>Dandelion Ray Lazaro <
Andito ako ngayon sa van nila Jeremy. Kasama ko ngayon si Thirdy at Jeydee.
"S-sino ang naghatid k-kila H...Hailey?" Hindi na ako makapagsalita ng maayos. Hinang hina na ako at halos wala na akong maramdaman sa katawan ko. And I'm still surprised na hindi pa ako nagc-collapse hanggang ngayon.
Nakahiga ako ngayon. Ang ulo ko nasa lap ni Jeydee at ang hita ko ay nakay Thirdy.
"Tsk. Si kuya Seb. Nabaril kana't lahat. Bat di mo muna alalahanin yung sarili mo?" Tanong sakin ni Jeydee.
"Mas masarap k-kasi sa pakiramdam p-pag alam mong m-may ba....balikan ka p-pa." Saka ako ngumiti.
"Okay, ang lalim nun ah. Pero ano yung sinabi mo sa kanila bago tayo umalis?" Tanong ni Thirdy.
"Sabi ko bigyan nila ng tsaa si Charice at Shyra. Para magrelax sila. Tapos sabi ko na wala silang ibang pagsasabihan ng nangyari ngayong araw. Tas sabi ko na sabihin nalang nila kay Manager na naaksidente ang mama ko sa States at babalik ako after 2 weeks. Sana nga lang magaling na ako nun."
Pinitik naman ni Jeydee ang noo ko.
"Antanga mo. San mo balak magstay ngayon?" Ay shet oo nga. Arghhh. Kapag naman nagstay ako sa bahay...pwede kaming puntahan ni Manager don at malalaman din nila ang totoong nangyari. Pag naman sa lolo at lola ko, aba malamang alam nila kung saan yon.
"Ay shet oo nga." Saka ginulo ni Jeydee ang buhok ko.
"Makagulo ng buhok ah? Close tayo? Haha..Pero kakapalan ko na talaga ang muka ko.... may alam ba kayo na pwedeng pag istayan ko?"
Nagkatinginan naman sila. Parang iisa yung nasa isip nila pero parang ayaw nilang sabihin.
"Bat ganyan muka nyo?"
"K-kasi ano... Jeydee ikaw na nga magsabi."
"Aba bakit ako? Ikaw kaya!" Napabuntong hininga si Thirdy saka tumingin sakin.
"May alam na kaming pwede mong pag-istayan. Pero kaylangan pa ng confirmation ni Manager." Mabuti! Kaso lang, pano kung di pumayag manager nila? I'm doomed.
"G-ganun ba?" Tumango sila. At after 5 minutes, nasa hospital na kami. Diniretso ako sa E.R. May kaharap ako ngayong mga doctor at nurse. After nilang iturok sa akin ang anesthesia ay agad na akong nawalan ng malay.
>Xian Thirdy Maniego <
Nakatingin lang kami kay Ray habang hiniga sya sa may parang kama saka dumiretso sa E.R.
May part sa akin na naiinis sa kanya kasi lagi nalang iba yung iniisip nya. She doesn't even care if sugatan sya. Syempre hindi ako tulad ng iniisip nyo na iniisip lang ang sarili ko. Syempre kaylangan nya ding alalahanin ang sarili nya. Pano na nya maaalagaan ang mga taong mahahalaga kung wala sya?
Pero mostly ay namamangha ako sa kanya. Yung kanina. Ni hindi nya ininda yung lahat ng sugat nya basta ligtas yung mga kasama nya. Hindi lang yon.....
Alam naming dalawa ni Jeydee na noon palang ay gusto nya na si Jeremy. In-encourage pa nga namin sya na umamin na. Pabebe eh. Di naman nangangain si Jeremy. Haha!
Pero nung araw na umamin sya, nalaman nyang sila na pala ng pinsan nya. Pero imbis na ipaglaban nya, nagparaya sya. Ayaw nya daw na masaktan ang pinsan nya.
And take note---nagprepare sya ng dinner para sa amin. As in, sa aming pitong lalaki.
Pero syempre, wala si Jeremy non kasi may date daw sila. Hayy.
BINABASA MO ANG
Di Tayo Talo...
FanfictionPalagi kong naririnig ang dalawa sa mga uri ng pag-ibig. Ang tamang pag-ibig sa maling panahon... At tamang panahon ngunit maling pag-ibig. Di ko alam kung alin tayo dyan sa dalawa... Ang alam ko lang... Na ang akala kong hindi pwede, Ay posible pa...