Chapter 2 "Meet and greet"

22 6 2
                                    

Nevin Cloak's POV

3 days later...

Mabilis lumipas ang araw kaya third day ko na ngayon sa school na pinapasukan ko. Hays... Ang bilis ng panahon at ang bilis ng mga pangyayari, akalain mo yun? Naging member na agad ako sa isang club na hindi naman ako intiresado.

Grabe! Ang harsh ko naman pero totoo naman talaga eh...

Hmm... Well interisado naman ako sa mga member... Teka! teka! ano ba 'tong naiisip ko? Like duuuh!

Hindi ko sila mga type no! Curious lang ako. Yun lang naman and there's no wrong with that. After all, they have different personalities. Syempre! Yung masungit ay si Persephone psh...

"Neviiiiin!" Tawag sakin ni Thana habang tumatakbo papunta sakin.

"Uy goodmorning Thana, sabay na tayo pasok?" Pagtanong ko sa kanya.

Huminga na muna siya nang malalim habang hinahabol niya ang hininga niya at saka ngumiti saakin.

"Aba syempre naman, bakit kasi hindi mo nalang ako inaantay mag katapat lang naman bahay natin eh..." Sabi sakin ni Thana at kinagulat ko naman ito.

Huh? Teka? Ano ulit sinabi nya?

"Ano nga ulit sinabi mo Thana? nag kamali lang yata ako nang rinig" Sabi ko sa kanya habang kinakalikot ko ang aking tenga upang linisin.

"Sabi ko kada umaga antayin mo ako!" Nababanas na sabi ni Thana habang naka cross arms saakin at nakasimangot pa.

"Hindi yung isa pa Thana sumunod pa diyan?" Sabi ko sa kanya.

"Uhmm yung magkatapat lang tayo ng bahay?" Nag aalinlangan na tanong nya.

Tumango ako nang makuha niya ang gusto kong masagot niya.

"Oo, magkatapat lang tayo ng bahay!?" Sabi ko sa kanya at nilapit ko sa kanya ang mukha ko at tumingin sa mga mata nya.

"Too close!" Sigaw ni Thana sabay tinakpan mukha ko ng kamay nya at nilayo.

Siguro mahiyain din 'to si Thana. Pero pati ako biglang nahiya eh... well marami kasi ditong tao.

"Ay sorry." Pasensya na sabi ko kay Thana.

"Okey lang basta wag mo ng uulitin" Sabi sa'kin ni Thana habang iniwas nya yung mukha nya sakin. Grabe ang cute ni Thana, lalo na't--- bright red yung face nya sa pag kaka-blush.

"Pero totoo nga sa inyo yung may gate na bahay Thana?" Tanong ko sa kanya.

"Oo" Sabi nya sakin tas tumakbo sya upang unahan nya ako pumasok sa school.

"Mauna na ako! Kita nalang mamaya!" Sigaw nya saakin habang kumakaway.

Iniwanan ako? -_-

Umiling na lang ako at pinagpatuloy ko ang aking paglalakad upang marating sa aking silid aralan.

________

After school na Ughhhh!

Sa wakas! Tapos na ang math class, ang pinaka ayaw ko sa lahat.

Uminat-inat pa ako sa upuan at ibinaling ko ang tingin ko sa bintana.

Grabe ang init nang panahon, mamaya na lang kaya ako umuwi?

Nag iisip ako kung mag sta-stay muna ako sa room nang biglang may tumawag saakin kaya napa lingon ako sa pintuan.

"Neviiin uuuuy!" Tawag sakin ni Thana habang nasa pinto sya ng classroom namin.

At nagsi-tinginan naman sakin ang mga kaklase ko dahil sa school naming ito, medyo sikat si Thana dahil sa kagandahan nya.

"Uy oh si Thana."

Ice Cream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon