Fourth shot

53 2 4
                                    

> Dandelion Ray Lazaro <

Sa dulo ay nagdabog nalang si Jeydee saka tumabi sa kuya nya. At nang tulog silang lahat, tinawagan ko si Hailey.

[Hello? Ray?]

"Ako nga. Kamusta kayo?"

[Tsk. Diba kami dapat ang nagtatanong nyan sayo?]

"Ayos ako. Teka nasan ka? Baka makita ka nila Jyra."

[Andito kami nila Charice sa studio. Nasa dorm ang iba. Wait  il-loudspeaker ko]

[RAYYYYYYY!!! OK KA LANG BA???"] Sabay sabay na tanong sakin ng tatlo. I chuckled.  Mabuti at okay na sila.

"Ok lang ako. Hinanap ba nila ako?"

[Yep. Pero gaya ng sabi mo, sinabi namin na nasa states ka.]

"Oh ansabe?"

[Ehhh... ano kasi....gusto daw nilang sumunod. Pero buti nalang puno ang sched ngayon.]

At napabuntong hininga ako. Buti nalang.

[Ehhh...ate Ray, okay ka ba talaga? Diba nabaril at nasaksak ka nung punyetang driver na yon?] Paninigurado ni Trixie. Napatawa naman ako.

"Bunganga mo. Ok nga sabi ako."

"Psh. Sinungaling." At agad kong tinakpan ang bibig ni Jeydon. Epal eh.

[Huh? Sino yon Ray?" Tanong sakin ni Shyra. Wala na. Narinig na.

"Huh? Wala. Yung nurse lang yun. Ang ingay sa labas eh." Magsasalita pa sana si Jeydon pero tinignan ko sya ng masama.

[Ahhhh, kala ko naman...] at maya maya ay may sumigaw galing sa kabilang linya.

[Girls, may practice kayo. Sunduin nyo yung iba!] Sigaw ni Manager. Uh oh.

"Sya sige na. Magpractice na kayo. Wag na kayong sasakay ng taxi ah!" Paalala ko sa kanila. Mahirap na. Baka mamaya magaya sila sakin.

[Oo na sige na. Bye! Pagaling ka!]

"Tss. Sabing okay na ako." Sabi ko sa kanya sabay tawa.

[Ahhh! Basta! Bye na. Saranghaeyo!!!] Tumawa ulit ako. Naiimagine ko yung muka nila.

"Haha. Nado. Bye!" (Nado means me too) Saka ko inend ang call.

At pagkalapag ko ng cell ko ay pinitik ko ang noo ni Jeydon.

"Epal ha. Pag ako nabuking!" Sabi ko sa kanya.

"Don't care. Matulog ka rin. Magpagaling ka." Ayeee. Concerned lang sakin to eh. Kunwari masungit. Bipolar talaga.

"Ayaw." Pagmamaktol ko. Bahala sya dyan.

"Tsk." Saka sya bumangon at niyugyog ang iba.

"Bakit?" Tanong nila.

"Masakit daw yung ulo ni Ray. Hilutin nyo daw. Tas nanghihingi din ng kiss."

At nag una-unahan sila papunta sakin. Agad kong tinakpan ang muka ko.

"Awww. Nahihiya si mommy." Sabi ni Thirdy.

"Mommy ko yan!" Sabi sa kanya ni Jeydee.

"Akin!"-Thirdy

"Akin!"

"Akin ngaaaa!"

"Akin sabi!"

"Akin nalang." Sabi ni Jeydon sabay yakap sa bewang ko.

"Alisssss!!!!" Sigaw ko sa kanya at kinakalas ko ang pagkakayakap sakin pero ayaw magpatinag.

"At kelan ka pa naging clingy ha?!" Bulyaw ko sa kanya.

Di Tayo Talo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon