[04] Her Pledge

117 14 6
                                    

ೋ❀❀ೋ═══ • ═══ೋ❀❀ೋ





Diana's POV


One month passed.

"Diana."

"Hoy Dian."

"Diana Lind!" nabalik ako sa sarili dahil sa malakas na pagtawag sa akin ni Krystal.

"You're spacing out again. Lagi ka na lang tulala. Narinig mo ba yung sinabi ko?" iritang sabi nito.

"Ah sorry. Ano nga pala 'yon?" tanong ko. Nakita ko naman na bumuntong hininga ito dahil sa inis. Alam kong kanina pa siya may sinasabi pero parang balewala lang sa akin iyon at wala akong gana makinig.

"Kumain tayo sa labas. O kaya pumunta tayo sa Amusement park para naman magising ka at muling bumalik ang kaluluwa mo. So, Let's?" tiningnan ko lang siya.

"Ayoko. Wala ako sa mood." tipid kong sagot. "Hayy. So, anong plano mo? Tutulala na lang? Tatahimik? Nawawala ka na sa sarili mo. Para kang na low-batt." hindi ko na siya pinansin. Tama siya, I feel so weak.

Isang buwan na ang nakalipas. Sariwa pa rin sa akin ang mga pangyayaring iyon. Nasa office ako ngayon ng office ng papa ko. Naging akin na itong office niya. Ako ang pumalit sa kanya rito sa kompanya. Sa akin lahat napunta ang mga kayamanan ni papa, syempre dahil ako ang anak niya. Ang yaman yaman ko. Hindi ba dapat matuwa ako? Pero ako hindi, mayaman nga ako pero hindi naman ako masaya. Ako na lang nagiisa dahil wala na si papa. Pakiramdam ko, kalahati ng buhay ko ay nawala na rin.

Nami-miss ko na siya. Lagi kong pinupuntahan ang kwarto niya at tinitingnan ang mga album niya. Dahilan para maluha na naman ako. Kinuha sa akin si mama, pati ba naman si papa? Nawawala lahat ng mahal ko sa buhay.

Nakakaramdam ako ng inis sa sarili ko. Bakit hindi ko man lang agad na nailigtas si papa?

Biglang sumagi sa isip ko yung lalakeng naka-mask. Putang ina ang lalakeng iyon. May kasalanan ba si papa sa kanya? May kaaway ba si papa? Hindi ko naman masasabing magnanakaw iyon dahil wala siyang ninakaw sa bahay namin. Ayon kila Anlida at Lindy ay noong ginapos sila ng lalake ay tinanong ng lalake kung saan si Mrs. Lind, ang papa ko. Parang kailangan daw niya ito at sabik na mapatay.

Nagtataka ako. Bakit naman papatayin nung lalake ang papa ko? Ayoko man ito isipin pero may kutob ako na may kasalanan si papa. Pero mabuting tao si papa, hindi siya masamang tao. Business lang ang inaatupag niya at wala ng iba pa. Wala rin siyang bisyo.

Pero isa lang ang alam kong gagawin. Pag nahanap o nalaman ko kung sino ang lalakeng iyon, hindi na ako magdadalawang isip na patayin siya. Ganti, igaganti ko si papa. Lintik lang ang walang ganti.

Wala akong pakialam kung sabihan man akong walang puso, puta! Nagkaroon rin ba ng puso ang pumatay kay papa?

Gaganti ako, hindi pweding magpadala sa kahinaan na nararamdaman ko. Kailangan kong magising at gumalaw.

Ako si Diana Lind, ang matapang at palaban. Natuto akong gumamit ng baril, natuto akong lumaban at natuto akong pumatay. Masamang tao lang naman ang pinapatay ko, at masamang tao ang pumatay sa papa ko. So, I'm in. Sisiguraduhin kong maliligo siya sa sariling dugo.

"Papatayin ko."

"Sino?" takang tanong ni Krystal.

Sinulyapan ko siya at nginitian. "Ang pumatay sa papa ko. Revenge is sweet." sagot ko.

Saglit itong natigilan. Ngumiti ito at tumawa. "Y-yes! Sige, gusto ko 'yan. Gumanti ka. Dapat mo talagang gumanti." pagsang-ayon nito.

"Papaliguan ko siya ng bala." madiin kong wika.

"Ano?" nagaalinlangan ba siya?

"Ang sabi ko papaliguan ko siya ng bala." paguulit ko.

"A-are you sure?" ba't siya nauutal?

Bakit kailangan pa niyang itanong kung sigurado ba ako? Hindi ba niya tanggap na gaganti ako.

"Yes." sagot ko.

"Maging sino man siya?" tanong niya ulit.

"Maging sino man siya. Ang sabi ko, gaganti ako. Papatayin ko ang taong pumatay sa papa ko." paguulit ko para naman malinawan siya.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" napakunot noo ako dahil sa sinabi niya.

"Bakit mo ba tinatanong kung sigurado ako? Bakit? May mali ba sa mga sinasabi ko? Gaganti lang naman ako ha, papatay ako." medyo inis na sabi ko.

"Wala naman." sagot niya.

Para kasing hindi tanggap na papatayin ko yung taong iyon. Akala mo naman ay ngayon lang ako papatay, marami na kaya akong napatay. Tulad kapag sumasama ako sa Killing time ni Drake. Bakit parang ngayon lang siya magugulat na papatay ako, eh matagal naman niyang alam na pumapatay ako kasama si drake.

May mali ba?



✧══════•❁❀❁•══════✧

Behind Of DianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon