Chapter 5

438 10 0
                                    

Astrid's POV

Bigla ay napatayo ako. Kilala niya kami at higit sa lahat ang apelyido ko. P-paano?

“P-paano mo ako- kami nakilala?!” gulat kong tanong. Hinawakan naman ni Xianne ang braso ko at pinapakalma ako. Umiling iling pa siya saakin at bumubuling na tama na pero hindi ako nakinig.

“Don't worry, hindi ko naman ipagkakalat e.” nakangiti niyang sinabi.

Inis kong hinawakan ang braso niya. Napadaing naman siya sa sakit.“Subukan mo lang ipagkalat at hindi ko alam kung anong mangyayari sayo.”

Padabog kong binitawan ang kamay niya saka lumabas ng canteen. Naglakad lakad ko ng padabog at magkasakubong ang kilay.

Hindi ko pa kabisado ang academy kaya hindi ko alam kung saan ako dinadala ng paa ko. Kailangan kong kumalma.

Napaupo ako sa damuhan sa ilalim ng puno. Hindi ko alam kung nasaan ako pero para itong gubat na punong puno ng kakaibang mgq bulaklak na tila kumikislap. Biglang gumaan ang pakiramdam ko saka ako napabugtong hininga.

Bawal nila malaman ang apelyido ko sabi ni mama pero may isa ng nakaka-alam at alam kong kapag kumalat iyon ay magkakagulo at binigo ko si mama. At iyon ang ayaw kong mangyari. Bakit nga ba? Argh, my life is a mess. I'm a mess.

Niyakap ko ang tuhod ko saka isinubsob doon ang mukha ako. Naiiyak ako na ewan. Pakiramdam ko punong puno na ako. Pakirandam ko nahihirapan na ako.

Kakapasok ko pa lamang dito nahihirapan na ako paano pa kaya kapag nagtagal ako dito? Unang araw ko pa lamang may nakakaalam na ng apelyido ko paano na bukas? Sa susunod na mga araw?

Magagalit si mama saakin at ayaw kong mangyari iyon. Pauli uli ko na iting sinasabi nakakainis na.

Napalingon ako sa gilid ko ng may marinig akong tunog.

“...”

Kilala ko siya, nakita ko siya kanina sa canteen.

Tiningnan niya ako ng walang emosyon sa kanyang mga mata. Tila wala siyang paki alam saakin at parang naistorbo ko siya.

Tumayo naman ako agad saka inayos ang sarili ko. Pinunasan ko yung mukha ko saka pinagpag ang uniporme ko.

Tumalikod na agad ako sakanya at akmang aalis na.

“You're weird.” sinabi niya na agad nakapagpalingon saakin pero wala na siya doon.

Vampire. Napabugtong hininga nalang ako saka naglakad papunta sa classroom namin.

Umupo ako ng tahimik sa upuan ko.

“Saan ka galing Astrid? Grabe, buti nalang wala pa yung teacher natin kasi may meeting sila.” napailing nalang si Xianne.

Isinubsob ko nalang ang mukha ko sa desk ko. Cheer up na Astrid, wala namang matutulong yang ginagawa mo.

So instead na magmukmok ay sumandal ako sa upuan ko. Sinabihan ko din si Xianne na kalabitin ako kapag nandyan na yung sunod na teacher.

Pumikit ako saka nagpractice nung kung paano sa isip magchant ng spell o kung paano ginagawa ni mama yung sakanya.

Kung ano anong spell pa yung chinant ko pero walang nangyayari sakto namang kinalabit na ako ni Xianne.

Ang hirap naman pala nun. Nakakainis naman si mama bakit kaya hindi niya yun tinuro saakin. Kinailangan ko pang basahin yung mga libro at sanayin yung sarili ko ng ako lang. Ang weird din talaga ng mama ko.

May dalawa pang subject ang lumipas bago dumating yung subject na tanging nakapukaw ng attention ko ngayon. Balik kay Ms. Genevive ang klase. Pero wala daw siyang ituturo bagkus may announcement lamang.

Valiant AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon