CHAPTER 2: THIEF
"What's wrong?" Mataray kong tanong. Aba palaban ata to no! Pero imbes na sagutin niya ako ay bigla siyang tumalikod kaya naman labis ang pagtataka ko.
Nababaliw na yata ang babaeng ito. Nakatalikod lang siya sa kin kaya hindi ko na lang pinansin. Baka kung anong eksena pa ang mangyari kapag pinansin ko pa ang babaeng iyon.
"Ay kamchagya!" Ang malakas kong sigaw nang bigla ulit siyang humarap at excited na dumamba sa akin. Nagtinginan lahat ng tao sa tren kaya humingi ako ng pasensya at nakailang ulit sa pagbow.
"Yah, dangshineun un-i!" (Hey, you're so lucky!) Ang todo ngiti niyang sinabi habang mahigpit na nakakapit sa magkabilang braso ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang sinabi niya iyon. Akala ko sasaeng fan na at handa na akong patayin anumang oras.
Natawa na lang ako at dali-dali siyang hinila pababa ng tren nang makarating na ako sa station na bababaan ko.
"Yeong-eo leul hal su issseubnikka?" (Can you speak English?) Ang tanong ko agad dahil hindi pa naman ako masyadong marunong magsalita ng Korean. Nag-aaral pa lang ako kung kaya't kinakailangan ko munang mag-English.
"Of course! I actually uhh came from the Philippines but since I have been living here for almost 10 years, I uhh can now speak in Korean." Todo paliwanag niya. Deep in side naman sakin, yesh! Sana makaget-along ko to para naman may makausap na ko bukod kay Aling Rosa.
"Jusko! Akala ko talaga kanina sasaeng fan ka na eh!" ang tumatawa ko nang sinabi tapos ay may pahampas effect pa sa braso niya.
"Filipino ka rin?" Ang gulat naman niyang tanong kaya nagtawanan na lang kaming dalawa na parang mga baliw dito sa gitna ng daan.
"Amy-ssi! Neuj-eossde!" (Amy! You're late!) Ang sigaw ng may-ari ng café kaya naman agad na akong nagpaalam sa babaeng ngayon ko lang nakilala at dali-daling tumakbo papasok.
"Jeongmal jwesonghabnida bu-in!" Paghingi ko ng pasensya sa mabait na may-ari ng café na si Mrs. Kim. Tumango na lang siya at agad na iniabot sa akin ang apron ko para magserve na ng mga orders na dapat ako naman talaga ang gumagawa. Naabala ko pa tuliy si Mrs. Kim at siya pa ang nagserve ng pagkain sa mga customers.
"Dito ko lang talaga nilagay sa bag ko yun eh!" ang naiiyak ko nang sinabi habang hinahanap ang wallet ko na siyang naglalaman ng lahat ng valid I.D at mga credit cards ko pati na rin ng 1M won na ipinadala pa ni Mommy. Plus nawawala rin ang cellphone na nailagay ko rin sa bag ko kanina nung bumaba kami nung babae sa tren.
"Gwaenchanha?" (Is everything okay?) Ang tanong ni Mrs. Kim na kakapasok lang sa kusina. Umiling naman ako at ipinagpatuloy pa rin ang paghahalungkat sa dala kong bag kaninang umaga.
"Ma'am my wallet is missing. I have everything that can save my future in there." Paiyak ko nang sinabi sa kanya.
"Wait, is there some particular person you know that must've gotten it? I saw you with that strange girl this morning, you sure it's not her?" Ang sinabi niya kaya agad akong natigilan.
Bakit hindi ko ba naisip na baka siya ang kumuha ng mga nawawala kong gamit?
"You're right Ma'am. It might be her." ang tugon ko.
"Do you know her name? Or is she living next door with you?" Ang tanong niya na parang dumagok sa kin. Ni hindi ko nga man lang pala nakuha ang pangalan niya kanina nung kausap ko siya. At bakit nga ba ako nagtiwala agad sa isang stranger na siya ring kinatakutan ko kanina dahil sa pagtingin niya?
Pero kasi bakit alam niya ang username ko sa Twitter? Stalker ko ba siya by any chance? Ayy naku kung nanakawin niya lang naman yung mga gamit ko bilang collection, huwag na lang.
"Ani. Naneun geunyeo ui moleuneunde." (No. I don't even know her.) Nanlalamya kong sinabi. Nawalan na kasi ako ng pag-asang maibabalik pa sakin yung wallet ko at cellphone dahil hindi ko man lang nakuha ang pangalan nung magnanakaw na babaeng yun.
"Joha! Naneun dangshin i don eul, algesseo?" (Alright! I'll give you money, okay?) Ang sinabi niya bago umalis sa harapan ko at nagtungo sa opisina niya.
"Here, get this. Pay me if ever you got your money back." Ang abot niya sakin ng 1M won cash na tinanggap ko naman. Syempre pakipot pa ba ko? Kapag pera na, wala na dapat nagpapabebe.
"Kamsahamnida bu-in!" (Thank you Ma'am!) Ang masigla ngunit malungkot ko pa ring sinabi tapos ay niyakap siya ng mahigpit.
"Arasseo, arasseo. Hom jigeum idong habnida." (Alright, alright. Go home now.) Ang sinabi niya kaya tumango na lang ako at inayos na ang gamit ko at nagpaalam na sa kanya.
Nalulungkot na lumabas na lang ako ng café. Nagpalinga-linga na lang ulit ako hoping na makikita ko pa sa paligid yung babae kaso wala na talaga. Natangay na niya yung wallet ko pati rin yung cellphone ko.
Paano ko pa makakausap ang BTS niyan? Minsan na nga lang may aksidenteng nakasali sa chatroom nila, mananakawan pa. Sobra naman yatang kapalit ang mga yun.
Hinang-hinang naglakad na ako papunta sa train station. Parang kaninang umaga lang nabasag ko pa yung pinagkainan ko dahil sa tuwa tapos ngayon ito pa ang mangyayari sa kin?
Teka... Wala ba kayong napapansin mga readers? Bakit parang ang bilis ng story at ang dami na kaagad nangyari ngayong araw? Aba walang hiyang author at ginagawang miserable ang buhay ko!
Napatamuso na lang ako sa inisip ko at tumingin ng diretso sa mga pasaherong naghihintay rin sa parating na tren.
"Ang wallet ko!" Ang naisigaw ko nang mapansin kong hawak iyon ng isang nakajacket na lalaki na ngayon ay naghihintay rin sa pagdating ng tren.
"Bimyeong haji anhseubnida." (Don't scream.) Ang suway sakin ng isang matandang babae kaya walang awat ako sa pagbow ngayon habang palayo sa kaniya at palapit naman sa lalaking may hawak ng wallet ko.
Pero nang tumingin ako sa pwesto nito ay wala na ito. Saka ko lang napansin na pasara na yung pinto nung tren kaya dali-dali akong tumakbo.
"Chamkkan!" (Wait!) ang sigaw ko kaya naman nagtinginan lahat ng tao sa station pati na rin ang mga nasa loob ng tren.
Buti na lang at kusang tumabi ang mga tao dito at malaya akong nakatakbo at nakapasok sa loob ng tren. Habang hingal na hingal ako ay pinilit ko pa ring hanapin ang lalaking may hawak ng wallet ko kanina.
"Asan na ba yun?" ang inis kong nasabi dahil hindi ko naman siya matanaw ngayon sa loob ng tren. "Nakakainis naman ang buhay oh!"
Napamura na lang ako ng English nang makita kong nakatayo pala siya sa labas at ngayon ay wala na akong magagawa dahil umaandar na ang tren na sinasakyan ko.
Napansin ko naman napatingin siya sa kin kaya agad kong tinandaan ang mata niya na parang pamilyar na din naman sa akin. Nakamask siya at nakahood kaya hindi ko masyadong makilala pero at least alam ko akung gaano siya katangkad at nakita ko naman ang mata niya kaya okay na yun.
Maliit lang ang mundo kaya inaasahan kong makikita ko pa ulit siya in some other way.
To be continued...
BINABASA MO ANG
My Chatroom Story
FanfictionKilalanin natin si Amy Rodriguez. Isang simpleng fangirl na nangangarap makita ang BTS ng personal. Ngunit paano na lang kung nagising siya isang araw na nagbago na ang dati niyang simpleng buhay fangirl? Matatanggihan niya pa kaya ang tawag ng tadh...