Author's Note:
So hello once again ^_^. Nag-insert ako ng picture para maimagine niyo si stranger na naka Hawaiian shirt. Yun lang! Enjoy!
Don't forget to comment and vote :).
---------------
"Pwede bang huwag mo akong sundan?" iritado kong sabi sa lalaking nasa likuran ko.
Matapos ang ilang minuto kong paglalakad hinarap ko na siya dahil ayaw niyang tumigil sa pagbuntot sa akin. Daig pa niya ang isang anino na sunod nang sunod. I know that one of the typical reactions kapag nastranded ka sa isang isla and found out na hindi ka nag-iisa ay relief, but right now all I feel is annoyance.
"Don't you need help?" he asked.
He seems sincere and it irritates me.
"No thanks." I said flatly.
Ayokong tumatanggap ng kahit ano man na tulong mula sa isang tao, lalo na sa hindi ko pa kilala. Muli tinalikuran ko na siya and sinubukan ko na maglakad pero nang mapansin ko na nagsimula rin ulit siyang maglakad para sumunod, huminto ulit ako. Hindi ata talaga ako titigilan nito.
"I said I don't need your help," sabi ko nang may diin.
"Actually, ang sinabi mo lang ay no thanks," katuwiran niya.
Tinignan ko siya ng masama, iyong tingin na nagsasabing "konti na lang papatayin na talaga kita", dahil sa totoo lang hindi man ako namatay kagabi pakiramdam ko mamamatay ako ng maaga dahil sa inis ko sa kaniya.
Right after hearing his question kung bakit ako nandito sinimulan ko na agad maglakad palayo sa kaniya. Hindi ko kailangan mag-explain sa kaniya. I don't owe him any explanations, kahit na ba isla niya nga ito wala akong pakialam. Pero nang hindi ko pinansin ang tanong niya ay sinimulan na rin niya ang pagsunod sa akin.
Seriously, hindi niya ata nakuha na ayaw kong sagutin ang tanong niya at higit sa lahat ayaw kong makipag-usap sa kaniya.
I tried to ignore him. Pilit ko siyang iniwasan kanina na parang may nakakahawa siyang sakit o kung ano man na virus na pwede niyang maipasa sa akin. Ngunit dahil ata sa ginawa ko mas lalo niya lang akong hindi tinantanan. Hanggang ngayon ayaw niyang tumigil sa pagsunod at sa pangungulit.
Kanina naisip ko na rin na takbuhan siya, and actually I did run away from him, pero useless nagawa pa rin niya akong hanapin. Hindi ko na inulit pa dahil wala na akong sapat na enerhiya para muling takasan siya. I'm too damn tired and hungry.
"Bakit ba sunod ka nang sunod? Don't you have anything better to do?" I asked.
Naglakad na ulit ako papunta kung saan. Right now all I really want is to get away from him. Konting-konti na lang itatali ko na siya at ibabalibag sa dagat. Buti na lang ay nakapagpipigil pa ako dahil wala na rin naman na akong lakas para gawin iyon.
Kung hindi nga lang dahil sa pakiramdam ko na mamamatay na ako sa gutom baka humiga na lang ako sa sahig ng gubat at di na gumalaw.
BINABASA MO ANG
The Lost Assassin Princess
Teen FictionAlliure Clarice Alitalia can either be the girl of your dreams or your worst nightmare, depending on which side of luck are you in. She may be sweet to her friends, but she has no mercy on her enemies. Killing was never her favorite, but it is her e...