I was glad that tuluyan na akong iniwan ng lalaking iyon, but I know my happiness won't last, dahil nasa iisang isla lang naman kami, so may chance pa rin na magkita kami ulit kahit hindi man inaasahan. Pero matapos ang nangyari kanina ayoko na talagang makita pa siya.
Inaamin ko na hanggang ngayon ginugulo ako ng mga tanong sa isip ko, but it's not like finding answers to those questions would help me get out of this island. Isa pa hindi ko rin naman alam kung saan siya nagpunta. Sana lang talaga matagalan siya sa pagtapos sa kung ano man ang tinutukoy niyang kailangan niyang gawin.
Sa totoo lang hindi ko na rin dapat siya iniisip pa. Dapat ay lubusin ko na lang ang mga oras na wala siya, dahil itong mga oras lang na ito ako magkakaroon ng kapayapaan.
Tahimik akong nagpatuloy sa paglalakad sa madilim na gubat. Kanina pa nakalubog ang araw kaya naman tanging ang ilaw mula sa buwan na lang ang inaasahan ko para makakita ako sa gitna ng dilim. Rinig na rinig ko na ang mga malalakas na paghampas ng alon, pero hindi ko pa nakikita ang dalampasigan.
Hindi naman sobrang kalakihan ang islang ito. Gayunpaman sa tingin ko may kahabaan ito at maaari akong mawala saglit sa mga gubat na nandirito, but I'm definitely sure I can find my way out eventually if ever man na maligaw ako.
Matapos ang ilang minuto, nagawa ko naman na makalabas sa gubat at muli ko nang nasilayan ang dalampasigan. However, it's different from the seashore kung saan ako nagising nang mapadpad ako sa islang ito. Puno ito ng mga nagtataasang coconut trees at sa bandang kaliwa ko, mapapansin ang isang malaking rock formation na nababalutan ng mga puno.
Binalik ko muli ang atensyon ko sa mga puno ng buko sa aking harapan. I can't seem to stop myself from celebrating, because finally makakakain na ako. Sa wakas ay nakahanap din ako ng makakain sa islang 'to.
All I need to do is climb the tree, which is not a problem.
Bata pa lamang ako marunong na akong umakyat ng mga puno at kasama na ro'n ang pag-akyat sa puno ng buko. Back home Sage and I used to play and climb in the coconut trees in our backyard. Madalas kaming pagalitan ng mga tauhan na nakakakita, pero hindi namin sila pinapansin. Hindi naman namin kinakain ang mga bunga, nag-uunahan lang kami lagi kaya namin iyon ginagawa at nagpaparamihan ng buko na kayang kuhanin.
Sa totoo lang marami na akong alam gawin sa murang edad pa lang. I was 7 years old when I held a gun for the first time and I was 8 noong matuto akong magdrive.
I removed my shoes and socks nang makalapit ako sa isang puno ng buko na medyo may kababaan kumpara sa ibang mga puno. I hugged the trunk and use my feet to push myself up. I started to climb and grab higher using my hands. Nang pakiramdam ko ay nasa kalahati na ng puno ang naaakyat ko I stopped climbing for a while, and after kong magpahinga saglit muli na naman akong umakyat hanggang sa maabot ko ang dulo kung nasaan ang mga bunga.
It really brings back old memories.
"You're so weak, Sage!" sigaw ko kay Sage nang makita na dalawa pa lang ang nakukuha niyang buko, samantalang ako ay tatlo na.
"Madaya ka kasi pinatid mo ako kanina! Nadapa pa ako!" reklamo niya sa sakin, na konti na lang maiiyak na siya, habang inaabot niya ang buko.
BINABASA MO ANG
The Lost Assassin Princess
Novela JuvenilAlliure Clarice Alitalia can either be the girl of your dreams or your worst nightmare, depending on which side of luck are you in. She may be sweet to her friends, but she has no mercy on her enemies. Killing was never her favorite, but it is her e...