CHAPTER 8:HERE FOR YOU

17 0 0
                                    

CHAPTER 8: HERE FOR YOU

Kahit hindi ko kabisado ang lugar ay oinilit kong makarating sa funeral na ginaganap ngayon sa Gwacheon. Ang probinsya kung saan lumaki si Jin at kung saan ibinuburol ang labi ng lola niya.

Gusto ko sanang kahit makipagsiksikan na lang ako sa mga ARMY na nasa labas ng lugar, at least nandun ako di ba.

Laking tuwa ko naman dahil mabait ang driver ng taxi na nasakyan ko at tinulungan akong hanapin ang nasabing funeral. Kaya naman kahit di ko gawain, nilakihan ko ang bayad sa kanya dahil sa lahat ng efforts niya today oha.

Nang naroon na ako ay halos mahilo ako sa sobrang dami ng taong nagsisiksikan sa labas ng venue. Nakipagsiksikan na rin ako para makarating sa una at success naman kahit halos lahat na yata ng tao rito ay naiinis at nagagalit na sa inaasal ko. Ikaw ba namang paghahampasin ko na parang walang bukas, hindi ka tatabi?

Nang makarating na ako sa unahan ay natanaw ko ang pinakaloob ng hall at halos mga kakilala rin lang siguro nina Jin ang naroon. Pamilya niya siguro. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ang sasakyan ng BTS na paparating. Kahit papaano ay may makakaramay na si Jin ngayon kung sakaling nalulungkot man siya.

Isa-isa silang bumaba pero wala ni isang nagsigawan bilang respeto na rin sa pamilya ni Jin. Kung hindi ka ba naman baliw na sisigaw eh alam mong nagdadalamhati yung mga tao sa loob hindi ba? Mga hipokrita lang ang alam kong ganun.

Napangiti na lang ako nang lampasan nila ako habang nakangiti rin sa akin. Pagkatapos nun ay tumalikod na ako para umalis. Pumunta lang naman ako para kahit papaano, malaman ko ang kalagayan ni Jin. Concerned ang bruha!

Ngunit napapitlag akong bigla nang may humawak ng mahigpit sa kamay ko. Agad akong napalingon at nakitang si Jin ang may hawak niyon at balak akong dalhin papasok sa lugar kung saan pamilya niya, BTS at Big Hit staffs lang ang nakakapasok.

Nanlaki naman ang mga mata ko at nagpalinga-linga pa dahil natatakot ako sa reaction ng mga ARMYs which is another reason naman para hilahin at itago niya ang mukha ko sa kili-kili niya. Pumalag pa ako nung una dahil nahihirapan akong huminga at hindi makalakad ng maayos dahil sa ginagawa niya.

"Naneun geudeul moseub eul dangshin i neomu pabo mollass-eo!" (Didn't know you're too fool to look at them!) Ang sinabi niya na hindi ko naman masyadong naintindihan.

Nagpatuloy lang kami sa ganoong pwesto hanggang sa maramdaman kong unti-unti na niyang tinatagtag ang pagkakatabon niya sa mukha ko. Infairness ah, ang bango ng kili-kili niya. Worth it naman, kaso mamamatay ako sa paghinga eh! Sabi nga nila, it's a matter of life and death!

"Finall—" Napatigil akong bigla nang mapansin kong nasa loob na ako ng funeral hall at lahat ng tao sa loob ay nakatingin sa aming dalawa ni Jin. Pano ba naman kasi, hawak niya pa rin pala ang kamay ko. Jusko! Sa lahat ng moment naman!

Napayuko naman ako at humingi na lang ng sorry dahil sa pagsigaw ko pa sana ng finally dito. Pinilit ko namang bawiin ang kamay ko kay Jin, akin kaya yung kamay na yan! Pinaghirapan pang gawin ni Mommy at Daddy iyon tapos hahawakan niya?! Hmp! Pero si Jin naman eh, okay lang. Pero kasi kailangan eh.

Napatingin naman ako sa BTS na ngayon ay nakatingin pa rin sa amin ni Jin. Napansin ko namang nakakunot ang noo ni Jimin, kaya heto at kinikilig ang lola niyo. Pero syempre dahil worldwide handsome ang katabi at kahawak kamay ko pa rin pala ngayon, mas lalo akong kinikilig. Anu ba yan! Hirap ng may pitong asawa, di mo alam kung para kanino ba talaga ang puso mo. Bwahahahaha *flips hair*.

We started walking at inupo niya ako sa bench na katabi ni Yoongi, dumiretso naman siya sa unahan at nagsindi ng insenso bilang paggalang sa nasira niyang Lola.

My Chatroom StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon