Hi!! Andito na naman ako mag u update pag kailan ko gusto kainis kasi tong sipon ko hindi mawala wala hayy naku!!
~~~~~~~~
(Aiesha POV)Nagising ako sa sinag ng araw dahil nakatulog ako kagabi kapanonod ng k-drama ..hehe yan kasi mga adik!! Hehe president duterte ipadampot na yan sa korea hahaha
Ohhh myyyy gaaaaaad!!!!!! Jusko lord !! Napasigaw ako pagtingin ko sa relo ko 7:50 na at 8:00 yung klase ko dali dali akong naligo at ginawa ko na ang morning rituals ko ..
Pagkababa ko ay wala si mama at si papa lang yung nakita ko sa sofa naka upo ...pa asan si mama nagmamadaling tanong ko kay papa
Ahmmmm...namamalengke pa anak nagtatakang sagot ni papa . ehh si kuya po? Tanong ko .ayun iniwan ka na ang tagal mo kasing gumising ehh kanina ka pa namin ginising ehh walang sumasagot kaya hinayaan ka nalang namin baka kasi ayaw mo pumasok..Ahh ganun po bahh sige magcocomute nalang po ako ..dali dali kong hinalikan si papa sa pisngi tsaka pumunta sa labas
Teka anak ku-- hindi ko na pinatuloy si papa dahil nagmamadali ako hindi ko kasi na set yung alarm clock ko ehh dahil busy sa k drama hayy naku bakit ba nakakaadik ang korean!!
Pagdating ko sa kanto agad na pumara ako ng trycicle malapit lapit rin naman ang DU dito ehh ..
Hindi ko namalayan na nandito na pala ako kaya nagbayad nako ..kuya ohh sabi ko sa driver sabay abot ng barya ..pagkababa ko ay naglakad pa ako ng biglang.....
Beeeeeeeeeeppppppp!!!!
Put*ng ina namn to ohh hoyy!!!ikaw !! Langya!! Papatayin mo ba ako?!!! Sigaw ko at sabay palo dun sa kotseng itim na malapit na akong patayin ..hindi ka ba tumitingin sa daan?!! Hahh?!! Bumaba ka nga jan?!! Utos ko sa may ari ng kotseng malapit ng makapatay sa akin
At agad naman itong bumaba ng hindi maipinta ang mukha..hoyy !! Ikaw lalaki ka ahh!! Papatayin mo ba ako?!! Hah?!! Sigaw ko sa kanya
Excuse me miss ahh e ikaw tong hindi tumitingin sa daan ohh at ikaw pa ngayun ang may ganang pagalitan ako ..wait Do you know who am i? Tanong ng masungit na lalaki
Pwess !!hindi kita kilala at hindi ako 'interesado' para kilalanin ka!!!! Sigaw ko kay mr. Sungit at talagang diniinan pa ang word na interesado
Well kilalanin mo kung sino sinisigaw sigawan mo at agad siyang pumasok sa kotse nya..sungit!!! Sigaw ko mataposs niyang paandarin ang kotse niya.
******
Umupo ako sa upoan ko na nakasimangot at bad trip .uieee..andiyan ka na pala aiesha bati ni marrielle sabay tabi sa inuupuan ko at si stephanie naman sa kabila ..hindi ako umimik at nanatiling nakasimangot ang mukha ko ..
Teka..mukhang badtrip ka ata ngayon aiesha ahh bakit ano ba nangyari ?? Tanong sakin ni stephanie
Kainis kasi yung masungit na lalaking yun ehh!! Nakakasira ng araw!! Nakakasira ng kagandahan!! Hayy naku!! Ehh bakit ba? Tanung nilang dalawa tapos agad ko namang kweninto s kanila ang nagyari ewan ko ba kung bakit ang gaan gaan ng loob ko sa kanilang dalawa
Ahh ganun bahh ..sana inupakan mo nalang yun komento ni stephanie at sabay naman kaming tumawa habang tumatawa kami may nga babaeng nag sisigawan este nag titilian pala bakit kaya? Teka anong nangyari? Tanung ko s Kanilang dalawa at tumayo naman si marrielle para tingNan kung sino ang tinitilian ng mga gagang babae na to.
Waaaaaaaahhhhh!!!! Napatayo kami ni stephanie nang biglang sumigaw si marrielle ..agad namang tumakbo si stephanie papunta sa kinarooonan ni marrielle at nagsisigaw teka ano ba tinitignan nila at kung maka tili wagas??
Pinilit kong pumatong sa upuan para makakita pero hindi talaga kaya ng powers ko ehh andaming tao kaya no choice umupo nalang ako sa upuan ko at nanood nalang ulit ng video habang sila tili ng tili isinaksak ko nalang ang headset ko para hindi ko marinig ang nakakairitang boses nila
Habang nanonood ako nilalaro ko ang ballpen ko at pagkatapos ay nahulog ito so pinulot ko pagkatayo ko may lalaking nakatayo sa harapan ko at dahil mataas ito inangat ko ang ulo ko
IKAW?!!!!--sabay naming tanong
Get out of my way!! Sabi niya sabay taas ang kilay .bigla namang kumonot ang noo ko sa sinabi niya ....teka lang po ahh 'Mr. Sungit' nahulog kasi ang ballpen ko ehh plastic akong ngumiti sa kanya at bumalik na sa upuan ko
Hayy naku!! Kainis talagang araw to ohh!! Bad trip!! Klassmate ko pa talaga ang sungit na yun ?!!! At isa pa siya yung tinitilian ng mga babae hayy nakuu!!
