Sixth Shot

45 3 0
                                    

> Dandelion Ray Lazaro <

Tahimik akong naglalakad sa kalsada. Walang dalang pera, phone lang at sarili ko. Nang makarating ako sa park na paborito kong puntahan ay umupo ako sa may swing.

Malamig ang simoy ng hangin ngayon. Nakasuot ako ng plain white shirt na tinernuhan ng black pants at black leather jacket with white adidas shoes.

Humiga ako sa damuhan since wala namang tao sa paligid.

I stared at the sky na parang nag-s-stargazing ako. Later on, may tumawag sakin.

I sat up and answered the call.

"Yes?"

[You piece of shit! Asan na ang hinihinga kong pera?! Anong ipapambayad ko sa bill ng lola mo?! At ang tuition ng kapatid mo! Napakawalang kwenta mo talaga!]

Si Papa.

I tried my best to hold back my tears at sinagot ko sya.

"Sige Papa. Magpapadala po ako bukas. I love you, Pa."

[Ge.] Yan lang ang tugon nya saka in-end ang call. That's when my tears started falling.

Sunod sunod na bumabagsak. Pinupunasan ko pero useless lang din kasi patuloy lang ding umaagos ang mga luha ko.

Niyakap ko ang sarili ko at sinubukang ikalma ang sarili ko.

Nang natigil na ako sa pag-iyak ay may tumawag na naman sakin.

I sighed at pinunasan ang natitirang mga luha sa muka ko saka ko sinagot ang tawag.

"Hello?"

[Ate.] It's my brother. I missed him so damn much and I feel terrible na hindi ko sya makasama habang lumalaki sya.

"Hi baby." 

[Ate, nasan ka po ngayon?]

Tumayo ako at naglakad pabalik sa dorm.

"Pauwi na. Nagpahangin lang ako saglit."

Di Tayo Talo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon