Chapter 3

428 6 2
                                    

Astrid's POV

Nagising ako dahil sa tatlong katok mula sa pintuan. Tumingin muna ako sa orasan bago tumayo. 7:30 pm na pala pagdating namin dito sa kwarto saktong 10:00 am pa iyon. Tiningnan ko din si Xianne sa kanyang higaan at tulog pa siya. Ni hindi pa kami nakapagpalit ng damit.

Binuksan ko iyong pinto at isang pixie ang bumungad saakin. Siya yung pixie sa tren kanina.

“Magandang gabi, ito nga pala ang inyong uniform. At mukhang hindi pa kayo nakakakain. Pumunta na kayo sa canteen at baka maubusan kayo ng pagkain.” ngiti ng pixie. Tumango naman ako saka nagpasalamat.

Inilagay ko sa cabinet ng Xianne at uniform niya at yung akin sa cabinet ko naman. Kinuha ko na din yung maleta ko saka nagayos ng mga gamit.

Narinig ko ang pagyawn ni Xianne kaya napaharap ako sakanya.

“Good Evening.” bati niya.

“Good Evening, maligo kana para makakain na tayo. Mag aayos muna ako tapos ako naman ang susunod.” mungkahi ko. Tumango lang siya saka dumiretso sa bathroom.

Konti lang naman yung nga damit ko kaya sakto lang sa cabinet halos kalahati lang nga ang nagamit e. Kinuha ko din yung mga libro ko at inilagay sa shelf na nasa tabi lang ng higaan ko. May mini lamp din doon.

Ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti yung kwarto namin. Malaki siya at sakto lang sa dalawang tao. White and gold themed din ito. Mula sa puting higaan, puting mga cabinet at shelves. Yung pinto ay puti din pero yung door knob ay gold. Yung orasan din namin ay kulay gold. Pati yung lamp kulay gold.

So all in all, maganda yung kwarto namin.

Nanglumabas na si Xianne ako naman yung naligo. May isang tub doon, may shower area din sa gilid. Completo na ang mga kagamitan doon at tila alam nila ang gusto naming mga bango ng panligo.

Nagshower na agad ako kasi kumakalam na ang tyan ko. Matapos ko gawin lahat ng mga kailangan kong gawin ay lumabas na din ako. Nagsusuklay na si Xianne paglabas ko at ayos na din ang mga gamit niya sa cabinet.

Pumili nalang ako ng comportable na damit. Isang black leggings saka oversized white hoddie. Si Xianne naman ay naka plain peach v neck shirt at jogging pants.

Nagsuklay na din ako ng buhok saka na kami lumabas.

Naglakad na kami pababa at ng makarating sa ground floor ay nakita namin ang mga nakatambay na babae. Yung iba nglagchichikahan lang.

Lumabas na kami ng dorm.

“Saan nga pala yung canteen nila?” tanong ko kay Xianne.

“hindi ko din alam e.” tumingin siya sa harap namin.“Sundan nalang natin sila mukhang kakain na din naman sila.” tumango nalang ako.

Sumunod kami sa apat na babae sa harap namin umaasa na sa canteen din sila pupunta. Pumasok kami sa isang building yung sinabi ni Xayah kanina na kung saan kami mag-aaral. Lumiko kami sa isang hallway at tama nga dahil doon nga yung canteen.

Madami dami din yung mga studyante dito. Yung iba ginagamit pa yung kakayahan nila. Luminya na kami ni Xianne. Mabilis lang naman umusad yung linya.

Puno yung mga tray namin kaya natawa kami. Paano ba naman e hindi kami nakakain ng lunch pati snacks kanina edi gutom na gutom kami.

Umupo na kami sa isang lamesa na may dalawang upuan lang. Pabilog din ito gaya ng ibang upuan dito sa canteen. Parang 'made for us' nga daw sabi ni Xianne. Napatawa nalang uli kami.

Maingay ang canteen pero agad na tumahimik ng may pumasok na studyante. Kakaiba yung enerhiya na mararamdaman mo sakanya. Nanayo bigla ang balahibo ko at napatingin sakanya. May kung ano saakin ang kinabahan ng makiya siya bumilis din yung tibok ng puso ko.

Valiant AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon