan ay di nakakapasok gawa ng
napupyat siya at nagkakasakit. Lagi niyang naiisip ang bawat salitang huling binitawan
ng babaeng kanyang minahal.
Pero tila nagpapakatanga siya dahil sa kabila ng lahat ay gusto pa rin niyang makita
ang babaeng iyon sa huling sandali.
Nabalitaan niya na bukas raw ang lipad ni Katie patungong amerika
nabasa niya ito sa status sa facebook ni katie na palagi pa rin niyang tinitingnan
Nagtataka pa nga siya kung bakit hindi pa siya ina-unfriend ng babae sa kabila
ng nangyari sa kanila.
Gusto niya sanang i-unfriend ang babae kasi nagtatalo ang puso at isip niya kung
gagawin ba niya ito. Galit siya ngunit iniisip niya na hindi siya dapat mgalit dahil
siya naman ang umasa. sa kabilang dako ng isip niya ay naawa siya sa babae
at naawa rin siya sa kanyang sarili.
Buo na ang kantyang desisyon kahit na sa tingin pa niya ay katangahan ito.
pupunta siya sa paliparan bukas upang makita sa huling sandali si Katie.
***************************************************************************************
*sa loob ng malaking bahay*
Nakaupo ang isang dalaga sa gilid ng kanyang kama katabi ng isang maleta
isa isa niyang tinutupi ang mga damit na dadalhin sa kanyang pag alis.
maleta at isang handbag lang ang balak niyang dalhin at hindi na siya
nagdala ng iba pang bagay bukod sa mga personal na gamit at isang diary.
nang matapos ang pag iimpake niya ay umupo siya sa upuan sa harap ng computer
nag log in siya sa facebook at nakita ang mukha ng isang lalake sa newsfeed niya
at kasama pa niya ito sa litrato.
Naluha siya at napapikit. maraming alaala ang bumalik sa kanya
halong masayang alaala at halong malungkot.
Ito ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit siya aalis.
Marami siyang gustong kalimutan. At marami rin naman
siyang gustong balikan sa lugar na pupuntahan.
Agad siyang pumunta sa facebook settings at nag deactivate ng profile
Matapos nito ay humiga siya sa kama. Umiiyak.
---------------------------------------------------------------------------
Umaga.
kahabaan ng traffic papuntang airport. nakasakay si Mark sa isang taxi
aligaga at tingin ng tingin sa relo ang binata.
Tinanghali siya ng gising dahil nalowbat at cellphone niya at hindi nag alarm
Gusto na sana niyang bumaba at tumakbo na lang pero napakalayo pa ng kanyang
pupuntahan.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pa niya ginagawa ito matapos siyang masaktan
bakit gusto pa rin niyang makita ang babaeng minsan nagpatibok ng kanyang puso.
Malapit na siya sa paliparan. Agad na siyang nagbayad sa driver at tumakbo na papunta
sa airport.
Maraming tao. Masikip at mainit.
sumiksik na siya sa mga taong papunta sa departure area.
inaabangan niya na magpakita si Katie sa kahit saang lugar.
lingon at lingon ang kanyang ginawa.
Hanggang sa makita niya ang isang babaeng may mahabang
buhok at makinis na mukha. naka shades ito pero kilalang kilala
niya ito.
Gusto sana noyang tawagin si Katie.
Pero napag isip niya na bakit pa?
para magpaalam?
para makita siya nito?
para lumapit ito sa kanya?
Sa gitna ng pag iisip niya ay pumasok na ang babae sa loob.
Nagsisi siya na nag alinlangan pa siyang tawagin ito.
Sana sa huling sandali ay nakapagpaalam man lamang siya
sa babaeng minsang nagpasaya sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
Do Not Close Your Heart (tagalog story, romance, teen fiction) [Ongoing]
Jugendliteraturmatapos ang lahat ng sakit na nararamdaman mo, matapos lahat ng sakripisyo mo at matapos ang lahat ng pinagdaanan mo, mananatili pa rin bang nakabukas ang iyong puso??