ೋ❀❀ೋ═══ • ═══ೋ❀❀ೋ
Krystal's POV
Dapat niyo talagang basahin 'tong point of view ko dahil maliban sa maganda ako, sexy din ako. I'm Krystal Dee, matalik at close friend, Best friend ni Diana.
Nasa mansion ni Drake kami ngayon ni Diana. Naging kaibigan ko na rin si Drake simula nang maging sila ni Diana at alam ko ang lahat ng tungkol sa kanya like siya'y Mafia Boss at marami pa. Masaya nga ako na naging sila, bagay sila at sweet sila. 'Di sila masyadong nag-aaway. Perfect ang relasyon, pang-matagalan.
First of all, do you guys know who is Diana? Well, Her name is Diana Lind. ⬇️⬇️
Isa siyang-natigilan ako nang makita siyang patalon-talon na palapit sa akin habang malawak na nakangiti at may hawak na isang gallon ng ice cream.
"Gusto mo, turuan kitang bumaril? At mga nalalaman kong self-defense?" tanong nito sa akin nang makaupo sa sofa'ng inuupuan ko. Hayy. Wala akong interes sa mga ganon, yeah! Wala talaga akong alam tungkol sa mga ganon at 'di ko na rin inalam kasi hindi ako interesado.
Walang emosyon ko itong sinulyapan. "Ayoko at ayoko." umiling-iling ako sa kanya.
"Edi 'wag! Tss." inirapan pa niya ako at umayos nang upo bago nilantakan ang dala niyang ice cream. Medyo lokaloka rin siya minsan at joker.
Bumuntong-hininga na lamang ako at ibinaling ang tingin sa harap ko ngayon na malaking screen ng TV.
Noong Elementary kami nagkakilala kaya matagal-tagal na rin kaming magkaibigan at marami na rin akong alam tungkol sa kanya. Like medyo siya masungit, matapang at palaban siya, lagi ako pinagtatanggol, mapagmahal, seneseryoso ang dapat seryosohin. Mabait din siya sa mga taong malapit sa kanya pero 'di ko naman sinasabing suplada siya sa mga hindi close sa kanya. Hangang-hanga rin ako sa kanya dahil marunong at magaling siya gumamit ng baril. Marami rin siyang alam na mga Self-defense at 'di niya iyon matututunan kung 'di dahil kay drake na boyfriend niya. Naisipan kasi ng isipan niya na magpaturo siya kay Drake kaya ayon, magaling na magaling na siya.
Ang cool nga nilang dalawa sa tuwing may labanan.
Diana's POV
Halos namanhid ang dila ko sa lamig ng ice cream na kinakain ko. Kailan kaya magkakaroon ng ice cream na mainit?
Katabi ko ngayon si Krystal na kakatanong ko lang kung gustong turuan ko siya bumaril at self-defense pero ayaw daw ng gaga. Walang alam kaya ako lagi ang nagtatanggol sa kanya sa tuwing may kaaway siya. Tuwang-tuwa naman ang bruha.
"Good morning!!" halos tinakpan ko ang tainga ko ng magkabila kong kamay dahil sa lakas ng ingay ng tatlong nilalang na pumasok. Parang mga takas sa mental hospital, mga tuko, mga unggoy, three idiot, mga malalandi sa bar at mga kuto sa buhok mo.
Si Jex Man, Niel Young at Xander Card, mga kaibigan ni Drake. Well, mga tauhan sila ni Drake pero malapit sila kay Drake na boss nila kaya parang kaibigan lang din ang turing ni Drake sa kanila. Naging kaibigan na rin namin ni Krystal.
"Mga gonggong! Ang iingay niyo." dali-dali namang lumapit si Krystal sa kanila at pinaghahampas sila.
Natawa tuloy ako dahil sa itsura nila. Para kasing nanay si Krystal then anak niya yung tatlo.
"A-aray..oy..tama na. 'Di kami mga b-bata aray!" pagpipigil ng mga boys.
"Humanda ka 'pag 'di ka tumigil." pagbabanta naman ni Jex pero inirapan lang siya ni Krystal. "Blablabla. Mukha mo!"
