PLAGIARISM IS A CRIME
When he fell in love with a ghost too?
Chapter 6-Sino yun?-
"Ma! aalis na po ako." sigaw ko, dahil nag mamadali na ako.
"aba kuya saan ka na naman gogora nyan? manlalaki ka ba?!" biglang sulpot ng kapatid ko saaking tabi. batukan ko kaya ito? nakakarami na sya saakin.
"di ako manlalaki kaya stupi! umalis ka nga sa tabi ko." pag tataboy ko sakanya. nakaharang kasi sya sa dinaraanan ko.
"hindi daw? weh? wala ka ngang girlfriend!"
"ikaw!" turo ko sakanya. "makikita mo pag dating ko dito dalawa na kami!" na pa tawa sya ng malakas.
"sabihin mo tatlo na kayo dahil---" di ko na sya pinatapos mag salita at nag sumbong na ako.
"Ma oh! si Pinky! na ngangasar na naman!"
"aba! Gus! umalis kana! ma l-late kana sa date mo! hayaan mo na yang kapatid mo nag s-selos lang yan, di matanggap na may pumatol sayong babae akala nya bakla ka! kaya na isip nya na hindi babae ang type mo kundi lalake!." natatawang sabi saakin ni mama na kasalukuyan nag aayos sa dining area.
"Ma naman! isa ka pa."
"Hahaha...eto naman nag bibiro lang ako hala sige na umalis kana."
"sige ma.." sabi ko at tumalikod na ako at nag lakad papunta sa pintuan at hinawakan ang door knob pero di pa ako lumalabas nilingon ko muna si Pinky-pot.
"hayaan mo pinky, sure ako magugustuhan mo ang magiging girlfriend ng kuya mo." naka ngiti kong sabi sakanya at inirapan nya lang naman ako.
"di ko sya magugustuhan, umalis kana nga." na iirita nyang sabi saakin. sus etong kapatid ko may lihim din na kabaitan yan.
"sige byebye na!"
.
.
.
SABADO na ngayon at eto na ang pinaka hihintay na araw ko dahil nga mag kikita kami ni mylove Demi. diba nga tinext nya ako na gusto nya pumunta sa Amusement park na kasama ako? kaya naman agad ako nag text sakanya nun.
Habang nag lalakad ako papuntang meeting place namin sa tapat ng Amusement park ay hindi ko maiwasan na hindi tumingin sa may likuran ko. nararamdaman ko kasi na para bang may sumusunod saakin, siguro si Ayako ang lihim na sumusunod saakin? ang sabi ko naman sakanya na wag nya ako susundan sa date ko, akala ko ba nag kaintindihan na kaming dalawa? naku lagot talaga yung multo na yun saakin kapag di maganda ang magiging takbo ng date ko ngayon.
ng malapit na ako sa tapat ng Amusement park ay natanaw ko na agad ang magandang si Demi.
"Hi demi kanina ka pa ba?" bati ko sakanya ng makalapit na ako at tumingin sya saakin sabay ngumiti.
"di naman kakarating ko din lang naman."
"ahh ganun ba? so ano tara pasok na tayo?" pag aaya ko sakanya at tumungo naman sya bilang sagot.
BINABASA MO ANG
(Series 2) When he fell in love with a ghost...too?
Mystery / Thriller[NOTE: READ FIRST( SERIES1) THAT GHOST BEFORE THIS]- -> Ako si Gustine Montel o mas kilala sa pangalan na Gus, ang isa sa mga kaibigan ni albie. Ang tipo kong babae ay...sexy,maputi at matalino. pero kabaligtaran lahat yan ng ibinigay saakin nag tat...