•°• ✾ •°•
Diana's POV
Ilang araw na ang nakalipas. Ilang araw ko na rin napapansin na laging tahimik si Krystal. Hindi na nga rin siya laging kumakain, ibang iba siya sa dati na matakaw at kain nang kain.
Ang mas matindi pa nito ay lagi siyang nagsusuka. Pero wala naman siyang sakit. Ano kaya ang nangyayari sa kanya?Tahimik ito at laging wala sa mood. Mukhang daig pa ako eh. Nandito siya sa bahay ko at nanonood kami ng movie rito sa loob ng kwarto ko. Tahimik lang siyang nanonood samantalang ako ay lumalamon habang nanonood.
Ganito talaga ako. Sa tuwing malungkot ako ay dinadaan ko na lang sa pagkain. Kakain ako ng marami at hindi titigil hangga't hindi mabusog. Pakiramdam ko kasi ay nawawala ang problema ko o lungkot sa tuwing kakain ako lalo na kung yung kinakain ko ay yung mga paborito kong pagkain. Tulad na lang ng mga fast food, ice cream, foods that has flour like: Pizza, cake, burgers at iba pa. Ito nga ako ngayon na kumakain ng burger.
Sinulyapan ko si Krystal. Ako nagtataka eh ha, nanonood ba siya o nakatulala lang sa TV? Hindi kasi kumukurap eh.
"Hoy." tawag ko sa kanya pero parang wala lang ito narinig.
"Krystal Dee!" mabilis itong napatingin sa akin dahil sa halos pasigaw kong pagtawag sa kanya.
"B-bakit?" tanong nito.
"Bakit mo ba kasi hindi pa ginagalaw 'yang pagkain mo? Diba favorite mo yung burger?" sambit ko.
Umiling siya. "No, busog pa ako." nakangiti nitong sagot pero halata ko naman na sapilitan lang iyon. Matagal ko na siyang kilala kaya alam ko kung ano ang peke at totoo sa kinikilos niya.
Hindi ko na siya kinausap pa at itinuon na lang ang pansin sa pinapanood namin na pelikula. Mahilig kami sa horror kaya horror movie ang aming pinapanood ngayon. "IT" ang title. Nakakatakot nga yung clown, halos dumikit na ako kay Krystal dahil sa takot tapos siya ay parang nanonood lang ng love story. Hindi man lang nagre-react o nagbibigay ng feedbacks tungkol sa movie. Sabi na nga ba eh, tulala lang siya dahil kung seryoso siyang nanonood ay matatakot siya at maghi-hysterical. Ganon siya eh. OA.
"Parang lagi ka na lang balisa." usal ko. Tumingin siya sa akin. "Hindi naman—urgh!" mabilis siyang umalis sa kama at kumaripas nang takbo patungo sa cr ng kwarto ko. Narinig ko siyang nagsusuka na naman doon.
Lagi siyang ganon. Buntis ba siya? Urhg! Wait! Imposible iyon, bakit naman mabubuntis si Krystal at sino naman ang bubuntis sa kanya. Playgirl si Krystal pero 'di pa niya naipatikim ang kanyang katawan sa mga lalakeng kanyang pinaglalaruan. Lagi naman siyang nagiingat. Pero 'yon lang ang alam kong dahilan kung ba't siya nagkakaganon. But no, no no no...she's not pregnant.
Maya maya ay bumukas ang pinto at iniluwal siya. Muli siyang umupo sa kama sa tabi ko at inabutan ko siya ng tubig na nasa bottle. Ininum naman niya ito.
"Ano ba ang nangyayari sa 'yo?" tanong ko pero 'di niya sinagot ang tanong ko. "Sabihin mo kung ano ang problema mo. May masama ka bang nararamdaman? Kaibigan mo 'ko at tungkulin ko ang tulungan ka." wika ko.
"Sabihin mo ang totoo, are you—" natigilan ako dahil bigla siyang nagsalita. "Yes, I'm p-pregnant." hindi ko maiwasan ang magulat. Buntis siya. Sa tuno pa lang ng kanyang pananalita ay masasabi kong 'di siya masaya sa kanyang dinadala.
Napahilamos ako sa aking mukha at muling ibinaling ang tingin sa kanya. "Sino ang ama?" tanong ko.
"H-hindi ko alam." puta! Anong hindi niya alam?
"Krystal buntis ka tapos hindi mo alam kung sino ang bumuntis sa 'yo?!" halos masigawan ko na siya. Katangahan naman oh.
Hindi ito kumibo o umimik. "Ano ba kasi ang nangyari?" maayos kong pagtatanong sa kanya.
"Pumunta ako sa bar nitong mga nakaraan na araw. Hindi ko matandaan ang exact day. Mag-isa akong pumunta don noong araw na 'yon at uminom. Nagpakasaya lang naman ako. Hanggang sa tuluyan na akong nalasing at may naka-one-night stand na pala ako. Hindi ko alam kung sino 'yon dahil lasing ako non at wala akong matandaan sa itsura ng lalake. Hindi ko na talaga yata mahahanap ang lalakeng iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tatanggapin ko naman ang batang ito at palalakihin mabuti. Alam na nila mommy at daddy ang tungkol dito." umiiyak na pala siya.
Naaawa ako sa kanya. Niyakap ko siya at pinapatahan habang tinatapik ang kanyang likod.
"Kailangan mong tanggapin ang bata. Hindi iyan isang kamalasan o ano man, isa iyang regalo galing sa diyos. Makuntento ka, hindi lahat ay nagkakaroon ng anak." usal ko.
Umiyak lang siya nang umiyak. Pinagsabihan ko na lang siya ng mga nakaka-motivated na salita para naman gumaan ang pakiramdam niya at ma-motivated siya.
Hindi ako makapaniwala na buntis ang kaibigan ko. Ang masakit pa don ay 'di niya alam kung sino ang ama. Naaawa ako sa kanya kahit na isang katangahan at kalandian ang ginawa niya. Para kasi sa akin, kapag lasing ka ay may malay ka pa non. Kaya mo pang tanggihan ang dapat tanggihan. But I'm not really sure.
•| ⊱✿⊰ |•
BINABASA MO ANG
Behind Of Diana
Short Story"Babe, this is what we called Sweet Revenge. I love you, but I hate you. Fuck you." - Diana Lind Written by: OhBeauteous Book Cover by : OhBeauteous [COMPLETED] 🎶💙