The 2nd Date

554 7 0
                                    

May lakad kami ni Katie ngayon. niyaya ko siya na kumain sa isang mamahalin na restaurant.

Birthday ko kasi ngayon. Mas pinili ko na makasama siya sa araw na ito.

Natapos na akong maligo. Nagbihis ng Paborito kong damit. Naglagay ng gel sa buhok at nagsuklay.

Nagwisik ng pabango. Paulit-ulit na tiningnan ang sarili sa salamin.

Nagpaalam ako kay mommy na aalis na ako.

----------

*Sa Resto

K: "Happy Birthday Mark!" 

Bati ni Katie sabay abot ng regalo.

M: "Salamat dito ha nag abala ka pa."

K: "Ano ka ba okay lang yun minsan lang naman."

M: "Kain na tayo?"

K: "Sige. :)"

Umorder na ako ng pagkain. habang kumakain ay nagkakwentuhan kami.

K: "Mark 20 years old ka na wala ka pa rin lovelife"

M: "May hinihintay kasi ako."

K: "Ui ako ba yan. :)"

napatawa ako sa sinabi niya. at sumagot ako.

M: "Pano kung ikaw nga? :)"

natawa siya.

K: "Ui ano ba wag mo ko tingnan ng ganyan. :)"

Lumipas ang mga oras namin ng puro kwentuhan, tungkol sa school,

pamilya, mga kaibigan at kung anu-ano pa.

ng matapos kaming kumain at magkwentuhan ay nagbayad na ako.

--------------------

Pumunta muna kami sa park dahil maaga pa naman at alas otso pa naman 

siya susunduin. 

Buo na ang pasya ko. sasabihin ko na sa kanya.

K: "Ui bat ang tahimik mo? Hindi ako sanay haha."

M: "Katie may sasabihin ako sayo."

K: "Ano yun?"

M: "I like You."

Halata sa mukha niya ang pagkagulat.

Bigla tuloy ako pinanghinaan ng loob. Ayaw kaya niya sakin?

Ngunit sumagot siya.

K: "Alam mo Mark marami na nagsabi sa akin ng ganyan. Pero sayo iba yung naramdaman ko nung sinabi mo yun."

M: "Katie. Bigyan mo sana ako ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko sayo."

K: "Oo naman. :)"

Nabuhayan ako ng loob. Pakiramdam ko sinagot na niya ako pero siyempre kalahati pa lang ng laban ito

ang sarap pala ng feeling na nasabi mo na yung nararamdaman mo. 

Pagtungtong ng alas otso ay dumating na ang sundo niya.

K: "Goodbye Mark! :)"

Sabay humalik siya sa pisngi ko.

-------------------------

Nakauwi ako sa bahay.

Mom: "O anak kumusta ang lakad? Iba yang ngiti mo ah."

:D

Mom: "Nako ang baby ko binatang-binata na :)"

M: "Mommy naman 20 na kaya ako :)"

Mom: "Sinagot ka na ba anak?"

M: "Hindi pa mom. Pero nasabi ko na po sa kanya na gusto ko siya."

Mom: "Maganda kung ganon anak. Gwapo ka naman anak kulang ka lang sa confidence 

at matalino ka naman dahil nagmana ka sa akin."

M: "Haha si mommy talaga."

Mom: "O siya anak sige matulog ka na at may pasok ka pa bukas."

M: "sige po goddnight ma."

----------------

Pagdating ko sa kwarto hindi pa rin ako natutulog. Nakatingin lang ako sa mga bituin.

Naaalala ko pa rin ang pagdampi ng labi niya sa aking pisngi.

Inulit ko ang mga eksena na nangyari kanina habang nakahiga ako.

Inaalala ang kanyang mukha. Ang masaya naming kwentuhan.

at ang pagtatapat ko.

Do Not Close Your Heart (tagalog story, romance, teen fiction) [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon