[03] His Last Smile

131 15 9
                                    

ೋ❀❀ೋ═══ • ═══ೋ❀❀ೋ



Diana's POV


"Pa, ito pa." muli ko siyang inalok na kainin yung ipapasubo ko sa kanya na pagkain. Kinain naman niya ito.

"No, Enough I'm not a Kid." marahan siyang natawa.

"Bata lang ba ang pweding subuan?" tanong ko.

"Uhm. Hindi naman pero Dian, I can eat at hindi naman ako paralisado." wika nito at malawak ko lang siyang nginitian. Dian ang nickname ko or short ng pangalan ko.

"Pa, hindi ba pweding pa-sweet lang ang anak niyo?" nakangiting tanong ko. Tuluyan na itong natawa at ginulo ang buhok ko. "Okay." sang-ayon niya. "Oh sige ito pa." sinubuan ko siya at kinain naman niya ito. Nakakatuwang kasama si papa. Gusto ko siya kasi mabait, mapagmahal at 'di strikto.

Kinuha ko naman yung isang sliced cake at kumuha non para ipasubo kay papa ngunit 'di pa ako nakakakuha ay may naramdaman na akong ipinahid sa pisnge ko. Sinulyapan ko si papa nang mapagtanto ang ginawa niya. Nilagyan niya ng icing ang mukha ko. Ang laki pa at malagkit ito.

"Pa naman eh." kunwari nainis ako.

Tumawa lang siya.
"Bakit baby Dian?" tanong nito sa akin na parang bata ang tinatanong.

"Pa-sweet lang din naman—" 'di niya naituloy ang sasabihin niya dahil nilagyan ko rin siya ng icing sa mukha. 

"Hahahaha!" natawa ako dahil sa itsura niya. Para siyang bata. "Humanda ka sa akin." sabi niya at akmang lalagyan ako ulit ng icing pero agad akong tumayo at tumakbo.

Ito kami ngayon na masayang naghuhulihan at nagiikot sa malaking lamesa. Para kaming bata na nagiikot sa lamesa at naglalagayan ng icing sa mukha. Natutuwa akong nakikita si papa na tawang tawa at tuwang tuwa. Naaalala ko tuloy yung panahon na buhay pa si mama, masaya kaming magkakasama. Miss na miss ko na ang mama ko.

• • •


Nandito ako ngayon sa mansion ni Drake kasama ang tatlong tuko at si Krystal. Isa lang naman ang ginawa ko rito, ang mag-practice. Magpractice ng mga self-defense kasama sina Niel pero tapos na 'yon.

Nandito ako ngayon sa may parang platform at nakatayo habang nakaharap sa field na may mga targets board. Trip ko lang ang magpractice.

*Bang!

*Bang!

*Bang!

*Bang!

Sunod sunod kong putok sa natitirang target board. "Galing mo." comento ni Jex, sinulyapan ko siya. "Syempre." nakangising sagot ko naman.

Kaming lima lang ang nandito sa mansion. Tinanong ko kung saan si drake at sinagot naman nila ay may importante raw siyang pinuntahan. Hindi naman ako nag-react pa dahil sanay naman akong may pinupuntahan talaga siya. Kung saan-saan at minsan ay nagpapasama sa mga tauhan niya. Don't forget na siya'y Mafia boss kaya may pagka-busy.

Lumipas ang ilang oras at gabi na kaya napagpasiyahan kong umuwi na sa bahay dahil kukulitin ko na naman si papa. Maaga raw siyang uuwi galing kompanya eh.

Habang nakasakay sa kotse ko at nagmamaneho, 'di ko maiwasang magtaka. I felt something...bad. Parang may mali na 'di ko malaman kung ano. Parang kinakabahan ako na iwan. Sinabayan pa nang malakas na ulan. Nilalamig na tuloy ako kahit nasa loob naman ako ng kotse ko.

Binilisan ko ang takbo ng sasakyan para makauwi na agad ako. Pagdating ko sa tapat ng gate namin ay bumusina ako. Ilang ulit na akong bumusina pero wala paring katulong ang nagbubukas sa gate. Nasaan na ba sila Anlida at Lindy? Nakakainis na, ayoko pa naman bumaba dahil mababasa ako ng malakas na ulan. 

Behind Of DianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon