[05] Niel's Birthday

108 16 9
                                    

ೋ❀❀ೋ═══ • ═══ೋ❀❀ೋ


Someone's POV

Hindi mawala wala ang ngisi sa labi ko. Nakakagaan sa pakiramdam. Ang saya. Ang saya-sayang makita na nasasaktan si Diana.

Patay na ang ama niya, at alam ko kung sino ang pumatay sa kanya. Kilala ko siya at sinusuportahan ko siya. Nagpapakatanga si Diana. Ang tanga lang.

Hindi niya alam na may mga taong hinihila siya pababa. May mga taong kinaiinisan siya at gustong makita siyang nagdurusa. Wala siyang ka-alam alam sa paligid niya. Ang akala niya ay normal lang ang takbo ng buhay niya pero ang hindi niya alam ay may mga traydor sa paligid niya.

Matagal na silang nandyan sa tabi ni Diana. At isa na rin ako don.



Diana's POV



Naglalakad ako ngayon sa may hallway papunta sa office ko. Kakatapos lang ng pinatawag kong meeting. Wala namang naging problema ang kompanya at mabuti naman ang takbo nito. Alam ko kung paano kasi ito hawakan dahil noong nabubuhay pa si papa ay tinuro na niya sa akin ang lahat ng tungkol sa kompanya namin dahil alam niya at alam ko rin na ako ang heiress sa kompanya. Maging strikto daw ako para 'di ako maloko o kung ano man.

Hinimas-himas ko ang batok ko dahil medyo masakit ito. Nakakapagod din pala. Nakakalimutan ko din minsan kumain dahil busy ako at maraming iniisip tungkol sa kompanya.

Nagulat ako dahil biglang may humawak sa kamay ko. Holding hands ito kaya nabigla ako at sinulyapan ang taong iyon na nasa tabi ko.

"Ikaw lang pala. Ginulat mo 'ko." bahagya ko siyang hinampas sa braso. Tumawa lang ito.

Wala lang namang iba kundi si Drake.
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko. "Ayaw mo bang nandito ako?" parang bata niyang sabi.  "Sinabi ko bang ayaw ko?" nakataas ang isa kong kilay na tanong sa kanya.

"Hayy. Uhm. It's just that...birthday ngayon ni Niel at nagpa-party ang ugok sa mansion ko kaya sumama ka." sabi nito. Gabi na ngayon at balak ko pa naman umuwi nang maaga para malaki ang oras na itutulog ko. Pero 'di ko naman matiis sila eh. Birthday ni Niel at sigurado akong magsasaya sila. Ilang araw na rin kasing hindi kami nagsasamang anim. So, I'm in.

"Okay. Kukunin ko lang muna yung bag ko sa office ko." sagot ko at sabay na kaming pumunta sa office ko para kunin don yung bag ko. Pinauwi ko na rin ang secretary ko. Lalake ang secretary ko kaya naman 'tong si Drake ay kung ano ano ang pinagsasabi sa akin tulad ng wag daw ako maging close sa secretary ko. Sus! Halata namang nagseselos.



• • •



"Woooh!" tili nila Xander, Niel at Jex. Ang ingay ingay talaga nila.

Kumain kami dahil naghanda si Krystal at ang mga boys. Kinantahan namin si Niel ng Happy birthday na song at pinaghahampas pa namin ito dahil sa tuwa, ito talaga ang trip namin. Para kaming mga bata na naghahabulan, naghaharotan, nagaasaran at kung ano ano pa. Naging masaya naman ang gabi at na-enjoy ako. Nawawala tuloy yung mga problema ko't lungkot. Salamat sa kanila.

Naginuman din kami kasi naman 'tong sila Xander at Jex ay bumili ng alak kaya bakit naman ako hindi sasabay sa inuman? Haha. Nagpatugtog sila ng musika at parang mga baliw na nagsasayawan. Ang budoy lang nilang tingnan. Lagi na lang ako tumatawa sa tuwing nakikita sila.

Nakaramdam na ako ng pagkahilo. Nakakadagdag rin sa pagkahilo ko ang mga iba't ibang kulay na ilaw. Lasing na yata ako.

"Baby, come here." tawag sa akin ni Drake at naglakad palapit kina Niel na nagsasayawan.

Tumayo ako at paliko liko na naglakad palapit sa kanya. Inaya niya akong sumayaw at pumayag naman ako. Sumali ako sa kabaliwan nila.

In-enjoy lang namin ang araw na ito at mukhang lahat naman kami na-enjoy. Ang dami dami ko nang nainum kaya pakiramdam ko ay babagsak na ako sa subrang lasing. Inaantok na ako at don ko na naibagsak ang sarili ko sa sofa at tuluyan ng nakatulog. Alam kong gising pa ang mga kasama ko at patuloy pa rin sila na nage-enjoy.

"Baby, idadala kita kwarto ko." nagising ako at bumungad sa harapan ko si drake.

Hindi ako kumibo. Inalalayan niya ako patayo at binuhat ako na parang yung sa bagong kasal. Pinabayaan ko lang siya hanggang sa mamalayan ko na lang na nasa kwarto na niya pala ako at hiniga ako sa kama niya.

"I'll kill him." sabi ko na nakapikit pa rin. Hindi ko nga alam kung bakit nasabi ko 'yon. Siguro, desperado 'kong mapatay ang lalakeng iyon kaya lagi kong bukambibig.

"Who?" takang tanong nito habang nilalagyan ako ng kumot.

"The one who killed my father. I promise, I will kill him. I freaking want to kill him that asshole." sagot ko sa tanong niya. Ramdam ko na natigilan ito dahil sa sinabi ko.

Dinilat ko ang mga mata ko at sinulyapan siya. "You should kill him, and I'll help you." sambit nito at hinalikan ako sa noo bago umalis sa kwarto.


✧══════•❁❀❁•══════✧

Behind Of DianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon