Chapter 5 "Assignment"

14 4 0
                                    

Nevin Cloak's POV

Hindi ako masyadong naka tulog ng maayos kagabi pero buti nalang na manage kong magising sa tamang oras. Dahil hindi ko makalimutan ang sinabi sakin ni Thana kaya simula ngayon bibigyan ko sya lalo ng atensyon.

'Tama! Tama yung naisip mo Nevin.'

Agad-agad kong sinukat ang sapatos ko sabay umalis na ako sa bahay namin at dumaretso sa bahay nila Thana.

Inayos ko muna ang sarili ko bago kumatok sa pintuan nila.

"Titaaa? Tita?" Tawag ko habang kumakatok sa pinto.

Mga ilang sandali lang ay pinagbuksan ako nang pinto ni Tita at nakita ko siyang nakangiti sa akin.

"Ohh Nevin ikaw pala yan, pasok pasok!" Natutuwang sabi ni Tita at pinapasok ako ni Tita sa bahay nila at pinaupo ako sa sala nila.

"Maupo kalang diyan ah, simula ngayon dito kana sa loob mag hihintay kay Thana." Sabi sakin ni Tita at medyo nahiya naman ako.

"Thanaaaaa! Bilisan mo inaantay kana dito ni Nevin sa sala, papasok na kayo!" Sigaw ni Tita.

"Saglit!" Rinig naming sigaw ni Thana.

Nakita kong pababa na si Thana sa hagdanan kaya napatayo na ako sa kinauupuan ko.

"Hays Mama naman kailangan pa ba siyang mag hintay sa loob ng bahay?" Tanong ni Thana sa nanay nya.

"Ok lang po sakin sa'kin mag antay sa labas." Sabi ko naman sa kanya.

"Hindi iho dito ka mag aantay, simula ngayon. Sige na labas na kayo at baka ma late pa kayo" Sabi ni Tita samin.

Naunang lumabas si Thana, susunod na sana ako nang tawagin ako ni Tita.

"Nevin, iho may tiwala ako sayo ahh. Bantayan mo anak ko." Sabi sakin ni Tita.

"Huh? Bakit po Tita?" Tanong ko naman.

"Aalis kasi ako, mga limang araw ako mawawala dito kaya habang wala ako ikaw mag babantay sa anak ko ahh." Pag papaliwanag ni Tita sakin.

"Sige po Tita makaka asa ka sa akin." Sagot ko naman.

"Tsaka kung may binabalak ka man sa anak ko, ok lang yan basta wag kayo mag madali." Sabay hampas sakin sa braso ni Tita.

Eh?

A-Anong---

"T-Tita hindi ko po----" Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko nang tumawa si Tita nang malakas.

"Hahahaha! Biro lang iho, ikaw naman masyado mong sineryoso. Hmm... unless, yun talaga ang balak mo. Hmm?" Pangangasar ni Tita sa akin at bigla naman akong namula doon. Aangal na sana ako nang marinig ko si Thana.

"Neviiiin ma la-late na tayo!" Sigaw ni Thana sa labas.

"Sige po Tita una na po kami" Pag papaalam ko at lumabas na ako upang mag simula na kami mag lakad ni Thana papunta sa School.

"Oh? Bakit namumula ang mukha mo Nevin?" Takang tanong ni Thana sa akin at nagulat naman ako doon at napahawak sa mga pisngi ko.

"A-Ano? That's nonsense! Tara baka ma late na tayo." Mabilis na sabi ko at naglakad ako nang mabilis at humabol naman sya sa akin.

Grabe naman yung mga biro ni Tita, Namumula na tuloy ako sa hiya tapos napansin pa ni Thana, tsk!

Habang nag lalakad kami ni Thana papuntang school may napansin akong kakaiba kay Thana.

Hindi sa appearance nya pero bakit ganon? Bakit parang may pader na naka harang saaming dalawa? Ang layo nya sakin. Dapat clingy sya ah? Gano'n sya this past few days pero kakaiba ngayon.

Ice Cream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon