Diana's POV
Nakatulala ako sa kawalan habang nginunguya ang bubble gum ko. Napansin kong bumukas ang pinto ng office ko at lumapit sa akin ang nilalang na pumasok. "Ma'am, ito na po ang mga pinagawa niyo." pormal na wika ng secretary ko. Inabot ko naman ito at nilagay sa desk ko. "Thank you and Get out." sambit ko na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Lumabas naman ito.
Nagcross arm ako at muling sumandal sa swivel chair ko.
Nasa Office ko ngayon ang mga kaibigan ko at kasalukuyan na nanonood sa flat screen TV. Masyado silang focus. Close pa rin sila sa akin.
Napangisi ako nang may mapagtanto ako. Natatawa ako eh, natatawa ako sa mga katangahan ko.
Hindi ako nakapagpigil kaya napahalakhak na tuloy ako. "HAHAHAHA!!" pinaghahampas ko pa ang desk ko. Halos maiyak ako dahil sa kakatawa. Ang tanga ko.
"Hahahaha!!"
Natigilan ako nang makitang blangkong nakatingin sa akin sina Krystal, Xander, Niel at Jex. Nagtataka tuloy sila kung ba't ako natatawa rito.
"May nakakatawa ba?" inirapan ko si Jex. "Matatawa ba ako kung wala? Hahaha! Don't mind me." ngumiti ako sa kanila.
• • •
Gabi na at narito ako ngayon sa labas ng bahay ko kasama si Drake sa may hardin. May table at upuan dito at dito namin naisipan na kumain total maganda rin naman dito dahil nasa tabi kami ngayon ng malaking fountain at may umiilaw don na colorful, ang ganda tingnan. Marami ding flowers dito, syempre nasa hardin kami eh.
Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa ako ngayon na kasama siya. Nang dahil siguro na miss ko lang siya.
"Say Ahhh." sabi ko habang inaalok sa kanya na kainin yung ipapasubo ko sa kanya na pagkain sa kutrasang hawak ko.
Tumawa ito. Na miss ko yung tawa niya.
"Hindi ako bata," sabi nito.
"Bakit? Bata lang ba ang pwedeng subuan?" tanong ko pero saglit akong natigilan nang may maalala ako. Si Papa, parang ganito yung eksena nong masaya kaming magkasama. Yung kinukulit ko siya na kainin yung ipapasubo sa kanya na pagkain pero ayaw daw niya dahil hindi daw siya bata o paralisado para subuan.
"Baby." nabalik ako sa sarili nang marinig na magsalita si Drake. Na mi-miss ko na si papa.
"Okay ka lang?" tanong niya.
Tumango naman ako. "Uhm. Naalala ko lang si Papa." sagot ko.
Tinulungan ako ni Drake na hanapin yung lalakeng pumatay sa papa ko. Marami na rin daw siyang inutusan sa mga tauhan niya para maghanap. Hindi ko alam kung paano nila mahahanap yung lalakeng 'yon. Pero sila na daw ang bahala.
Makakaganti kaya ako? Para sa akin kasi, Oo papatayin ko ang lalakeng iyon pero may pag-asa bang mahanap pa siya. Paano siya mahahanap? Saan siya hahanapin? I don't think na mahahanap pa siya pero siguro, ang tadhana na ang bahala don. Makita ko man siya o hindi, mapatay ko man siya o hindi, lahat ay may dahilan.
"Nami-miss mo na siya ano?" tanong nito. Tumango na lamang ako. "Haha! Wag ka na nga sumimangot dyan." ginulo niya ang buhok ko.
"Ikaw kasi eh! Ayaw mo 'tong kainin." haha! Sinisi ko pa siya.
"Oh edi sige ahh." sinubo ko naman iyon sa kanya.
"Masarap ba ang luto ko?" tanong ko. Ako ang nagluto sa dinner namin ngayon. 'Di ko alam kung ba't ko ito ginagawa samantalang kahapon ay halos sumabog na ako sa galit dahil sa kanya.
"Syempre." nag-thumbs up pa ito.
Kumain na kami nang kumain habang masayang naguusap. Masaya ako ngayon na kasama siya.
Nang matapos kami ay nagpa-play siya ng romantic song at inaya akong magsayaw kami. Tinanggap ko naman ito at ito ako ngayon na nakahawak sa balikat niya habang siya ay nakahawak naman sa bewang ko.
"New hair cut huh?" nabago kasi ang hairstyle niya kaya mas lalo siyang gumwapo.
"Yeah."
Medyo matagal tagal na rin kaming nagsusweetan habang sumasayaw at maya maya ay nakaramdam ako ng patak ng ulan.
Bumitaw siya sa pagkakahawak sa bewang ko at lumapit sa akin kaya subrang lapit namin ngayon sa isa't isa.
Ngumiti ako. "Uy, ano?" pagpipigil kong ngiti. Mukhang may binabalak na naman kasi ang ugok na 'to eh.
Bumuhos na ang malakas na ulan kaya akmang tatakbo sana ako pero natigilan ako dahil hinila niya ako at hinawakan ang magkabilang pisnge ko. Nilapit nito ang kanyang mukha sa mukha ko. Nararamdaman ko na tuloy ang hininga niya.
Ngumiti ito. Bakit ba ang gwapo niya? "Uy, ayokong mabasa ng ulan. Umali—" 'di ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang sumingit. "Can't you see? It's raining." sambit nito.
"Ano naman kung umuulan?" tanong ko. "Let us kiss," ngumiti ito. "Ano ka ba? Umuulan nga sabi—" hinalikan nga niya talaga ako.
Passionate kiss. Hindi ko alam kung bakit ako nag-response sa halik niya. Pinalibot ko ang magkabila kong kamay sa leeg niya at mas lalong diniin ang halik.
Nasasaktan ako sa mga pinanggagawa niya, nagagalit ako sa kanya pero bakit mahal ko pa rin siya? Bakit minsan naisip kong iwan siya pero bakit hindi ko kaya? Bakit kahit na subrang sakit na ay minamahal ko pa rin siya.
Hindi ako makapaniwala sa mga ginawa niya. Unexpected. Pero dapat kong paniwalaan dahil totoo ang mga 'yon. Niloloko niya ako at si Krystal ang totoo niyang mahal. Bakit ginagawa niya pa rin sa akin 'to? Lumalapit pa rin siya sa akin kahit na may mahal naman siyang iba? May anak na siya sa iba. Bakit lagi siyang nasa tabi ko kahit na may mahal naman siyang iba? Bakit hindi na lang niya deretsuhin na hindi ako ang mahal niya? Hanggang kailan kaya niya sa akin itatago ang lahat?
Tinuloy ko pa rin ang halik kahit na umiiyak na ako. Sumasabay na sa tagaktak ng ulan ang mga luha ko.
⊱⋅ ──────────── ⋅⊰
BINABASA MO ANG
Behind Of Diana
Short Story"Babe, this is what we called Sweet Revenge. I love you, but I hate you. Fuck you." - Diana Lind Written by: OhBeauteous Book Cover by : OhBeauteous [COMPLETED] 🎶💙