Chapter 12

242 14 13
                                    

Astrid's POV

Panglimang laban na ito at wala pa saaming section A ang sumasabak. Maya maya uubusin muna siguro ang mga lower section bago kami.

Napanatag naman ako ng konti kahit na hindi dapat pero atleast diba alam kong mamaya pa ako. Lagpas isang oras nadin kami dito pero okay lang.

Nagring uli ng tatlong beses hudyat na natapos na ang laban. Nakita kong natalo ang taga section B laban sa taga section D na ikina tuwa ko. Ibig sabihin lang yun wala sa section ang basehan ng pagiging magaling. Nakampante siguro yun kaya natalo.

Makalipas ang isa pang oras ay bigla ipinakita sa lacrima ang pangalan na talagang malapit saakin. Eto na, iisaisahin na kami nito.

XIANNE OF 1ST YEAR SECTION A
VS
YUAN OF 2ND YEAR SECTION A

Sabay sabay kaming pumalakpak at chineer si Xianne. May portal na lumabas sa harap at maya maya pa nasa gitna na siya. Nandoon na din ang kalaban niyang si Yuan. Kagat labi akong nandoon ng laban nila. Ng magbell ng isang beses hudyat sa pagsisimula ay tumahimik na ang lahat na kanikanina lamang ay nagsisigaw.

Unang tinawag ni Yuan ang kanyang guardian na si Vixen. Isang batang babae ito na may buntot at tenga katulad ng mga lobo. Inutusan ni Yuan at sa di ko malamang dahilan biglang napaluhod si Xianne habang hawak hawak ang kanyang tenga.

"Cloud!" Sigaw ni Xianne.

Kumahol si cloud ng dalawang beses saka sila lumipad ni Xianne. Nakasakay sila sa ulap na gawa ni Cloud. May sinasabi si Xianne sa guardian nito at tumango tango lang si Cloud. Kita ko ang pamumula ng tenga ni Xianne.

Dahil sa paguusap nila hindi nila na pansin si Yuan na malakas na tumalon kaya nabitak ang semento na kung saan siya naglanding. Kumuha siya ng malaking bitak ng bato saka hinagis ito papunta kanila Xianne.

Buti nalang mabilis ang reflex niya kaya nakagawa agad siya ng barrier. May timelimit pa ata si Cloud sa ulap na kung saan sila nakasakay kasi kitang kita ko ang pagnipis nito.

Dahan dahan ay bumaba sila at saktong nawala ang ulap kaya hindi na masyadong mataas ang binagsak nila pero ginawang pagkakataon iyon ni Yuan para utusang sumugod si Vixen. Itinutok ni Vixen ang kamay niya kay Cloud saka ito tumilapon malayo kay Xianne.

"Cloud!" Nagulat si Xianne habang nakatungin sa guardian nito.

Halos mapatayo ako ng makitang sumugod agad si Yuan kay Xianne. Gulat na napaharap si Xianne sa kalaban nito pero huli na ng malakas siyang masuntok sa tiyan pero nakagawa pa siya ng spell kasi kita ko ang pagbalot ng yelo sa mga paa si Yuan.

Habang nakahawak si Xianne sa tyan niya dahan dahan siyang gumapang palayo habang hindi pa nakakagalaw si Yuan.

"Barrier that reflects protect me from torment!" Pagbigkas ni Xianne ng mga katagang yun lumitak ang isang barrier na madalas niyang gamitin.

Alam na alam ko ang barrier na yun kasi madalas niya gamitin iyon laban saakin. Pili lang saamin ang nakakagawa niyan. Ako nga isang suntok lang ng kalaban nasisira agad yan pero iba si Xianne kasi main niya ang barrier habang ako ay sa offense.

Gamit ng force nakawala agad si Yuan sa mga yelong ginawa ni Xianne. Iba naman kasi talaga ang lakas ng mga werewolf. Ang normal na suntok pag sila ang gumawa halos benteng kamao ang maraeamdaman mong sumuntok sayo kaya ewan ko nalang pagsinuntok ni Yuan yang barrier ni Xianne.

Valiant AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon