Chapter 10 "Why?"

16 2 0
                                    

Nevin Cloak's POV

Pag bukas ng ref ni Persephone ay nakita namin ang ulo ni Yuno at ang ibang parts ng katawan nya.

Like---Wtf!? Is this even real!?

Natumba si Persephone sa kinakatayuan nya dahil sa nakita namin.

Ako naman ay natulala nalang sa lamesa.

"AHHHHHHHH!"

Pumunta bigla sila Thana, Lilith, Emily at Mori dahil sa sigaw ni Persephone.

"BAKIT? ANO NANG--- AAAAAHHH!" - Thana

"OMG!" - Mori

"TUMAWAG NA KAYO NG PULIS!" - Lilith

Halo-halo ang mga nararamdaman namin ngayon, halos hindi na nga kami makapagsalita sa sobrang takot at pagka bigla sa mga nangyayari.

Inalo ko si Persephone na ngayon ay umiiyak.

Nang tumingin ako kay Thana ay bigla siyang napa iwas ng tingin sa akin.

Hindi ko nalang pinansin ang inasal ni Thana pero sa tingin ko parang nagseselos siya eh... Or assuming lang talaga ako?

Agad namang  tumawag ng Pulis si Emily at si Thana naman ay tumakbo upang tawagin si Nanay Cecil.

Pag punta naman ni Nanay Cecil sa kusina at nakita nya ang katawan ni Yuno at napaluhod nalang sya at napaiyak.

"SINONG GUMAWA NITO!" Sigaw ni Nanay Cecil.

"TUMAWAG KAYONG PULIS! WALANG LALABAS NG BAHAY NATO!" Galit na sabi ni Nanay Cecil.

"Nakatawag na po ako." Nakayukong sabi ni Emily

Lahat ng katulong dito sa bahay ay tila natatakot sa nakita nila, yung iba naman ay nagbubulungan tungkol sa pangyayari.

At ako naman ay nanatiling nakatulala padin at iniisip... Bakit? Bakit kaylangang mangyari yon kay Yuno? Alam kong saglit ko lang nakilala si Yuno pero iba yung feeling ng nararamdaman ko.

Lumapit si Nanay Cecil sa sa Refrigerator.

"BAKIT KULANG ANG PARTE NG KATAWAN NI YUNO!" Sigaw ni Nanay Cecil.

Lumingon ulit ako sa Refrigerator at nakita kong chop chop na parte ng katawan ni Yuno.

Ulo, kaliwang kamay, kanang paa, at katawan. Ngunit hindi ko nakita ang kabilang paa at kamay nito.

At napansin ko ding naka plastic ang mga parte nito. Biglang nasuka si Thana sa nakita nya.

"Nanay Cecil sino po ang nag luto nito?" Tanong ni Thana at naka turo sya sa Adobong luto ni Thana.

Lumapit naman si Nanay Cecil sa tinuro ni Thana.

"Papunta na po ang mga pulis" Sabi ni Emily.

Pumunta ako sa banyo para mag isip.

Dahil na guguluhan ako...

Bakit kasi...

Bakit?...

Teka....

Mainit-init pa yung Adobong kinain ko.

Pero kung patay na si Yuno sino mag luluto n'on? At bakit ibang karne ang nasa Adobo.

Bigla nalang nag pop out sa isipan ko si Yuno at ibang parts ng katawan nya.

Bigla nalang ako nasuka.

Dahil malaking posibilidad na ang nawawalang parte ng katawan ni Yuno ay nasa Adobong kinain ko at nasarapan pa ako.

Sinuka ko lahat ng kinain ko.

Ice Cream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon