CHAPTER 3: AGAIN
"Actually di ko po talaga alam kung paano maiibalik sakin yung wallet ko." Ang sinabi ko kay Ate Rosa na napabisita sa condo ko.
"Kailan pa ba nawala yun?" Ang tanong niya.
"Nung Martes po. Eh Sabado na ngayon ni hindi ko pa man lang nakikita ulit yung babae o kahit yung lalaki man lang." Ang nasabi ko na lang.
"Sus. Magsimula ka na lang ulit. Or kung gusto mo ako na lang bibili ng phone mo. Tulong ko na sayo yun." Ang sinabi niya pero umiling lang ako.
Masyado na akong umaasa sa iba kung tatanggapin ko pa ang alok niya. Isa pa, malakas ang kutob ko na maiibalik pa rin sakin kahit wallet ko lang. Kahit sa kanya na yung phone. Buti na nga lang at naalala kong may laptop nga palang iniwan si Mommy noon nung pumunta siya dito.
Kahit naman pala ilang beses kong buksan ang account ko sa isang araw, hindi pa rin nagchachat ang BTS sa chatroom kaya wala ring kwenta na nawala yung phone ko.
Nagkaayos na rin nga pala kami ni Marie. Syempre siya lang din naman ang kaibigan na meron ako dito sa Korea kaya kahit marami siyang kasalanan sakin ay pinalalampas ko na lang.
"Wala ka namang pasok ngayon di ba? Samahan mo na lang akong mamili." Ang pagyayaya ni Ate Rosa sa kin kaya tumango na lang ako.
Umuwi naman muna siya at dadaanan na lang daw ako kapag aalis na. Nagbihis na ako at nag-ayos muna ng sarili dahil kekembot ang lola niyo. Malay ba natin baka makabingwit ako ng mayamang Koreano sa grocery di ba?
"Bagay to sayo Amy." Ang tuwang-tuwang sinabi ni Ate Rose habang tinitingnan ang cute na pink dress. Actually bet ko kaso wala naman akong pera kaya hanggang tingin na lang ako. Window shopping ganern.
"Amy, sukat mo dali. Hahanap pa ko ng babagay sayo." Ang sabi niya tapos ay itinulak ako papasok sa dressing room kaya wala na akong nagawa kung hindi isukat na lang ang kung anong mga damit ang iniaabot niya sakin. Sinabi ko naman sa kaniyang wala akong pera pero siya na raw ang magbabayad kaya go lang ang lola niyo.
Di ba sinabi ko nang bawal ang pabebe? Eto na yung part na yun. Papabebe ka pa ba kung isinusubo na sayo, di ba?
"Amy, kung mauna ka na kaya sa pag-uwi? Dadaan pa ko sa mart eh, baka mainip ka lang." Ang pagpapaalam ni Ate Rose kaya tumango na lang ako at niyakap muna siya ng mahigpit bago siya umalis.
Syempre wala naman na akong gagawin sa labas ng mall kaya umalis ako dun. Ayoko namang sumayaw dun at maglagay ng donation box para magkapera pero baka kapag naisipan ko nga ay gawin ko kaya kailangang iwasan ko na ang tukso bago pa umatake.
Nang makarating na ako bus stop ay umupo na muna ako sa bench since hindi pa dumadaan ang bus.
"Amy?!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses ng isang babae. Nang luminga ako ay nakita kong masiglang kumakaway sa kin yung babaeng nameet ko sa tren nung Martes. At ang kapal lang din naman ng mukha niyang kumaway at tawagin pa ko gayong ninakawan niya na nga ako!
Agad akong tumayo at tumakbong parang asong ligaw papalapit sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang braso na siyang ikinagulat niyang todo.
"Ginugulat mo naman ako eh!" reklamo pa niya kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya.
"Asan na yung ninakaw mo?" ang agad kong sinabi. Kumunot naman ang noo niya nang marinig ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
My Chatroom Story
FanfictionKilalanin natin si Amy Rodriguez. Isang simpleng fangirl na nangangarap makita ang BTS ng personal. Ngunit paano na lang kung nagising siya isang araw na nagbago na ang dati niyang simpleng buhay fangirl? Matatanggihan niya pa kaya ang tawag ng tadh...