Napangiti ako nang malaman ang gagawin nila kay Krystal. Kikilitian lang naman nila siya. At tuluyan na nga ako natawa nang simulan nilang kilitiin si Krystal. Halos maiyak naman siya sa kakatawa at aksidenteng nahahampas, nasisiko, nasisipa at nasusuntok ang boys dahil sa likot niya. Para silang mga bata. Pinaulanan din ni Krystal sila ng maraming mura. wew.
Umiling iling na lang ako dahil sa pinaggagawa nila. Nasaan ba yung may-ari ng mansion na ito. Tumayo ako at tinungo ang kusina para ilagay sa freezer ang ice cream na 'di ko naubos. Matapos ay tinahak ang daan papuntang kwarto ng mahal ko.
Hindi na ako kumatok at binuksan ko na ito. Nagulat ako dahil may hawak siyang gitara. First time kong makakita ng music instrument dito sa mansion niya ah. At ang mas nakakagulat pa don ay hawak niya ito.
Tuluyan na akong pumasok at sinara ang pinto. "Babe," wika ko palapit sa kanya.
"Dumating na ba sila Niel?" tanong niya. "Oo, ang ingay nga nila sa ibaba eh." sagot ko naman.
Tiningnan ko siya at ang gitara na hawak niya. Natatawa ako eh. 'Di ako sanay na makita siyang hindi baril ang hawak niya kundi gitara. Pabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa gitarang hawak niya. Haha.
"Ano?" tanong niya. Tinuro ko naman ang hawak niyang gitara. "Guitar? Seriously? Marunong ka? Aysus." nakangiting usal ko.
Ngumiti naman ito. Gustong-gusto ko talaga ang ngiti niya. Nakakaakit. Naglakad ito papuntang kama niya at umupo siya. "Halika rito, baby." senenyasan pa niya ako na lumapit sa kanya. Sinunod ko naman siya at ngayon ay magkaharap kami habang nakaupo.
"Ano ba sa tingin mo? Hindi ako marunong kumanta at tumugtug?" nakangiting tanong niya. Mas lalo siyang gumu-gwapo kapag ngumingiti.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko dahil nakaharang ito sa mukha ko. "Hindi naman sa ganon pero-" natigilan ako saglit at sinulyapan siya. "Marunong ka ba talaga?" pagpapatuloy ko.
Marahan itong natawa at ginulo ang buhok ko. "Kakantahan kita, para sa 'yo itong kanta." kinilig naman ako sa sinabi niya. Seryoso siya? Kakantahan niya ako.
"Don't the water grow the trees
Don't the moon pull the tide
Don't the stars light the sky
Like you need to light my life
If you need me anytime
You know I'm always right by your side
See I've never felt this love
You're the only thing that's on my mind" A-ang ganda ng boses niya. Ang galing niya. Hindi ko akalain na marunong pala siya kumanta at magpatugtug ng gitara. Oh my god, drake. Hindi ko naman kasi alam at ito ang unang beses na kantahan niya ako."You don't understand how much you really mean to me
I need you in my life
You're my necessity
But believe me you're everything
That just makes my world complete
And my love is clear the only thing that I'll ever see" para tuloy siyang anghel. Hindi ko maiwang mapangiti habang pinagmamasdan siya. May alam din pala tungkol sa musika ang boyfriend ko. Kumakanta ba talaga siya?"You're all I ever need
Baby, you're amazing
You're my angel come and save me
You're all I ever need
Baby, you're amazing
You're my angel come and save me" I'm his angel daw and of course I'll save you. Gusto ko tuloy marinig siyang araw araw na kumakanta. Nakaka-adik ang boses niya. Ang ganda.Pinagmasdan ko ang kabuoan ng mukha niya habang patuloy pa rin na kumakanta. Mahal na mahal po kita. Masaya akong nakilala ka.
Mafia boss is a singer pala.
✧══════•❁❀❁•══════✧
BINABASA MO ANG
Behind Of Diana
Short Story"Babe, this is what we called Sweet Revenge. I love you, but I hate you. Fuck you." - Diana Lind Written by: OhBeauteous Book Cover by : OhBeauteous [COMPLETED] 🎶💙