[08] Behurt

119 14 7
                                    

•°• ✾ •°•



Diana's POV

Maaga ako nagising at pumasok sa kompanya. Inasikaso ko lahat ang dapat kong asikasuhin at um-attend na rin ng meeting. Tanghali na nang mapagpasyahan kong umuwi. Wala ako sa mood, hindi ko lagi nakakapiling ang mga kaibigan ko dahil lagi ako nasa kompanya. Haay. Wala rin naman din ako sa mood na puntahan sila dahil mga kalokohan lang naman ang ibubungad nila sa akin.

Siguro nga kailangan ko rin bawasan ang pagiging bata. Hindi naman habang-buhay ay dalaga ako. Kailangan ko rin seryosohin ang buhay at hindi puro ka-childish-an ang pinaggagawa. Be matured na. 24 na kaya ako.

Pakiramdam ko ay malungkot ako. Hindi ko alam. Tinatamad ako pumasok sa kompanya, wala ako sa mood na makasama ang mga kaibigan ko, wala rin naman ako magawa sa bahay, may lubid ba kayo dyan? Kailangan ko ng lubid. Biro lang. Gusto ko pa naman mabuhay sa mundong ito.

Mula sa pagkakatayo sa may terrace ng kwarto ko ay naglakad ako matungo sa higaan at binato ron ang katawan ko. Napabuntong-hininga ako. Kinapa ko sa ilalim ng unan ko ang cellphone ko at naisipan na tawagan si Drake. Sana naman ay hindi siya busy ngayon para makasama ko siya. 'Di kaya natuloy ang dinner namin kahapon, na-dissapointed ako sa ginawa niya kaya nawalan ako ng gana kumain nang makarating ako sa bahay.

*Ringing...

Hinintay ko ito pero walang sumagot. Kaya tinawagan ko ulit. Muli na namang nag-ring pero wala pa rin sumasagot. Tinawagan ko na naman ulit. Pero tulad pa rin nong una na walang sumasagot. Busy na naman ba siya o naka-silent mode ang phone niya? Baka naman busy kaya wag ko na lang siya istorbohin.

Bigla ko naalala si papa. Dadalawin ko na lang siya. Miss na miss ko na siya.

Tumayo ako at pumasok sa bathroom para maligo ulit. Para kasing pinagpawisan ako dahil sa init ng pilipinas kaya naligo ako ulit. Nakakatulong din magpagaan ng pakiramdam sa tuwing malinis ka. Yung feeling mo fresh ka.

Nang matapos ako maligo ay nagbihis na ako at inayos ang sarili ko. Lumabas na ako sa bahay at sumakay sa kotse ko.

Maya maya ay nakarating na ako sa sementeryo at pinuntahan ang libingan ni papa. Nilagyan ko ito ng bulaklak. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa malakas na ihip ng hangin. Hapon na kasi at wala ng araw, kakaunti na rin ang mga tao rito.

Tiningnan ko ang pangalan ni papa. Francisco Lind ang pangalan niya.

Papa miss na miss na kita. Miss ko na yung ngiti't tawa mo, pati na rin yung mga biro mo. Sana maging masaya ka dyan. At saka wag kang magalala sa 'kin dahil okay lang ako. Maayos ko rin na pinapatakbo ang kompanya. At saka papa hindi ko po kakalimutan yung sinabi niyo na magpakatapang ako, maging mabait, matulungin at mapagmahal. Yeah, ginagawa ko pa rin ang mga iyon pero ang maging mabait ay hindi po masyado. Minsan kasi kapag mabait ka lalo na kung subrang bait, naaapi ka na lang sa huli.

Bakit kailangan mo pang mawala sa akin papa? Masaya ako nong kasama pa kita pero ngayon na wala ka na ay pakiramdam ko'y lagi na lang ako naging malungkutin. Mahal na mahal ko po kayo, kayo ni mama. Nami-miss ko na rin pa yung mga bonding time nating dalawa. Yung masayang-masaya tayong naghahabulan at nagkukulitan. Kahit na malaki na ako'y pakiramdam ko ay bata ako nang mga oras na iyon. At saka pa, yung araw na tawang-tawa tayo dahil pinilit kitang magjumping rope at nong sinubukan mo ito ay nahulog yung pustiso mo. Halos sumakit na yung tiyan ko dahil sa kakatawa.

Pinahid ko yung luha ko na umaagos sa mukha ko. Para akong tanga rito na umiiyak tapos tatawa sa huli. Natatawa naman kasi ako sa mga funny moments namin ni papa.

Medyo dumilim na kaya napagpasyahan ko na umuwi pero bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa mall para bumili ng Fresh milk dahil nakalimutan kong ipabili kina Anlida at Lindy noong umaga na inutusan ko silang mag-grocery. Bibili rin pala ako ng jeans at sweatshirt.

Bumaba na ako nang makarating ako sa mall at inunang bilhin ang Jeans at Sweatshirt. Matapos ko ito bilhin ay sinunod ko na ang Fresh milk.

Nasa counter na ako ngayon at kakabayad pa lang ng binili kong Fresh milk at hinihintay ko na lang na malagay sa plastic bag. Inabot ko na ito nang matapos at umalis sa store na iyon.

Kasalukuyan ako na naglalakad sa mall patungo sa daan ng exit. Medyo marami pala ang tao rito.

Habang naglalakad, naagaw ng atensyon ko ang lalake't babae na nasa unahan ko na naglalakad din. Magka-holding hands sila at ang sweet nilang tingnan.

Para akong sinaksak ng libo-libong patalim sa puso nang makita na magkasama sila. Natigilan ako sa paglalakad at pinagmasdan ang likod nila na papalayo sa akin. Nananaginip ba ako o totoo 'tong nakikita ko ngayon. Parang tumigil ang paggalaw sa paligid at pag-ikot ng mundo.

Ang sakit.

Okay lang sa akin na makita sila minsan na magkasama dahil kaibigan niya rin siya pero ang makita silang dalawa sa gabi na magkasama sa mall at magkahawak ang mga kamay habang masayang naguusap, ay hindi ko iyon matatanggap. Iba na iyon sa paningin ko at sa paningin na rin ng iba.

Masakit sa damdamin na makita silang ganon. Parang sa bawat pagtama ng mga mata nila at ngiti nila ay unti-unting nadudurog ang puso ko.

Siya ba ang dahilan kaya hindi niya sinasagot ang tawag ko. Sa kanya ba siya busy? Anong mayroon sa kanya na wala ako? Matagal na ba silang ganon? May something pala sa kanilang dalawa. Gaano katagal nila ba ito tinago sa akin at ako naman ito na parang tanga sa paningin nila. Akala ko ba mahal niya ako.

Two timer siya.

Para akong isang character sa isang fantasy story na puno ng mga kakaiba at 'di kapani-paniwalang pangyayari. Mga imposible at 'di inaasahan na mangyari.

Tulad nitong nangyayari ngayon na 'di ko inaasahan na ganon pala sila.








Ganon pala and best friend kong si Krystal at ang Boyfriend kong si Drake.


•| ⊱✿⊰ |•

ᴛʜᴀɴᴋ ʏᴏᴜ ғᴏʀ ʀᴇᴀᴅɪɴɢ ᴍʏ sᴛᴏʀʏ! 😚✨

Behind Of DianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon