Chapter 13

77 6 5
                                    

Astrid's POV

"Ahh kahit isang pagkakataon lamang gusto kong manalo naman tayo." Bulong ng kaklase ko.


Napasilip nalang ako sa dulo ng inuupuan namin. Sinilip ko ang taong makakapanalo saamin. Siya lamang ang alam kong malaki ang posibilidad na manalo. 2nd years ang mga kalaban namin at hindi sila basta basta. Pero kung siya ang ipanglalaban namin alam kong may lagpas kalahating pursiyento kaming manalo.


At pagkatapos pa ng isang laban nabuhayan uli kami ng loob. Eto na ang pinakahihintay naming laban.

SIN OF 1ST YEAR SECTION A

VS

SIERRA OF 2ND YEAR SECTION A


Anga maingay na arena ay binalot ng katahimikan. Mukhang kilala nila si Sin. Nakakaproud na ewan. Sa aming lahat kasi siya na ang may pinakamalaking tyansang manalo. Siya ata pamabato ng section namin.


"Baka tapusin agad ni Sin yung laban." Ani ni Alice.


"Huwag ka pakampante. Si Sierra ata ang anak ng Queen of Sirens." Tugon ni Klea.


Wow, anak pala siya ng isang reyna. Syempre alam ni Klea yun kasi si Sierra ang kasama niyang second year sa klase naming mixed class.


Gaano kaya kahusay si Sierra? Ngunit kahit gaano pa siya kagaling malakas ang loob kong sa round na ito kami ang magwawagi.


"Alam niyo ba last year tinaguariang miracle batch ang mga second year section A?" Bulong samin ni Theo.


"Miracle batch?" Tanong ko. Wala pa kasi akong balita na nasagap tungkol dyan.


"Ang dami kasi nilang napagtagumpayan ng aamin lamang sila. Isa na dun ang manalo sa Show off ng walang ni isang talo." Seryosong sagot ng Theo saakin.


"Kawawa naman pala sila." Ani ni Xianne.


Napatingin si Theo sakanya pero ako na ang nagpatuloy. "Kasi ngayon matatalo na sila."


May malakas na pagsabog na umalingawngaw sa gitna kaya agad kami napatingin doon. At saka namin nakita ang duguan at namimilipit sa sakit na si Sierra.


"Anong nangyari?!" Sigawan ng mga tao sa arena.


Hindi lang pala kami ang hindi nakakita. Maliban kay Sierra na duguan nakita ko naman sa malayo si Sin na nakatingin lamang. What exactly did he do?


"Aqua!"


Lumitaw ang guardian ni Sierra at binalot siya ng bula. Healing bubble ang bumalot sakanya at alam yun ni Sin kaya inutusan niya si Vortex sumugod.


Nailabas niya na pala si Vortex.


Mabilis na tumakbo si Vortex patungo kay Sierra ngunit biglang lumindol at maya maya pa may lumabas sa tubig galing sa kinatatayuan nila. Bumalot lahat ng tubig kay Vortex at kita kong nawawalan na siya ng hininga.

Valiant AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon