Chapter 11 "Farewell"

23 2 2
                                    

Nevin Cloak's POV

"Thana papasok ako ah?" Sabi ko sa kanya.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto.

Pag bukas ko nakita ko nalang...

Nakita ko nalang...

Nakita ko nalang na si Thana....

Na si Thana ay nakalambitin nalang sa kisame...
....
...
..
.
Paanong!

Bakit?

"THANA" Sigaw ko.

Napaupo nalang ako sa gulat habang tinitignan ko si Thana na naka lambitin ang katawan sa ere, halos ang mga mata niya ay galing lang sa pag iyak dahil mugto pa ang mga ito.

Thana, bakit mo naisipang magpakamatay?

Ang bilis ng mga pangyayari, bakit napunta sa ganitong sitwasyon?

Bakit mo ito ginawa Thana? Anong rason!

Impossibleng mangyari ito, syempre kami na diba? Mahal niya ako diba? Masaya na siya diba? Kaya bakit nya nagawa ito? Bakit?

Siguro dahil may problema siyang hinaharap pero hindi nya makayanan kaya nagpakamatay na lang siya?

oh di kaya hindi naman talaga siya nagbigti at may pumatay lang sa kanya...

Imposible!

Napaka Imposible!

Halos maraming pumapasok sa isip ko na mga tanong na hindi naman nasasagot. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip ng mga posibleng rason kung bakit nagawa iyon ni Thana pero hindi ko naman alam kung tama ba ang mga hinala ko na iyon.

"Knock knock!?" Sigaw ni Emily sa pinto.

"Nevin? Thana? Nandiyan ba kayo sa loob? Papasok ako ah?" Sigaw ni Emily.

Pag akyat ni Emily sa kwarto ni Thana nakita nalang nya ako na naka upo sa sahig at si Thana naman ay naka lambitin.

"THA-THANA!!" Sigaw ni Emily.

Naistatwa si Emily sa kanyang kinatatayuan habang pinagmamasdan niya ang katawan ni Thana at agad nitong kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa ng palda nya.

"H-hello! Sir y-yung kaibigan ko po. S-si Thana---- *sob*--- S-si Thana!"

Hindi matuloy-tuloy ni Emily ang gusto niyang sabihin kaya kinuha ko sa kanya ang kanyang cellphone.

"Hello sir! Kailangan po namin ang tulong niyo. A-ang.… Ang g-girlfriend ko po n-nakita po namin n-na nakabigti sa b-bahay niya." Halos parang nakalunok ako ng isang malaking tinik ng isda. Hindi ko matanggap na nagpakamatay si Thana ng ganun-ganun lang. Parang ang hirap tanggapin kasi magsisimula palang kami eh!

(Sige po sir. Saan po ang address?) Sagot ng pulis sa cellphone.

"Sa **********" Sagot ko.

(Sige po sir. Papunta na po kami dala ang ambulansya.)

"Salamat po." Sagot ko sabay binabaan ko na nang tawag.

"N-Nevin! *sob* *sob* B-Bakit? Paanong nagawa iyon ni T-Thana?" Tanong ni Emily habang umiiyak sa kinatatayuan nya.

"Hindi ko alam... Hindi ko alam! HINDI KO ALAM! AAAAAARRRRGGGHHHHHHHH!" Pinagsusuntok ko ang pader habang bumubuhos ang agos ng luha ko sa mga mata ko. Inaawat ako ni Emily pero hindi ako nagpatinag.

Gusto kong ilabas ang lahat ng saloobin ko. Kung hindi lang sana ginawa ito ni Thana, siguro masaya kami? Siguro nag re-rehearse na kami ng play?

S-Siguro....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ice Cream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon