THIRD PERSON'S POV
Tahimik na pumasok ang dalawang lalaki sa loob ng isang marangya at malaking mansyon. Wala silang kibo na naglakad papunta sa kinaroroonan ng kanilang pinuno.
Nang makarating sila sa harapan ng isang tila may edad na lalaki na nakaupo sa isang swivel chair, magalang na yumuko ang dalawa at muling inangat ang ulo matapos ang ilang segundo.
Tahimik lamang silang pinagmamasdan ng isa pang lalaki na nakaupo sa isang sopa sa gilid. Samantalang ang babae na malapit sa pinuno ay hindi sila pinansin at nanatiling abala sa pagsusuri sa mga espada nito.
"We didn't find her," sambit ng isa sa mga lalaking pumasok.
"Lahat ng isla na malapit sa pinangyarihan ng insidente ay nasuyod na namin, pero ni isang bakas niya ay wala kaming nakita," katuwiran naman ng katabi nito.
Pinagmasdan ng lalaki na katatapos lang magsalita ang babae sa kaniyang unahan. Nanatili itong nakatalikod sa kanila, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng takot dahil sa presensya ng babae.
Alam ng lalaki na lubos na hindi magugustuhan ng babae ang kaniyang sunod na sasabihin.
"Sa tingin namin ay patay na talaga--" hindi na natapos ng lalaki ang kaniyang sasabihin dahil sa matinding gulat.
Naging mabilis ang mga pangyayari ni hindi napansin ng lalaki na gumalaw ang babae sa kaniyang unahan at hinugot ang katana nito mula sa lalagyan. Halos mapako ang lalaki sa kaniyang kinatatayuan dahil sa katana na ngayon ay nakatapat sa kaniyang leeg.
"Are you saying na nagsisinungaling ako nang sinabi ko na buhay pa siya?" seryosong wika ng babae na may hawak ng katana.
Halos hindi malaman ng lalaki ang kaniyang sasabihin. Maliban sa parang umurong ang kaniyang dila ay hindi na rin siya lubos na makapag-isip ng matino.
Sinikap niyang itago sa babaeng nasa harapan niya ang labis na takot. Pero hindi niya lubusang mapigilan ang matinding panginginig ng kaniyang kamay at ang panlalamig na kaniyang nararamdaman.
Alam niyang isang maling galaw niya lang at magkikita na sila ni kamatayan. Kilala nilang lahat ang babae. Kalat na kalat sa lahat ng tauhan na ang bagong salta na babae ay walang awa.
"Katana," kalmadong sambit ng kanilang pinakapinuno, dahilan para ilayo ng babae na tinawag ng kanilang pinuno na Katana sa leeg ng lalaki ang matalim na bagay na hawak nito.
Nakahinga naman ng maluwag ang lalaki, pero hindi na siya nagsalita pang muli dahil baka sa pangalawang pagkakataon ay magkita na talaga sila ni kamatayan.
"I'm giving you another week to find the girl. Bring her to me dead or alive," seryosong utos ng kanilang pinuno.
"I-If we fail?" halos nauutal na tanong ng lalaki.
BINABASA MO ANG
The Lost Assassin Princess
Teen FictionAlliure Clarice Alitalia can either be the girl of your dreams or your worst nightmare, depending on which side of luck are you in. She may be sweet to her friends, but she has no mercy on her enemies. Killing was never her favorite, but it is her e...