Chapter 7-Kanino nga ba tumitibok?-

65 4 0
                                    

PLAGIARISM IS A CRIME!

Chapter 7-Kanino nga ba tumitibok?-

Dalawang Linggo din kami naging busy. dahil sa panay bigay ng mga projects na dapat  gawin namin ngayon Midterm at kakatapos lang din namin mag Prelim Exam. buti nga't naka survive ako at naka pasa pa. dahil sa naka pasa ako ay may inspirasyon din ako. dalawang linggo ko na din nililigawan si Demi.Yup tama ang inyong na basa, nililigawan ko na sya syempre babae sya at gusto nyang maramdaman na may nanliligaw sakanya. kaya ako eto ganadong nanliligaw para sakanya, masaya nga ako dahil pumayag syang ligawan ko sya. nag kakasabay din kami tuwing Lunch break kapag di kami sabay-sabay nila Curt,Hans at albie kumain ay si Demi naman ang kasama ko, na gulat pa nga sila ng sabihin ko na nililigawan ko na si Demi, syempre ano pa ba masaya sila para saakin dahil eto na daw ang chance ko na mag ka girlfriend ako.

Yung tungkol naman kay Ayako. di pa kami nag sisimula mag imbestiga sa kaso nya, hindi ko na din sya masyadong na bibigyan ng pansin dahil sa busy ako sa school works at kay demi. na iintindihan nya naman ako. ako naman daw ang masusunod dahil pinanghahawakan nya yung promise ko na tutulungan ko sya kaya naman mag hihintay nalang daw sya kung kailan namin sisimulan ang pag hahanap sa katawan nyang na wawala.

"una na ako sainyo mga pre! mag kikita kasi kami ni demi." sabi ko saka nila ng maayos ko na ang mga gamit ko.

"aba! ganyanan na dahil may nanliligaw kana papabayaan mo na kami." madramang sabi ni Curt

"tse! manahimik ka nga dyan! pag kakataon ko na ito para mag ka girlfriend kaya ang magagawa mo lang ay suportahan ako at manahimik ka dyan wag kang Epal!"

"haha..." biglang tawa ni Hans at Albie. "wag kang mag alala dyan Gus, di nya lang matanggap or ma sink in sa isipan nya kung ano ang pina inom mo kay Demi at sumagot sya ng Oo sayo na pwede mo syang ligawan." natatawang sambit ni Hans. uber na sya maka tawa.

"Gus..." tawag ni albie kaya naman tumingin ako sakanya. naka ngiti naman sya saakin. "bakit atat kang mag ka girlfriend? di ka naman mauubusan ng mga babae dyan?" pag tatanong nya saakin. lumapit ako sakanya at ipinatong ko ang kamay ko sa balikat nya.

"dahil gusto ko at alam ko na si Demi na ang babaeng para saakin, Albie." pag ka sabi ko nun ay ngumiti ako sakanya.

Matapos ang pag uusap ay dumating na sina Vena at Mara para mag kakasabay na silang umuwi at nag pa iwan na ako dahil nga pupuntahan ko pa si Demi sa classroom nya. Tntext ko sya na pupuntahan ko nalang sya ang kaso di sya nag reply baka naman nag c-class pa sila. kung ganun sa may labas ng classroom nalang nila ako mag hihintay.

Habang nag lalakad ako patungo sa third floor ng classroom nila Demi ay biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari nung isang Linggo. na binagit saakin ni Ayako na may minamahal pala sya at na ngangalang Myko. so nag ka boyfriend pala sya. na kwento nya saakin nung gabing iyon ay na kita nya si Myko sa may park at kasama ang kapatid nyang babae at pinag uusap sya. kahit daw si Myko ay hindi alam kung saan dinala ang katawan nito. malay nya ba kung saan sya inilibing.

na pa hawak ako sa dibdib ko."aish! naman! eto na naman yung nararamdaman ko parang ang bigat-bigat." na iinis na bulong ko sa sarili ko habang nag lalakad ako at naka hawak ako sa dibdib ko.

(Series 2) When he fell in love with a ghost...too?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon