PLAGIARISM IS A CRIME!!
Chapter 4-Trip nya ako!-
GUS POV
Nag lalakad ako ngayon ako sa coridor ng school papunta sa classroom at ang gaan-gaan ng pakiramdam ko, para bang bumalik sa dati ang pamumuhay ko bilang isang gwapong lalake--charot lang! promise ang ganda ng araw ko ngayon at ang gaan din dahil siguro tinigilan na ako ni Ayako sundan at kulitin na hanapin ang nawawala nyang katawan grabe sya ang creepy nya!
"Lalalala~" pag h-hum ko habang nag lalakad ako...masaya nga kasi ako walang basagan ng TRIP!
Teka lang...
"uh...?" tumingin ako sa likuran ko, wala naman tao? naninibago lang siguro ako dahil na sanay ako na lagi naka buntot saakin yung si Ayako slash multo.
na wala naman ako nakita ay nag patuloy ulit ako sa pag lalakad.
"You are my sunshine...you are my AY ANAK NG ARAW!" na patigil ako sa pag lalakad dahil NADULAS AKO! ANAK NG ARAW! ANG SAKET NG PWETAN KO! "aray ko~!" sabi ko at tumingin ako sa bagay ng dahilan ng pag ka dulas ko. "Pa paanong nag karoon ng balat ng saging dito?" nag tatakang tanong ko sa sarili ko para naman kasi wala ito kanina.
dahan-dahan ako tumayo at nag lakad ulit kahit na masakit ang pwet ko ay tuloy pa din ang pag lakad ko hindi pwede ako ma late dahil mag rereport ako ngayon araw kay Sir. H short for Sir. High blood, yung isang araw na na high blood ko. pag kadating ko sa classroom ay agad naman ako bumati sa mga kapwa classmates ko syempre ang tunay na lalake slash gwapo marunong bumati sa mga kalahi nya, wala pa naman yung prof namin kaya nag kwentuhan na muna kami nila Curt at Hans pinag tawanan nga nila ako dahil sa nangyari kanina ang laking Tanga ko naman daw di ko daw na kita na may balat ng saging sa dinaraanan ko. maka sabi sila ng Tanga akala mo hindi din sila Tanga! tapos etong si albie ang tahimik nya lang at nag babasa ng Notes namin.
Tumigil lang sa kaka ingay ang klase ng dumating na ang paborito kong Professor na si Sir. H andito na sya.
"Good morning class..." bati nya saaming lahat.
"Good morning din Sir." tugon naming lahat sakanya.
"Ok let's start the class--ay wait lang parang may natandaan ako na may mag rereport ngayon araw."
aba! muntikan na malimutan ni Sir. na mag rereport ako.
nag taas ako ng kamay. "Ako po Sir. ang mag rereport."
"sigurado ka ba?" aba walang tiwala saakin?! sana di nya nalang sinabi na mag report ako.
"Oo naman po Sir. Trust me I can do it."
"Oh sya pumunta kana dito sa haparan at mag simula kana." utos nya saakin kaya naman sumunod na ako.
dinikit ko sa pisara yung white cartolina na may sulat ko ng Topic ko, pinag puyatan ko ito kaya dapat galingan ko ito. ng matapos ko na ang pag aayos ay humarap na ako saka nilang lahat upang mag simula.
BINABASA MO ANG
(Series 2) When he fell in love with a ghost...too?
Mystery / Thriller[NOTE: READ FIRST( SERIES1) THAT GHOST BEFORE THIS]- -> Ako si Gustine Montel o mas kilala sa pangalan na Gus, ang isa sa mga kaibigan ni albie. Ang tipo kong babae ay...sexy,maputi at matalino. pero kabaligtaran lahat yan ng ibinigay saakin nag tat...