First shot

192 5 1
                                    

> Dandelion Ray Lazaro <

"Natashaaaaaa!!!! Gising na." Sigaw ko habang niyuyugyog ko sya. Kanina pa kasi to eh. May presscon pa kami!

"Ermmm...ano ba Ray. Wag ka nga mangggulo..." bulong nya. Kainis!

Kaya lumayo ako sa kanya. Tumakbo then dinaganan ko sya. Di naman ako masyadong mabigat. Sakto lang.

"Ano ba! Eto na tatayo na! Aigoo." Tumayo na sya at inayos ang pinaghigaan nya.

"Ano ba kasing meron at nambubulabog ka?!" Sabi na eh. Arghhh. Nanggigigil ako. Nakalimutan nya.

"Duhhh may presscon tayo mamayang 8:30. Anong oras na oh? Quarter to 8 na kaya! Bilisan mo! Gigisingin ko sila Hailey."

"Ay takte oo nga!" Saka naman sya nagmadaling pumasok sa banyo ng wala man lang dalang damit. Tsk. Buti nalang may mga twalya sa loob.

Dumiretso ako sa kwarto nila Hailey. At pagpasok ko, wala nang tao.

Tumingin ako sa baba. Nakita ko silang dalawang bihis na at lumalamon na. Buti naman. Wag lang nila uubusin ang pagkain.

"Hoy kayong dalawa! Wag madaya ah? Sila Trixie at Charice ba gising na?"

"Hindi pa."

Talaga namang mga batang yon. Tsk. Pumunta naman ako sa kwarto nila Trixie at pumasok.

At oo nga. Nakahilata pa ang dalawa. Kumuha ako ng kaserola sa baba at kutsara.

Bumalik ako sa kwarto nila saka ko hinampas ng kutsara ang kaserola.

Ting...ting...ting...ting...

At effective ha. In fairness. Napatayo agad sila.

"Ate Ray, ano ba yan? Ingay ah. Anong meron?"

"Presscon. 8:30"

At nagmadali naman sila. Nauna si Trixie sa banyo kaya pumunta si Charice sa kwarto ni Jastin. Hayss.

Silang dalawa talaga ang laging sabay maligo.

Ako? Punyeta kaninang 6 pa ako gising. Kung di rin naman dahil sa imapktong Jeremy na yon! Nanggigising agang aga.

Bumaba na ako sa kusina at sinabayan ko sila Hailey at Shyra sa pagkain at maya maya dumating na si Jyra. 

Nang matapos ako ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at nagtooth brush.

At saka bumaba ang iba. Ang kukupad talaga.

At habang pababa si Jastin ay may kausap sya. Malamang sa alamang, boyfriend nya yon.

"Oh hello Jeremy...oo may presscon kami ngayon eh...8:30...ahhh o sige...labyu too!"

Kaumay naman talaga.

"Putcha tama na lande! Malelate na. Mauna na nga ako!" Saka ko kinuha ang phone ko at bag ko at lumabas.

Di naman talaga ako ganto kataray. Pag sadyang alam kong may importanteng gagawin at walang kumikilos, nabubwisit ako.

"Rayyyy!!! Sabay na kami ni Shyra." Sigaw ni Hailey na nagmamadaling mag ayos ng gamit nya. Tumango nalang ako at naghanap ng taxi.

Maya maya ay lumabas na sila Hailey at Shyra. Kasama si Trixie at Charice. Saktong may napadaang taxi.

"Tara na." Sambit ni Shyra.

Kaysa naman kami kasi mga payat kami. Apat sila sa backseat at ako sa passenger seat. Habang nagb-byahe kami ay syempre dahil matakaw din ako, eh kumain kaming tatlo ng chips ahoy.

Pero maya maya din ay parang hindi na tama ang dinadaanan namin.

"Kuya...mali po ata ang dinadaanan natin." Sabi ko kay manong driver. Di parin sya nagsasalita.

"Kuya...hindi---"

"Tumahimik kayo! At wag nyo nang balaking tumawag sa mga kakilala nyo o sa pulis kundi pasasabugin ko yang mga bungo nyo!" Sigaw ni kuya driver. Myghad! Katapusan naba namin.

Tumingin ako sa kanila gamit ang rear view mirror at tumango sila. Dahan dahan naming binuksan ang mga pinto ng hindi nagpapahalata. Mayamaya ay sabay sabay kaming tumalon palabas.

Tumigil naman si manong driver at hinabol kami. Nilabas nya ang baril nya at tinutok kay Charice.

"Charice!" Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap sya.  At naramdaman ko nalang na may bumaon na sa braso ko.

"Agkkk. Bilisan nyo! Takbo!" At napansin kong malapit kami sa villa kung saan nakatira ang boyfriend ni Jastin at mga kaibigan nya.

"Liko! Sa kanan. Pumasok kayo sa villa. Puntahan nyo sila Thirdy." Ang sakit na talaga ng braso ko. Daloy ng daloy ang dugo. At yung hinayupak na driver eh habol habol parin kami. Ghad, ambilis nya.

Napapangiwi na ako sa sakit at sa wakas nakarating kami sa bahay nila.

Ang hawak naman ngayon nung driver ay kutsilyo. Naubos na ata ang bala nya. Nakita kong tatamaan nya si Shyra kaya hinarangan ko ulit. Bumaon sa binti ko ang kutsilyo. Hinugot ko ito at sinaksak ko ang driver sa tyan. Gago sya! Namumuro na sya!

Walang sumasagot galing sa bahay kaya pinatabi ko sila. Umatras ako at saka winasak ang pinto.

"Shit! Anong ginagawa nyo dito?!" Sigaw ni Jeydon.

"Bigyan nyo sila Charice ng tubig. Natrauma na sila." Sabi ko habang namimilipit sa sakit ng braso ko. Sinunod naman nila.

"Ay puta! Anong nangyari sayo?!" Tanong ni Nathan.

"Daming satsat. Obvious ba? Nabaril malamang tas nasaksak nung gagong driver na yon." Tragis! Di ko na kaya bukod sa namimilipit na ako sa sakit ng braso ko, namamanhid narin ang binti ko.

"Nasan yung driver?"

"Nasa tapat ng bahay nyo."

At lumabas naman silang lahat bukod saming limang babae.

"Mga hayup talaga kayo. Aghhh!" Napasigaw ako dahil kumirot ang braso't binti ko. Napahawak ako sa lamesa at nanghihina na ako.

"Dalhin nyo na sya sa ospital!" Sigaw ni Nathan sa kanila.

Binuhat naman ako ni Jeydee. Kaso lang mali ang spot na nahawakan nya sa binti ko...yung nasaksak.

"Ano ba?! Ayusin mo ah! Mas maayos pa atang maglakad mag isa kesa magpabuhat sayo eh."

"Sorry naman. Taray neto." Bubuhatin nya na sana ako pero lumapit ako kila Charice.

"Tawagan nyo si Manager, sabihin nyo may emergency lang. Walang ni isa sa inyo ang babanggit sa nangyari today, maliwanag." Sabi ko kay Hailey at Trixie.

"Painumin nyo yung dalawa ng tsaa para magrelax sila..." halos wala akong boses dahil Sobrang nanghihina na ako.

Tumango naman sila.

"Sabihin nyo naaksidente ang mama ko sa States. After 2 weeks......"

"Babalik ako..."

Saka na ako naglakad uli papunta kila Jeydee.

Di Tayo Talo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon