Chapter 10

288 11 3
                                    

Astrid's POV

Sinamangutan ko si Xianne na kanina pa ako nginingisihan. Oo na ako na ang malas.

Pinagigitnaan ako ng dalawa kong kagrupo na lalong nagpakaba saakin. Ang swerte ni Xianne kainis sana naging magkagrupo nalang kami e.

"Our first goal for today is to coat yourself with your mana. The second year already knows it, so it is your task to teach your group mates. Now go and train." Huling sinabi ni sir saka naglakad paalis.

Uh, awkward.

Humangin bigla kaya na patingin ako sa Ridge at nakita kong may lumitaw na pula saka puting ilaw sa katawan niya. Maya maya pa ay kumalat ito tapos biglang bumalik sakanya at makikita mo agad na parang may red barrier siya.

"It should look like this. Now copy what I did." Aniya saka biglang rumagasa ang kaba sa dibdib ko.

Walangya! Copy what he did? Ano bang ginawa niya? This isn't fair.

"Uh-"

Napatigil ako sa pagsasalita ng maramdaman kong ginagawa na si Sin yung pinakita ni Ridge kani kanina lamang. Lumabas ang dark blue na ilaw sa katawan niya saka ito pumalibot sakanya at nagtagumpay agad siya. The heck? How did he do that?!

"Your turn." Tumingin sila sa gawi at biglang napahakbang ako ng isang beses pa atras kaya kumunot ang noo ni Ridge.

"Ah um okay." nasabi ko nalang baka magalit pa sakin.

Coat our self with mana right? So, yung ilaw na lumabas sa katawan nila ay ang mana nila mismo. Kaya ang kailangan ko munang ilabas ay ang mana ko din.

Huminga ako ng malalim saka pinakiramdaman ang sarili ko. Pumikit din ako saka maya maya pa ay nakaramdam ako ng init sa loob ko. May mali ngunit di ko na magawang pigilan ito. Nararamdaman ko sila at natatakot na ako.

What brings you here, miss?

Nakarinig pa ako ng tawa kaya nagsitayuan ang mga balahibo ko. I need to stop and get out of here.

Oh no, she wants to abandon us again. What a coward.

Tinig ng babae ang narinig ko naman ngayon. No please just shut up.

A coward should just stay coward. Stop pretending to be brave, young girl.

And that's it. He is here-

"What the hell?"

Napatingin ako sa harap ko saka ko nakita ang mukha ni Ridge na seryosong naka tingin saakin. May kamay na nakalahad saakin at nakita kong si Sin ang nagmamayari nito. Inabot ko ito saka ko namalayang napa upo pala ako.

"You should have let your mana out not your fear." sinabi ni Sin saka binitawan ang kamay ko at lumayo na ng konti.

Kagat labi akong napaharap kay Ridge saka humakbang paatras at yumuko ng konti.

"Sorry."

Narinig ko siyang napa bugtong ng hininga.

"What you let out was exactly what that guy said. You just need to visualize things. Imagine your mana flowing from your heart to your arms then to your hands." ginawa niya ang sinabi niya saka may lumabas na mala usok na mana. "From that let it spread around you and imagine it covering your whole body." and it did.

Pagkatapos ng ilang taong pagtatago mula sakanila hindi ko inaasahang mararamdaman ko uli sila ng ganoon at makakausap. Napaka delikado non at away ko ng maulit pa uli yun kaya dapat tama ang magawa ko ngayon.

"Naiintindihan mo ba?" aniya.

Tumango ako saka humakbang uli palayo sakanila. Mahirap na baka magkamali uli ako. Bale limang hakbang ang layo ko mula sakanila.

Valiant AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon