Mark's POV
Hay buhay nga naman. balik na naman ako sa dati kong walang kulay na mundo.
Bahay, eskwelahan, research, recitation, quizes at projects na walang kinalaman sa subject.
Sa totoo lang ang hirap mag move-on mga tol. Dati lagi kong sinasabi sa mga broken hearted
kong kaibigan na: move on na tol, kalimutan mo na siya, babae lang yan, lilipas din yan brad.
Pero ngayon anong nangyayari sa akin? Totoo pala na kapag ikaw na yung nasa sitwasyon
mahirap na.
Uwian na. Maaga pa naman naisipan kong pumunta muna sa bookstore sa mall.
Naisipan kong bilhin ang libro ni Papa Jack isang sikat na DJ at tagapayo sa radyo
meron kasi siyang libro tungkol sa pagmomove-on.
Pagdating ko sa bookstore ay agad kong hinanap ang libro at nakita ko na nag-iisa na lang ito.
Aabutin ko na sana sa istante ng biglang may isa pang kamay na umabot rin dito na naging dahilan
ng pagkakahawak ng kamay namin.
Nakita ko ang isang babae na medyo may kaliitan pero tama lang naman ang height para sa isang babae.
may tuwid na buhok at maputi at makinis na kutis. pero teka parang kilala ko to.
Oh Sh*t!!!
"Hey ikaw na naman?!"
"..."
"Di ba ikaw yung manyak na stalker na lalaki dito na tumawag sakin na Katie?" nakapamewang na sabi niya
Sumagot ako. "Manyak? Alam mo ba yung ibig sabihin ng sinasabi mo? Ang hirap sa mga tulad niyo lagi kayong nagjajudge ng ibang tao kahit hindi niyo pa sila kilala. Hindi ba pwedeng nagkamali lang kami?
"..." na-speechless siya.
Kinuha ko ang libro. "Sorry miss mas kailangan ko ito." sabay yuko at dumiretso sa cashier.
***
Nakauwi na ako ng bahay. Kumain. Nagbihis. Agad akong humiga sa kama ko at sinimulan basahin
ang binili kong libro.
Natapos kong basahin ang libro sa isang upuan lamang o dapat ko bang sabihin na isang higaan lang
dahil nakahiga ako.
Magaganda naman ang mga payo pero parang may kulang. Parang kailangan ko pa rin ng karagdagan
na payo at...
Kailangan ko ng makakausap.
Naisip kong tumawag sa programa niyang TLC o True Love Conversations sa istasyon
ng Love Radio.
Hay Buti pa ang Radyo may Love.
Kinuha ko ang wireless phone at nag-dial
8326171
*ring*
*ring*
*ring*
"Hello, welcome to Love Radio"
Kinausap ako ng asistant, nagtanong ng mga pangunahing impormasyon at hiningi ang
phone number ko.
makakausap ko na daw si PapaJack maya maya lang.
***
Makalipas ang ilang minuto
PJ: "Eto na po ang ating first caller. Hello, good evening!"
M: "Good evening po."
PJ: "Anong pangalan kuya?"
M: "Mark po."
PJ: "ilan taon na?"
M: "21 po."
PJ: "Bakit parang malungkot ka?"
M: "May problema lang po sa love."
PJ: "Sige kwentuhan mo kami, naririnig tayo ng buong pilipinas."
Nagkwento ako tungkol sa amin ni Katie. Mula sa pagkikita at pagkakaibigan namin
hanggang sa nagtapat ako sa kanya, nabigo at nasaktan.
PJ: "Ano ang maitutulong ko sayo kuya?
M: "Hhingi lang po sana ko ng advice kung pano mag move-on.
PJ: "Alam mo Mark may process ang pagmomove on. It takes time. Hindi ko aasahan na makakamove on ka na dahil kelan lang to nangyari. Subukin mong mas pahalagahan ang mga nagmamahal sayo, pamilya, kaibigan at mga taong malalapit sayo."
PJ: "In another way, bakit hindi mo subukan magmahal ulit?."
M: "Hindi pa po ako handa e."
PJ: "Isang way ng pagmomove-on ay ang pagtanggap at pag nakahanap ka na ng iba."
M: "Di ba parang rebound naman po yata yon Papa Jack?"
PJ: "Ang rebound ay pag ginamit mo ang ibang tao bilang panakip butas para maka-move on at kapag okay ka na ay iiwanan mo na siya. Pero kung magmamahal ka ulit walang masama doon.
PJ: "Kung sakaling nakikinig man ngayon yung babaeng tinutukoy mo ano ang gusto mo sabihin sa kanya?
M: "Uhm Katie, kung nasaan ka man ngayon sana maging masaya ka. Pasensya ka na sa mga nagawa ko na di mo nagustuhan kung ano man yun. Salamat dahil kahit sa maikling panahon napasaya mo ako. Yun lang po Papa Jack."
PJ: "Salamat sa pagtawag."
M: "Salamat rin po."
*End of Conversation*
Nagsoundtrip lang ako sa radyo magdamag.
BINABASA MO ANG
Do Not Close Your Heart (tagalog story, romance, teen fiction) [Ongoing]
Novela Juvenilmatapos ang lahat ng sakit na nararamdaman mo, matapos lahat ng sakripisyo mo at matapos ang lahat ng pinagdaanan mo, mananatili pa rin bang nakabukas ang iyong puso??