CHAPTER 7: WOE
"Thank you nga pala ah." ang nakangiti kong sinabi. Nakita ko namang nanliit ang mata at napakunot ang noo niya nang marinig iyon kaya natawa na lang ako. Hindi nga pala marunong magtagalog sila. Grabe grabe.
"Can I go inside?" Ang tanong niya habang sinisilip ang kalooban ng condo. Nag-isip naman ako at naalalang nasa loob si Marie.
"Uhm, I'll just check for something, can you wait?" Tumango lang siya kaya dali-dali akong nagtatakbo papasok at tiningnan kung nandoon si Marie.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko siyang natutulog na sa kwarto kaya agad kong isinara iyon at nilock muna para hindi niya makita si Jimin sakaling magising siya.
Saka naman ako bumalik sa naghihintay na si Jimin at napatamuso na lang ako nang makitang wala na siya roon. Ewan ko pero bigla na lang akong nalungkot at nanghina. I mean, umaalis si Mommy, iniiwan ako ni Marie at iniwan din ako ni Daddy pero never kong naramdaman na nalungkot ako or what.
Is this really love na? Hay jusko! Kapag ako nafall pa ng todo-todo, kailangang panagutan ako ng Jimin na yan dahil kung hindi, eh di hindi bwahahaha. Grabe grabe. Isinara ko na lang ang pinto at nakatungong pumasok na lang ulit.
"Ay anak ng pusit walo!" Ang malakas kong naisigaw nang bigla na lang sumulpot si Jimin sa likod ng pinto at ang ugok, gulatin ba naman ako at tuwang-tuwa pa.
"Ieossda jaemi!" (That was fun!) Ang tumatawa niyang sinabi kaya naman kahit gusto ko na siyang batukan, hindi ko magawa kaya nagwalk out ang lola niyo, kapal ng mukha no? Mwahahahaha. Talikuran ba naman ang nag-iisang Jimin na pinapangarap ng lahat ng ARMY oha. Record breaking nga ganap ko dito kaya hayaan niyo na, minsan lang kaya to. "Mianheyo" Ang rinig kong sinabi niya kaya paniguradong nakasunod siya.
Naupo na lang ako sa sofa at pinagmasdan siya. "Why are you doing this Jimin?" I asked. Kotang-kota na kasi ako eh. Ano ba talagang gusto niyang mangyari? Kasi kung gusto niya ako, enebe! Kenekeleg shi iko! Ahe!
"Museun soli-ya?" (What are you talking about?) He then answered me but in a question form still. Nakatayo siya kaya naman pinaupo ko dahil baka sabihin niya pang di ko man lang siya pinaupo di ba.
"Everything Jimin. I know I'm an overthinker but why are you doing kind of stuffs like buying me this expensive clothes and even holding my hand in public, and bringing me home?" Ang tanong ko kaya naman kitang-kita ko ang paglunok niya ng laway which is gawain ng isang taong kinakabahan.
Napakamot naman siya sa ulo at nginitian lang ako. Yung totoo, manong author? Baliw ba talaga si Jimin kaya ngiti lang siya ng ngiti sa kwento mo? Grabe na ah, pinahihirapan niyo ko eh.
Ang hirap maging best actress ng taon tapos ganitong role ibibigay mo sakin? Hustisya naman manong author!
Sasagot na sana siya kaso bigla namang tumunog ang cellphone niya dahil may tumatawag dito. Sinagot niya iyon kaya hindi na natuloy ang pag-uusap namin.
"Mueoseul?!" ang gulat niyang tanong tapos ay dali-daling tumakbo papalabas ng condo ko kaya naman hindi man lang ako nabigyan ng oras para matanong siya kung ano ba talagang nangyari.
Nang makalabas siya ay saka ko naman narinig ang malalakas na sigaw at hampas ni Marie sa loob ng kwarto ko kaya dali-dali rin akong tumakbo papunta roon at agad na binuksan iyon dahil baka kung ano pang mangyari sa kanya sa loob. Malay ko ba kung mabaliw siya ngayon din at maisipan niyang magpakamatay na lang lalo pa ngayon at may problema yata ang bruha.
BINABASA MO ANG
My Chatroom Story
FanficKilalanin natin si Amy Rodriguez. Isang simpleng fangirl na nangangarap makita ang BTS ng personal. Ngunit paano na lang kung nagising siya isang araw na nagbago na ang dati niyang simpleng buhay fangirl? Matatanggihan niya pa kaya ang tawag ng tadh...