Pero infairness ahh gwapo siya tsaka masculado katawan niya siguro palaging nag g-gym yun...pero teka sinabi ko bang gwapo siya hayy nakuu baka nagkakamali lng ako ito kasi si miss A ehh dadagdagan pa hehe joke lng..
******
Pagkatapos kung mag ayos ng gamit pauwi...oo pauwi na kami ang dali no hehe fast forward lang para madali ..hehe
Langyang dalawa yun (stephanie & marrielle) iniwan ako nakakita lang ng gwa-- teka di nga siya gwapo !! Miss A naman ehh papahamak mo lang ako hehe joke lang..
Habang naglalakad ako papunta sa classroom ng kuya kong mahangin na iniwan ako kanina ay naririnig kong ang mga bulong bulongan ng mga babae dito ey di na pala bulong yun kasi narinig ko na ehh hehe
Kapal ng mukha niya na tawagin ng mr sungit si papa kurt ang sarap sabunutan..sabi ng isa pero binalewala ko nalang yun baka kasi di ako ang topic nila ehh hehe martyr lang ang peg?
Paglingon ko nakita ko agad ang kuya kong mahangin hooyy!! Pandak!! Halika na!! Sigaw ng kuya kong mahangin
Ang totoo di naman talaga ako pandak ehh sadyang mas mataas lang siya kaysa sakin..hehe maging player ba ako ng volletball kung pandak ako tsk tsk tsk kuya talaga di nag iisip
Kuya !! Anu bahh sabing di nga ako pandak ehh mataas ka lang!! Sigaw ko sa kanya .. At gwapo pa ;) singit niya..hayy ang hangin talaga dito pagpaparinig ko sa kanya
Halika na nga sabay abot ng helmet sa sakin,, teka...may kasalanan ka pa sa akin. sabi ko sa kanya at bigla namang kumonot ang kanyang noo ano?!! Tanong niya.. ehh iniwan moko kanina ehh
Hahahahahha....ikaw kasi pandak ehh tulog mantika ka din hahahha tumawa siya sabay hawak sa tiyan niya...hmm bahala ka jan!! Magdrive ka na nga!! Utos ko sa kanya at sinimulan na ang pag drive
Pagkadating namin sa bahay ay nakita namin si mama at papa na naglalambingan ..ang sweet noh sana pag ako magkaasawa kagaya ni mama at papa na hindi lang sa una sweet diba readers? Pero ngayun marami ng plastic diba?!!
Hi ma !! Hi pa!! Sabay maming bati ni kuya .ang sweet nyu naman po para kayong mga teen agers ma pa ..proud na pagkasabi ko. Kumain na kayo mga anak nagluto na kami ng hapunan ng papa mo sabi ni mama
Ahmmm...magbibihis po muna ako ma baba nalang ako pagkayari kong magpalit ng damit ..pahayag ko kay mama
O sige bilisan mo ahh para sabay sabay na tayo...ok po ma... At agad akong nag palit ng damit ko pagkababa ko agad akong pumunta sa lamesa para kumain
Ohh anak kamusta pala kanina hindi ka ba nalate? Nag alalang tanung ni mama ..hmmm di naman po kaso may nangbadtrip sa akin kanina ehh
Sino?! Sabay nilang tanong sa akin hindi ko po alam pangalan ehh pero mukhang sikat po siya sa campus
Sino bayan uupakan ko? Tanung ni kuya. sus kahit ganyan yang kuya ko sa oras na may mang away sayo ipaglalaban ka niya heheSus?!! Oa mo naman kuya kahit kailan mahal mo talaga ko no? Nang iinis na sabi ko sa kanya...hehh tumahimik ka nga jan pandak ehh gusro ko lang naman makipag suntukan ngayon ehh kasi nangangati na jamay ko ohh
Sus?!! Wag ka na ngang magpalusot kuya ehh alam ko namang lab na lab moko ehh hehe ....matulog ka na nga pandak baka may pag asa ka pang tumaas haahahha ..
Pumasok nako sa kwarto ko at agad humiga hayy nako nakaka stress mag kaharap mo yung 2 mr. Si mr.sungit at si mr mahangin..hehe
*********
Hanggang dito nalang po charo. Hehe joke lang MMK lang ang peg? Hehheehe salamat po sa pagbabasa mad u-ud po ako bukas siguro?? Hehe not sure... God bless!!
BINABASA MO ANG
accidentally falling in love with mr. sungit
RandomSi aiesha fate montecarla ay isang babaeng simple, volleyball player,mabait,matalino, maganda,at mapagmahal, at minsan medyo may pagka suplada,pero di niya inaasahang mahulog sa isang lalaking masungit,bully, basketball player,gwapo,campus king,at m...