Chapter 2

435 9 3
                                    

Astrid's POV

Pinagmasdan ko ang cerebus sa aking harap. Hinigpitan ko ang hawak ko sa espada at huminga ng malalim. Kailangan ko itong gawin.

“Humanda ka.”

Agad ay sumugod ako sakanya pero agad din siyang tumakbo papalapit saakin. Itinaas ko ang espada ko at sinalubong siya.

Mabilis ako na nagslide pailalim habang naka-taas padin ang espada ko kaya nahiwa siya sa ilalim. Hindi ko alintana ang mga sugat na natamo ko sa pagdulas. At agad na tumayo at humarap sa cerebus na nakatayo parin at galit na galit na tingin saakin.

Alam ko na nasugatan siya sa ginawa ko pero hindi pa iyon sapat upang mapatay ko siya.

Tumakbo iyon papalapit saakin kaya iwinasiwas ko ang espada ko sa kanyang kamay na akma akong dadaganan.

Narinig ko ang kakaiba nitong pagdaing at nakita ko ang kakaibang dugo mula sa aking espada.

Napakagat labi ako habang nakikita siyang mas galit na tumingin saakin. Galit niya akong sinalubong ulo niya kaya napatalsik ako sa malayo.

“Araay!” daing ko.

Ramdam ko ang hapdi ng likod ko na tumama sa isang puno. Hindi ko siya matatalo ng ganto!

Naiinis akong nagbigkas ng spell habang tumatakbo ito papalapit saakin.

Speed, speed, speed is what I need!” bigkas ko sa spell.

Agad akong tumakbo sa gilid at naiwasan ang pagkagat ng tatlong bibig ng aso. Tumakbo ako papunta sakanya saka hiniwa ang malaki niyang buntot bago pa man ito umungol ay hiniwa ko na din ang dalawang paa nito saka napasandal sa puno.

“Punong puno na ako ng malagkit niyang dugo kainis!” bulong ko saka tumingin sa cerebus na hindi na makalakad.

Huminga ako ng malalim saka nagbigkas pa ng isang spell.

I don't fly, have no wings. I do jump, with my feets.” bulong ko.

Bumwelo ako saka tumalon ng mataas sa tulong ng spell ko kasabay ng pagbagsak ko ay sinakto kong mapuputol ang gitnang ulo ng cerebus.

Agad na nawala ang cerebus pero naiwan ang dugo nito saakin at sa lapag. Nagtagumpay ako! Omg, natalo kooo!

Agad ay tumingin ako sa pulso ko nakita ko dun ang tumataging ting na 450 pts. Omg, ang laki na!

Medyo nandiri na din ako sa sarili ko kaya nagchant uli ako ng spell upang mawala itong mga nakakadiring dugo ng cerebus saakin.

Napatingin din ako sa tuhod ko at kamay na may sugat. Hindi ko ito pwedeng pagalingin. Mauubos yung enerhiya ko at tama ang naging disesyon ko kasi may sandamakmak na goblin ang lumitaw sa paligid ko.

Hindi pa pala tapos! Hinawakan ko ng mahigpit ang espada ko saka hiniwa ang ulo ng isang goblin sa harap ko na nagtangkang kalmutin ako. Tumingin ako ng mabilisan sa pulso ko at nakita kong nadagdagan ito ng 10 pts.

Madami sila at lagpas pa ata bente! Dadami uli ang puntos ko pero magkakanda kalmot kalmot ata ako nito.

Umiling iling ako saka sumugod.

Third person's POV

Galing mo talagang magpakaba Helia.” sinabi ng isang lalaking may kakaibang ngiti.

“Ako yung inutusan niyong pumunta dun e.” kibit balikat na sinabi ng dalaga na si Helia.

“Kakaiba itong bagong first years.”

Napatahimik sila at napatingin sa isang ginoo na matutuwa sa kanyang nakikita. Nakikita niya lang naman ang mga nangyayari sa mga bagong studyante sa kanilang survival game.

Valiant AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon