Sundo

575 5 0
                                    

Dahil mas maaga ako uuwi kay Katie ngayon, napag isipan ko na sunduin siya sa sa

school niya at ayain mag-bonding.

*Sa School nila.

G: "I.D.!?"

Heto na naman yung guard na masungit pero napag handaan ko siya ngayon.

Iniabot ko sa kanya ang dalawang kaha ng Marlboro Cigarette.

G: "Welcome to ****** ******* University sir!"

Wow ayos to ah hehe yung guwardiya ng eskwelahan biglang naging guwardiya

ng fastfood hahahaha! dami kong tawa :))

Tumuloy na ako dala-dala ang roses na binili ko kanina sa Dangwa.

Ayon nagkaka-idea na sila kung saan ako nag-aaral haha. :))

Umupo muna ako sa bench pero di nagtagal nakita ko na si Katie.

Kasama siya ng mga kaklase niya, puro sila mga babae.

Lumapit ako sa pwesto nila. Napalingon sila bigla sa akin.

M: "Hi Katie :)"

Nagtilian ang mga babaeng kasama siya kasunod ay nagbulungan ang mga ito.

Iniabot ko ang bulaklak sa kanya.

M: "Roses para sa pinakamagandang babae sa *** (Abbreviation ng school hulaaan niyo hehe)

Halos himatayin sa kilig ang mga kasama niyang babae.

K: "Ui thank you ha bakit ka nga pala nandito?"

M: "Sinusundo kita :)"

K: "Mabuti pa samahan mo muna ko sa mall may bibilhin kasi ako."

M: "Sige ba."

------------------

Habang patawid kami papunta sa mall hinawakan ko ang kamay niya.

Medyo nahihiya ako pero iniingatan ko siya dahil delikado ang pagtawid dito.

Pagdating sa kabila ng kalsada bibitawan ko na sana ang kamay niya dahil nahihiya na

talaga ako pero nakahawak pa rin siya. :)

Pagdating sa entrance ng mall hiwalay ang babae sa lalaki.

bumitiw na kami sa isa't isa. bwisit na entrance ng mall to!

Pagpasok ng mall agad siyang pumunta sa department store. Nakasunod naman

ako. Pumili na siya ng mga damit at isinukat.

Tinatanong niya ako sa bawat damit na isusuot niya kung bagay ba sa kanya.

lagi naman oo ang sagot ko. Maganda kasi ang katawan niya kaya halos

lahat ng damit bumabagay sa kanya.

hindi lang ako sumasang-ayon sa mga damit ng masyadong kita ang likod at katawan

o di kaya ay yung masyadong maiikli, ayoko naman kasi na mabastos niya.

-------------------

Matapos mamili ay kumain kami sa foodcourt. Sagot niya dahil raw sinamahan ko siya.

M: "Kumusta naman ang pag-aaral mo?"

K: "ayun kering-keri naman kaya lang nakaka stress talaga ang dami ng requirements."

M: "ganun talaga. kayang kaya mo yan matalino ka naman. ako nga hindi masyado pero kaya haha."

K: "hindi naman ako matalino masipag lang :)"

M: "ikaw na ang masipag hehe :)

K: "ikaw rin naman masipag ka mag aral."

M: "siyempre para sa future natin :)"

K: "natin talaga?"

M: "Oo bakit?:)

K: "Haha nagpapatawa ka na naman."

M: "seryoso kaya ako."

K: K. Fine whatever :)"

---------------------------------

Nakasakay na kami sa jeep pauwi, hindi kasi siya masusundo ng driver nila dahil nasira yung kotse.

Dala ko yung iPod ko at nagsasound trip kami, share kami sa earphone. 

Pinaririnig ko sa kanya yung mga paborito kong lovesongs.

magkahawak kamay kami. Umuulan medyo malamig. Traffic pa kaya medyo matatagalan kami

pero okey na okey :)

perfect na perfect ang moment.

parang ayoko nang makarating kami sa destinayson haha

pagdating sa kanila nagpaalam ako bago siya pumasok sa gate nila

at hinalikan ko siya sa pisngi.

Do Not Close Your Heart (tagalog story, romance, teen fiction) [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon