"Alliure!"
Sage...
Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses, ngunit wala akong ibang makita kung hindi ang mga nagtataasang puno.
Sinubukan kong maglakad pero napatigil ako nang mapansin ko ang kulay dilaw at berde na ahas sa aking harap.
"Alliure!" muli kong rinig na tawag ni Sage.
Gustong gusto kong mahanap ang pinanggagalingan ng sigaw na naririnig ko, pero dahil sa ahas na nasa harapan ko hindi ko magawang makaalis sa kinatatayuan ko.
Dahil hindi ko naman magawang gumalaw napatingin na lamang ako sa ahas. Matagal kaming nagtitigan nito, tila naghihintayan kung sino ang unang kikilos at aatake. Mabagal ang paggalaw ng ahas habang nakatingin sa akin.
"Alliure." rinig ko pa rin ang sigaw pero sa pagkakataong ito medyo malayo na ang pinagmulan ng boses.
Kung hindi pa ako gagalaw ngayon, baka di ko na siya maabutan.
Baka hindi na kami magkita ni Sage.
Sa huli ay hindi na ako nakapaghintay pa, but right when I was about to move, the snake suddenly lunges at me.
Bigla ko na lamang naimulat ang aking mga mata.
Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang totoong naging dahilan ng paggising ko, kung ang pag-atake ba ng ahas sa aking panaginip o ang malakas na tunog mula sa himpapawid na tila walang tigil at hanggang ngayon ay naririnig ko.
Wait.
Hindi ako pwedeng magkamali. Alam ko ang tunog na iyon.
As if to comfirm what I'm thinking, isang helicopter ang dumaan. Sa kulay at disenyo pa lamang ng helicopter alam ko nang hindi namin ito pag-aari. Ang helicopter namin ay kulay itim, hindi kagaya ng nakita ko kanina na kulay white at gray.
It was a good thing that I decided to sleep here in the forest. I can't imagine what would happen kung sa dalampasigan ako nakatulog at nakita ako ng mga nakasakay sa helicopter. It would have been a disaster to me. Well, actually it would be the end of me.
It's safe to assume that since hindi sa amin ang helicopter ay sa kalaban ito.
Sa ganitong sitwasyon the best thing to do is to wait. Kaya naman nanatili lang ako sa aking posisyon, sa pagitan ng dalawang malaking bato at sa likod ng isang puno. Wala namang kasiguraduhan na mahahanap nila ako, dahil una sa lahat hindi naman ako magpapahanap. Isa pa kung mahanap man nila ako good luck na lang sa kanila, because I won't surrender without a fight.
Nanatili akong naghihintay pero makalipas ang ilang minuto wala pa rin akong nakikitang mga tao na naglalakad sa loob ng gubat. Ni wala rin akong napapansin na kakaiba.
BINABASA MO ANG
The Lost Assassin Princess
Ficção AdolescenteAlliure Clarice Alitalia can either be the girl of your dreams or your worst nightmare, depending on which side of luck are you in. She may be sweet to her friends, but she has no mercy on her enemies. Killing was never her favorite, but it is her e...