Chapter 7 "Home Visit!"

10 4 0
                                    

Nevin Cloak's POV

*Ring ring! *Ring ring!*

Ugh! umaga na agad? Nakakairita na itong cellphone ko.

Goshdamn! Hindi ako masyadong makatulog kagabi dahil sa mga nangyari kahapon sa bahay ni Persephone.

Ngayon hindi ko na talaga alam kung sino ba talaga at ano ba talaga ang katauhan ni Persephone.

Hindi ko malaman kung nasa cute side or creepy side sya eh... masyado kasing malabo at minsan naman nagiging malinaw pero hindi ko talaga mawari kung ano ba talaga.

Teka? Today is sunday? So it means pupuntahan ko si Lilith! Pag tingin ko sa cellphone ko nakita kong tumatawag sa'kin sa cellphone si Lilith.

Paktay! I forgot...

Baka galit na galit na sa akin si Lilith. Wag naman sana, pero hindi ko ma- imagine na galit sa akin si Lilith.

Pero di bali na. Kailangan ko ng sagutin ang tawag ni Lilith baka mag alburulto eh...

Sinagot ko agad ang tawag ni Lilith at dahan-dahan ko ito nilagay sa tenga ko at nag bugtong hininga na muna bago sagutin.

"He-hello Lilith, Goodmorning!" Kinakabahang bati ko sa kanya.

in just---

3

2

1

"Anong hello at goodmorning!? Anong oras na ah!? Ano? Nilamon ka na ba ng kama mo at hindi ka na magising diyan? Aba! Wag ka na sanang magising!" Sigaw nya sakin.

Gising na ako Lilith kaya paano ako malalamon ng kama?

Yun na sana sasabihin ko sa kanya pero natatakot ako at baka ibaba na nya ang tawag.

Pero---

Wow... Just wow, ngayon ko lang narinig na magalit si Lilith and her voice is so cute na hindi ko ma explain kung bakit.

Pero parang katulad lang ito kahapon ah? Pero ang pinagkaiba nga lang ay si Persephone ang kausap ko sa cellphone noon.

"So-sorry Lilith, sige na maliligo na ako saan ba tayo mag kikita? Siguro kanina kapa nag aantay diyan? Sige na bibilisan ko na ang pag kilos ko, pasensya na napuyat lang kagabi kaya na late ng gising." Paghihingi ko ng pasensya sa kanya.

"Oo, kanina pa ako nag hihintay dito sa tapat ng pinto nyo!" Sabi ni Lilith.

"Sorry na nga eh, wait lang liligo lang ak-" Naputol kong sabi.

Eh? Ano? Ano sabi nya?

Teka baka nagkamali lang ako ng dinig. Oo baka nga mali! Imposibleng naghihintay sya sa tapat ng pintuan namin kaninang umaga. Tama Nevin. Tama iyang naisip mo.

"Uhm... Lilith pakiulit nga." Pagpapaulit kong sabi sa kanya.

Sana talaga mali lang yung nadinig ko...

Pero hindi pala.

"Ang sabi ko, bilisan mo! Kanina pa ako nag hihintay dito sa tapat niyo! Ugh! ano ba Nevin!" Galit na sigaw na pag kakasabi nya sa'kin.

What the? So hindi talaga tama yung mga sinabi ko sa utak ko kanina? Tsk! masyado ko kasi pinaniwala ang sarili ko na nagkamali ako ng rinig eh...

Edi kanina papala sya doon naghihintay?

Feeling ko nahihiya na ako. Napaka walang kwenta ko talaga!

Pero ano sabi niya? Nasa tapat daw sya ng pintuan namin? Totoo kaya?

Ice Cream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon