Chapter 7

314 8 0
                                    

Astrid's POV

Nandito kami ngayon sa field upang ipakita ang mga guardians namin. Halos kokonti lang ang nagkaroon kaya yung iba ay nanood nalang sa gilid at kaming mga mayroon ay nakalinya sa field kaharap si Ma'am Genevive.

Naalala ko uli na may guardians na ako. Kailangan ko ng magpalakas ng magpalakas. Marami na ang kukuha ng enerhiya nila galing sakin.

Napabugtong hininga nalang ako. Hindi din naman pwedeng tumanggi at gusto ko din naman sila Nixon at Xerxes. Kaya kakayanin ko to.

Katabi ko ngayon si Xianne at nakakatuwa din dahil may guardian din siya. Sabi niya mukhang aso daw tapos pangalan ay Cloud at kagaya ng kanyang pangalan ang kanyang kapangyarihan. Tinanong niya din ako kung anong itsura at kayang gawin ng guardians na nakuha ko. At syempre nagulat siya ng malaman na dalawa yung nakuha ko. Excited na din daw siyang makita sila at dapat daw dalawa yung para pareho kami.

Yung dalawa kong guardians, naalala ko ang napagusapan namin kanina nila Nixon at Xerxes.

Nakaupo kami sa damuhan at naka anyong tao padin sila. Nagulat ako sa kanilang sinabi sapagkat alam nila ang apilyedo ko. Ang tinatago kong apilyedo.

"Nung naisagawa namin ang ritual upang maging guardian mo kami at maging master ka namin ay nalaman namin lahat ng tinatago mo sapagkat wala tayong maitatago sa isa't isa." pagsisimula ni Nixon.

Gulat akong napatingin sakanila pero malungkot nalang na napangiti. " Alam niyo na ang lahat. Alam niyo na kung sino nga ba talaga ako. Okay lang saakin kung aayaw na kayo."

Umiling iling si Nixon at ngumiti. "Alam mo po master Astrid. Matagal tagal na kami ni Xerxes na naghahanap ng Master. Nakakalungkot lang dahil ang iba naming kaibigan ay umalis na at may master na pero kami na isa sa mga na iiba na guardian ay wala pa." inakbayan naman ni Xerxes si Nixon na mukhang nalulungkot na ng sobra.

"Master Astrid ang gusto naming sabihin na bakit ang tagal tagal mong dumating? Pagong ka ba? Wala ka bang mga paa? Ayan tulo---"

Malakas na binatukan ni Nixon si Xerxes.

"Aray!"

Napatawa nalamang ako sakanila. Nakakatuwa yung samahan nila. Tila hindi ito matutumbasan ng kahit ano.

Nakangiti silang tumingin saakin na natatawa parin. Tumigil na ako saka ngumiti din sakanila.

"Master Astrid, masaya kami na sa wakas ay dumating kana. Na kahit ano pa yang tinatago mo ay handa kaming tanggapin iyan at protektahan ka kahit ano pa ang mangyari." hinawakan ni Nixon ang kamay ko.

Tumango tango naman si Xerxes. "Ang isang kagaya mo ay dapat na ingatan. Nakatadhana na kami ni Nixon ang gumabay at magprotekta sayo. Kaya naman master Astrid sana ay pagkatiwalaan mo kami kasi hindi kami gagawa ng kung ano ano na hindi mo gusto o makakasakit sayo. Ang sekreto mo ay habang buhay na magiging sekreto din namin."

Napabugtong hininga naman ako saka ngumiti at lumapit sakanila. Hinawakan ko ang mga ulo nila at nakangiti itong hinaplos. Nakita ko pa ang pamumula nila at paglabas ng kanilang mga tenga at buntot. Napatawa nalamang ako.

"Aasahan ko yan, Nixon at Xerxes."

"W-wag mo uli gagawin iyon!" nahihiyang sinabi ni Xerxes.

Napatawa nalang kami ni Nixon sakanya.

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano bago nila sabihin saakin ang isang napakaimportanteng bagay daw.

"Master Astrid, gaya ng sinabi ko sayo kanina ay isa kami sa naiiba na guardians o kung tawagin ay rare type."

Alam kong malalakas sila pero hindi ko parin maiwasan na mamangha sakanila. Akala ko talaga kasi nakakatakot lahat ng rare type e. Naalala ko kasi yung guardian ni Sin kase nga diba rare type yun tapos sobrang nakakatakot. Buti nalang talaga hindi ganoon yung guardians ko.

Valiant AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon