Chapter 13: Dare

12 0 0
                                    

<Drei's POV>

Umaga.

Ay gabi na pala.

Ay umaga pa pala. Ay ewan.

Kung idedescribe ko ang sarili ko ngayon, well, BANGAG AKO! BANGAG NA BANGAG AKO! Potek kasi yung mga hinyupak kong tropa eh. Mga walang modo.

Manggising daw ba ng alas-sais ng umaga? Makatarungan ba yun? Ha? Ha? Sagutin nyo nga ako? De joke lang. Basta nabibwiset ako talaga.

Eto ako ngayon nasa tambayan namin. Matagal tagal na rin kasi simula ng tumambay ako dito, ewan ko nalang sa tropa ko kung palagi sila dito namamalagi. Wala eh, buhay estudyante kami. Kelangan makapasa para maka-graduate. Haha.

Kaylangan ko nga pala ng matinong kausap. Pano ba naman, kung makapagmadali sila, parang hinahabol ni satanas eh (How I wish. Hahaha joke lang) Wala kong kasama ngayon dito. Mga ugok talaga. Tch. -_-

Matawagan nga si Felix.

"Hoy gag* ka, asan na kayo?" Oo. Ganyan kami magmahalan, Brutal kung brutal -_-

"Chill bro. Malapit na ko. Bakit miss mo na ko? Shet! Kinikilig ako pare" Ay gago. Pakaloko talaga. Sarap patapon sa Mars.

"Tigil-tigilan mo ko sa mga kabaklaan mo Felix baka tapyasan ko yang baba mo" Yan ang pang-asar sa kanya. Baba. Hindi naman masyadong mahaba sadyang trip lamng namin siya. Haha

"Grabe ka talaga. Kaibigan nga kita, KAIBIGAN NA MASARAP PATAYIN. BWAHAHAHAHAHA" Tang*na talaga. Sarap pakulong sa Manila Zoo. Dun siya bagay -_-

"Ah, patayin pala ah? Lagot yang baba mo sa akin mamaya"

"HAHAHAHAH Ge lang pre" -___________-

"Tawagan mo na nga yung mga yun. Nabuburyo na ko dito, pakshet kayo"

"HAHAHAHHAHAHA Pasensya ka na pre, alam kasi namin na pag hindi ka tinawagan ng maaga, hindi ka babangon sa kama mo" Oo. Ganyan ako. Pag alam kong hindi importante, hindi talaga ako baabngon sa kma ko. Eh ganun ako eh, la kayo magagawa.

Maya- maya, narinig ko na may nag-park ng kotse,

Si Baba este si Felix. hahahahaha

Teka bat lima  sila?

"Zup bro. Long time no look" Si JJ. Langya, no look daw? HAHAHAHHAH. Siraulo talaga.

"Bro, ang laki laki mo na, ilang taon ka na?" -_- Si Vlad. Paker.  Isa pa yan eh, tandem sila ni Felix. Siya pinakamatakaw, di naman nataba. Tch -_-

May tumahimik talaga eh. Teka lang ha?

“Ulol ka, kala mo nakalimutan ko noh? Halika, tatapyasin natin yang baba mo” Ayun, nagngingingiwi sa sakit. Hinila ko kasi pailalim yung baba niya. Hahahaha

LOVE at First FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon