Fifth Shot

48 2 1
                                    

> Dandelion Ray Lazaro <

"Hayyy Ray. Kung umamin ba ako sayo dati pa, edi sana ako nalang ang minahal mo. Di ka sana nasasaktan ngayon. Pwede bang ako nalang? I love you so much. Rest well, my flower." Sabi nya then hinalikan ang noo ko.

Narinig ko ang lahat. Nagising kasi ako nang tabihan nya ako.

At bigla ko nalang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko.

Pinaglaruan ko ang buhok nya. At sa di malamang dahilan, napangiti ako.  This guy.

"R-Ray??? Narinig mo ba?" I nod. Napahilamos sya ng muka.

"I'm really sorry...wag mo nalang isipin yon." Napangiti ako.

"Baby Jey?" Tawag ko sa kanya. At for the first time, medyo nahiya ako sa pagsabi nyan.

"Yes?"

"Higa." Utos ko sakanya at sinunod nya naman.

"Awww. Where's my clingy baby?" Sabi ko sabay pout. Eepekto yan. Peksman.

Niyakap nya naman ako at ginawa ang hobby nila ni Thirdy at Jeydon na pagbaon ng muka sa leeg ko. At naramdaman ko ang malakas na kabog ni heart. Kalma bes!

Pinaglaruan ko ang buhok nya.

I'm just wondering. Bakit sa uminit ang pisngi ko kanina? Bukas naman ang aircon ah? Tsaka bakit ako nailang sa pagtawag sa kanya kanina ng Baby? Tapos bakit ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko kanina?

Inlove ba ako? Tse hindi pwede!

At nafeel kong inaantok na sya.

"Flower..."

"Hmm?"

"Saranghae." Di ako sumagot. Nag isip ako. Baka isipin nya na ginagamit ko lang sya sa pagmomove on ko.

Unti unti ay bumagsak ang takulap ng mata nya. Pero bago sya makatulig ng tuluyan ay nagsalita ako.

"Nado." At sa inaakala kong tulog na sya, hindi pa pala. Napaupo sya at tumingin sakin ng diretso.

"Wag mo kong pagtripan." Tinakpan ko ang muka ko sa hiya.

"I'm not." Tinanggal ko ang mga daliring nakatakip sa mata ko. Nakita kong lumalapit sya sa muka ako habang nakangiti.

"Layo!" Utos ko sa kanya.

"Ayaw." At lalo nya pang inilapit ang muka nya.

"Ehhhh...." pagpout ko.

Dahan dahan nyang tinaggal ang kamay sa muka ko. May sugat nga pala ako.

"Say it straight to my face."

Bumuntong hininga ako saka tumingin sa mga mata nya. They're so beautiful. Para akong nalulunod.

Ngumiti ako bago nagsalita.

"I love you too." At pagkasabi ko non ay hinalikan nya ako. Ramdam ko ang saya nya.

Nang humiwalay sya ay nakangiti sya na abot tenga.

"Tayo na?" Tanong nya.

"Ayaw. Manligaw ka muna."

"Ehhh love mo rin naman ako eh."

"Edi wag!" Sabi ko sa kanya. Nagpanggap akong nagtatampo sa kanya at tumingin sa ibang direksyon.

Tinusok tusok nya naman ang bewang ko saka tumabi sakin.

"Sorry na. Uyyy, sorry na. Manlikigaw na ako." Sabi nya sabay hug sa bewang ko.

"Tsk." Maya maya ay naramdaman kong hinahalikan nya ang pisngi ko.

"Sorry na kasi. Please?" Sabi nya sabay puppy eyes. Ehhh....kahinaan ko yan eh..

"Ok na sige na. Tsaka tantanan mo yang paghalik sa pisngi ko ah! Nakakarami kana." At nagsmirk naman sya. Saka nya ako binigyan ng peck sa lips.

"Yahhh!"

"Yes flower?"

"What was that for?"

"What?"

Ngumuso ako para sana maging sign pero ang ending eh binigyan nya na naman ako ng peck sa lips.

"Yahhh! Ano ba!"

"Sabi mo ayaw mo sa pisngi? Edi sa lips nalang. Or baka naman ayaw mo sa lips? Sa leeg, you want?" Sabi nya at nagsmirk.

"Yah! JOHN JEYDEE LIRIO!!! Kilabutan ka nga!" At naghagalpak sya ng tawa.

"Tinatawa tawa mo dyan?"

"Wala." Simpleng sagot nya at ibinaon uli ang ulo sa leeg ko.

At maya maya ay naramdaman kong hinalikan nya yon.

Humiwalay ako sa kanya.

"Yah! Tantanan mo nga ako!"

"Yes boss! Tulog na tayo." Sabi nya sabay yakap ng mahigpit sa bewang ko.

Dinahan dahan kong bumaling sa side para kaharap ko sya. Yung binti ko kasi.

"Tsk. Bawal ka daw gumalaw galaw. At dahil don, sakin ka lang haharap." Sabi nya sabay yakap sakin.

Yumakap na rin ako sa kanya at pareho na kaming nakatulog.

> Unknown Person <

Ang sakit pala talaga nun no?

Yung makita mong masaya na sa piking ng iba ang mahal mo.

Ako sana ang nasa pwesto si Jeydee ngayon. Ako sana ang nakakapagpangiti sakanya ngayon.

Mali, ako dapat.

Kung hindi lang dahil sa kanya.

>>>>
Okay nagcringe ba kayo?haha sorry din kasi maikli tong chap na to.

Sino si Unknown Person?

Anong role nya sa storya?

Malalaman sa mga susunod na chapter!

Kaya...

Vote, comment, promote and support!

Saranghae!!!!

Di Tayo Talo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon