Chapter 5 -Ang Plano-

91 5 0
                                    

PLAGIARISM IS A CRIME!

Chapter 5 -Ang Plano-

PERSON POV        

"totoo ang sinasabi ko, na dinig ko mismo na may kinakausap sya! pero wala naman ako nakita na may kinakausap sya." sabi ko sa kausap ko, ng  matapos ang klase namin ay agad ko sya hinila palabas ng classroom at dali-daling dinala sa school garden.

"pwede ba tigilan mo nga ako sa mga ganyang bagay...alam mo siguro yan ang epekto ng nag iinum kaya akala mo may kausap yung tao!"

"bakit ba ayaw mo maniwala?! ang sabi pa nga nya sa kausap nya na tutulungan nya ito."

"sabi mo nga, hindi mo na kita kung sino ang kausap ni Gus sa loob ng clinic? eh baka naman sa cellphone nya kinakausap." naiinis na talaga ako sakanya! ayaw nya maniwala saakin.

kung hindi lang kasi nangyari yun, kung hindi nya tinotoo yung sinabi ko hindi sana ako madadamay at higit sa lahat wala dapat ako pinoproblema ngayon!

"kung ganun nga sino ang kausap nya?"

"aba! bakit mo saakin tinatanong kung sino ang kausap nun?!" galit nyang sabi at tumalikod sya. "ako bahala sakanya at ikaw naman ayusin mo na ang dapat ayusin..." aalis na sana sya ng pigilan ko ito sa kamay.

"lagi mo nalang ako inuutusan tungkol doon, try mo kaya na ikaw naman ang mag asikaso noon!" pagalit na sabi ko sakanya at etong magaling na babaeng ito tinaasan lang ako ng kilay atsaka binawi ang kamay nyang hawak ko.

"ako pa ang uutusan mo? mas matanda ako sayo kaya dapat sumunod ka saakin..." sabi nya atsaka sya ulit tumalikod. "at isa pa wag kang masyadong mag-iinum baka matuluyan kang maging baliw!"

nakakainis sya!

Ang sama nya! dinamay nya lang ako dito!

tatlong taon na ang naka lipas ng mangyari ang aksidente na yun...hindi na nga namin alam kung ano na ang nangyari sakanya O kung na tulyan na ba sya? g-graduate palang kami ng high school  na yun ng gawin nya ang sinabi ko laban doon sa kinaiinisan naming dalawa. 

kainis! 

Umalis na ako sa school garden at nag lakad papunta sa likuran ng school na ngayon ay pinag babawal ng puntahan ng mga estudyante, may isang lumang bodega ang nakatayo doon. may isang malaking bagay ang naka tago doon na hindi pwede makita ng kung sino man, tatlong taon na din, siguro naman na matay na sya. pero kailangan pa din matangal sa bodegang iyon ang bagay na yun at ang pinag tataka ko kung bakit ayaw matangal ng marka kahit anong lagay ko ng tubig ayaw pa din matangal, nakakainis na talaga!

BODEGA

Pag ka pasok ko sa loob ay dali ko naman tinangal ang cover at tinitigan ito ng maigi.

"sana matangal kana!" sigaw ko.

kaming tatlo lang ang nakakaalam sa bagay na ito, na  ang isang malaking ibedensya ay naka lamang dito sa university na ito, na nandito ang dahilan kung bakit nangyari iyon sakanya. 

dapat walang makaalam!

pero kailangan ko pa din bantayan ang galaw ni Gus dahil may hindi akong magandang kutob sakanya, kung kailangan syang patahimikin...papatahimikin ko sya gamit ang kamay ko!

* *

Pag katapos ko pumunta sa bodega ay dumeretso naman ako sa taong isa pa sa mga nakakaalam ng ginawa namin. 

kumatok na ako sa pintuan at na dinig ang isang boses na pinapasok na ako, pag ka pasok ko sa loob ay nakita ko syang abalang nag babasa ng mga papeles nya. umupo ako sa visitor chair na sa harapan ng table nya.

(Series 2) When he fell in love with a ghost...too?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon