Nevin Cloak's POV
Nandito ako ngayon nakatayo sa tapat ng bahay namin para antayin si Thana. Hays... inaantok pa din ako hanggang ngayon, paano kasi--- hindi mawala sa isipan ko yung ngiti ni Persephone kahapon... may something kasi naa hindi ko maintindihan.
"Alis na ako mama" rinig ko sa boses ni Thana na nag papaalam sa Nanay nya.
Ngumiti ako nang sandali saka lumapit ako bigla sa harapan nya.
"Good morning Thana!" Nakangiting bati ko sa kanya.
"Ahhh!" Gulat na sabi ni Thana ng makita niya ako.
"Nevin ikaw pala yan ginulat mo ko, bakit ka pala nakatayo diyan?" Tanong naman sa'kin ni Thana.
"Malamang inaantay ka, sabay tayo papasok diba?" Sabi ko sa kanya.
"Ay ganun ba?" Natatawang tanong ni Thana.
Napailing na lang ako saka kinotongan ko sya sa ulo ng mahina.
"Matulog ka sa tamang oras para magising ka sa tamang oras at sa gano'n hindi tayo malalate." Panenermon ko sa kanya.
"Hehe sorry... Hindi na mauulit---sana. hehehe..." Sabi naman nya sakin na halos may pag bibiro pa.
Kunwari ko siyang tinitigan nang masama at napa yuko naman siya dahil doon at natawa na lang ako saka tinapik ko siya sa balikat.
"Tara na!" Aya ko sa kanya at nag simula na kaming mag lakad.
Ang tahimik ni Thana medyo hindi ako sanay sa kanya pag ganito sya. Nung malapit na kami sa gate ng school bigla nya akong binatukan sa ulo at naunang pumasok sa school habang kumakaway.
Napa daing ako sa sakit saka tinignan ko siya nang masama pero bumelat lang siya at tumawa.
"Tsk humanda ka sakin mamaya." Pabulong kong wika habang nakatingin sa kanya at kinindatan naman niya ako.
-----------
Mabilis natapos ang ang araw pero pagdating sa Math ay parang bumagal ang daloy nang oras pero salamat talaga at natapos na rin sa wakas!
Hindi naman talaga ako kasi nakikinig sa math.
Pero pumapasa naman ako sa subject na 'yan kahit hindi ako nag e-effort makinig.Pero sa kabilang iyon ay hindi ako mapakali...
Ang weird today kasi bakit feeling ko lahat ng classmate ko naka tingin sakin at parang may inaabangan?
Grabehan kasi yung mga tingin nila saakin na animo'y nag aabang nang palabas na nakakapanabik.
Woah! What a deep sentence I got there. I can't believe I've said something like that.
Amazing!
Tumayo na agad ako para lumabas ng room para pumunta sa club kasi sabi ni President Emily kahapon na may club meeting daw kami ngayon.
Pag pasok ko sa Clubroom nakita ko kaagad si Emily, Lilith at Thana but no sign of Persephone.
"Ohh good you're here na Nevin, take a seat." Sabi saakin ni Emily.
Naupo naman ako sa isang upuan tas sinumulan na ang club meeting.
Pinag usapan namin ang mga kailangang gawin at ang mga gagawin para sa mga club activities.
"Ok that's all may mga katanungan ba?" Sabi ni Emily.
Nag taas naman ako ng kamay at tumayo.
"Pa-explain naman ng last part hindi ko ata masaydong ma gets." Sabi ko kay Emily.
BINABASA MO ANG
Ice Cream.
Horror"Sometimes the scariest thing in the world, is a smile." I'm Nevin Cloak, my life is good as an average Senior High School student... But from just a simple encounter at my childhood friend, Thana Ferrer. My life...no.... "My whole life" had change...